Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
<BOOK 1: BAD BLOOD> *** “ANO’NG sabi ni Number 0 kay Number 8? Eh di, “bakit naka-belt ka?”” pagbibitiw ni Lilac sa joke niya sa pagitan ng hindi niya mapigilang hagikgik. Sa sobrang tawa niya sa sariling joke, pumalakpak at pumadyak-padyak pa siya. Ang sakit na rin ng tiyan niya sa katatawa. Pero unti-unti rin siyang natigilan nang mapansin niya na sa buong audition room, sa limang judges na nakaharap sa kanya mula sa panel, ay wala man lang ni isang tumawa o napangiti man lang. Tumikhim naman si Lilac at mabilis sumeryoso. Yumuko rin siya at inipit sa likod ng tainga niya ang buhok na kumawala mula sa messy bun niya habang sinisilip ang seryosong mukha ng mga judges (na binubuo ng executive producer, direktor, scripwriter, casting director, at main sponsor). Tuluyan nang bumaba ang tingin niya sa sahig nang napansin niyang walang natuwa sa joke niya. Nasa audition siya para sa isang supporting role para sa upcoming movie na ipo-produce ng sikat na production company na New Dimension Pictures. Ang personality ng role na gusto niya sanang makuha ay bubbly, makulit, at maingay. Sakto `yon sa personalidad niya kaya nga hindi na siya masyadong nag-effort, maging sa porma. Messy bun, crop top, denim jumpsuit, Converse shoes. Gano’n lang ang ayos niya dahil nasa late teens naman na ang character na pinag-a-apply-an niya. After the judges asked her to act out a particular scene in the script, they asked her to “entertain” them even more. Kaya binato niya ang pinakamabentang joke niya. Tawang-tawa siya nang marinig `yon noon kaya bakit walang nag-react ngayon? Ang K-KJ naman ng mga Tito of Manila na `to. Lilac was about to lose hope when she heard that soft yet manly laugh. Mabilis umangat ang tingin niya sa pinanggalingan ng mahina at parang pigil pa na tawa. Nagulat siya nang sumalubong sa kanya ang mestizong executive producer na presidente din ng New Dimension Pictures na si Miguel Lorenzo Benitez. Na-impress ko ba ang big boss? Walang kakayahan si Lilac na makakita ng kulay kaya black and white ang “filter” ng mga mata niya. Pero nakikita niyang light ang shade ng balat ni Miguel kaya nasabi niyang mestizo ito. Dark naman ang shade ng suit na suot nito kaya puwedeng itim o navy blue ang kulay niyon. Ang T-shirt sa ilalim ng amerikana ng lalaki, sigurado siyang puti. Even without the colors, she could say that Miguel, in his early to mid fourties, was good-looking. In fact, he even looked more handsome than most younger male celebrities that she had seen in person. Sa pagkakaalam pa niya, hanggang ngayon ay bachelor pa rin si Miguel at hindi pa nagpakasal kahit kailan. “You have a very interesting character, Miss Lilac Alonzo,” nakangiting sabi ni Miguel. Ohh, na-impress nga niya ang big boss. “Your personality seems to be as vibrant as your name. Tumabingi ang ngiti ni Lilac. To be honest, she found it ironic that she was named after a strong hue when she can’t even see colors. It was also kinda sad. “Thank you, sir,” sabi na lang niya sa pinasiglang boses. Hindi siya puwedeng ma-depress sa gitna ng audition piece niya. “We’ll call you when the result is out,” pagtatapos naman ni Miguel sa pormal nang boses. “Okay po,” sabi ni Lilac, saka siya nagsimulang maglakad palapit sa mga judge na isa-isa niyang kinamayan. They shook her hand, but remained stoic. “Thank you for the opportunity, mga sir. Paglabas ni Lilac ng audition room, ngumiti lang siya sa mga babaeng nasa labas at mag-o-audition din para sa role, saka siya dumeretso sa elevator. Bumaba siya sa lobby ng building kung saan may coffee shop. She needed another dose of caffeine to make herself feel like everything was going to be fine. Pagkatapos niyang um-order ng Frappucino, dumeretso siya sa table for two at umupo sa purple settee (na alam niya ang kulay dahil narinig niya sa isang customer) na kakulay pa ng lipstick niya (naka-indicate naman ang kulay sa kahon). Binaba niya ang mataas na cup sa mesa at tinawagan si Marigold. Kailangan niyang makausap ang kakambal niya dahil kailangan niyang mag-rant tungkol sa palpak niyang audition piece kanina. Pero sa pagtataka niya, nag-ring lang ng nag-ring ang kabilang linya. “Why are you not picking up your phone, Marigold? Now of all time?” sermon ni Lilac sa kakambal kahit na hindi pa ito sumasagot. “Halos three months na tayong hindi nagkikita, ha? Hindi mo ba ko na-mi-miss?” Napasinghap siya nang may maalala siya. “O baka naman nanganak ka na? The last time Lilac visited Marigold, her sister was six month pregnant. Halos tatlong buwan na rin simula nang pagbisita niyang `yon. Madalas naman silang mag-usap sa phone pero last week, naputol ang komunikasyon nila dahil ayon sa kakambal niya, nasa condo raw ang fiancé nito at kailangan daw ng mga ito ng quality time. Naging busy din naman siya sa mga raket niya kaya hindi siya masyadong nangulit. Naputol na ang kabilang linya. “Hala,” iiling-iling na bulong ni Lilac sa sarili habang nakatingin sa phone niya. Kapag hindi nasasagot ni Marigold ang tawag niya, tumatawag ito pabalik. Her sister was that clingy. “If she doesn’t call back, baka nga nanganak na siya. Ewan ba ni Lilac pero habang hinihintay niya ang pagtawag ni Marigold, naging mabilis at malakas ang tibok ng puso niya. Wala pang isang minuto ang lumilipas, pero kabado na siya. Sigurado siyang hindi palpitation ang nararamdaman niya dahil hindi pa naman niya iniinom ang kape niya. Pero heto, nanlalamig na ang katawan niya at hindi rin niya maintindihan kung bakit parang hindi siya mapakali ngayon. Her phone rang and the caller ID showed Marigold’s name. Hindi niya namalayang pinigil pala niya ang hininga niya hanggang sa makahinga siya ng maluwag sa pagtawag ng kakambal niya. Bilang “panganay,” hindi na siguro maaalis sa kanya ang pagiging paranoid pagdating sa kapatid niya. Lalo na ngayong buntis ito. At hindi pa niya nakikilala ang fiancé nito. “Marigold, hindi natawa ang judges sa audition ko kanina,” parang batang pagsusumbong agad ni Lilac sa kapatid niya. “Siguradong hindi ko makukuha ang role–” “Is this Lilac Alonzo, Marigold Hamilton’s best friend? Biglang napaderetso ng upo si Lilac nang marinig ang hindi pamilyar na baritonong boses na `yon. `Yong kakaibang kaba na naramdaman niya kanina, bumalik na naman. Mas doble pa nga ngayon. “Yes, this is Lilac Alonzo. Who are you? Why do you have Marigold’s phone? What happened to her? “I’m sorry, Miss Alonzo,” walang emosyon na sabi ng lalaki. “Marigold Hamilton is gone. HINDI maniniwala si Lilac sa tawag ng kung sinong sira-ulo na nagsasabing wala na si Marigold. Her twin sister was a skilled fighter and she could even summon incantations better than she did. Kayang-kayang protektahan ng kapatid niya ang sarili nito, kahit pa mula sa mga bampira. Ang sabi pa ng kakambal niya, poprotektahan ito ng fiancé nito. Kaya hindi puwedeng mawala si Marigold. Nang magmaneho at tumakbo siya papunta sa condo ni Marigold, nagdadasal siya na isang malaking prank call lang ang natanggap niya kanina. Posibleng na-snatch o nanakaw ang phone ng kakambal niya at napag-trip-an lang siya ng kung sinong gago. Pinagdasal niya na sana nga, gano’n lang `yon kasimple. Kaya parang nagunaw na naman ng mundo ni Lilac nang pagdating siya sa condo ng kapatid niya, pagpasok pa lang niya sa loob, may dalawang nilalang nang sumalubong at humarang sa kanya. “Miss Lilac Alonzo?” tanong ng babae sa pantay na boses. Nakasuot ito ng uniporme ng pulis at naka-white gloves pa, gaya ng mga kasamahan nito sa loob ng condo. “I’m sorry, but you’re not allowed here. “Let me through,” nanghihinang utos ni Lilac. Sinubukan niyang lagpasan ang babae, pero may matangkad at payat na lalaking humawak sa braso niya. “Bitawan mo ko. “I’m sorry for your loss, Miss Alonzo,” puno ng simpatyang sabi ng lalaki na para bang maiiyak na ito. “I’m really sorry, but you can’t be here. Sa labas na tayo mag-usap. Wala pa rin sa sarili si Lilac nang titigan niya sa mukha ang babae at lalaking humaharang sa daan niya. She needed to avert her eyes from the scene in the living room that she was not ready to confirm yet. The beautiful woman with a pale haircolor and the lanky guy with a dark shade of eyecolor both showed the same “body color:” bloody red and warm blue which meant these two were half human-half vampire. Gano’n din ang nakita niya sa tatlong malalaki at matatangkad na lalaking nakatalikod mula sa kanya at abala sa pag-iimbestiga sa walang buhay na katawan ng kung sino. Who was she kidding? Kilala niya kung sino ang babaeng nakahandusay sa sala kahit maputlang kamay pa lang nito ang nakikita niya mula sa kinatatayuan niya. Pero ayaw `yong tanggapin ng isipan niya. “Get out of my way, half breeds,” nanghihina pa ring sabi ni Lilac na halatang ikinabigla at ipinagtaka ng babae at lalaki sa harap niya dahil nagkatinginan pa ang mga ito na parang nag-uusap sa isipan. Sinamantala ni Lilac at pagkagulat ng dalawa. Sa mabilis na pagkilos, nilagpasan niya ang babae at lalaki na tinangka siyang habulin pero kinumpas niya ang kamay niya sa direksyon ng mga ito at binigkas ang orasyon na makakapagpatulog pansamantala sa mga bampira. Sabay na humagis sa dingding ang dalawang “half-breeds” at parehong wala nang malay nang bumagsak sa sahig. “How can a mere mortal summon a powerful incantation?” hindi makapaniwalang tanong ng isa pang lalaking kalahating mortal-kalahating bampira habang tumatayo. Mas malaki ito kaysa do’n sa payatot na pinatulog niya kanina. At mukhang mas bayolente din dahil pasugod agad ito sa kanya. “What are you?! Inangat ni Lilac ang kamay niya at tinapat ang palad niya sa mukha ng bayolenteng “half-breed.” “Sleep,” bulong niya sa wikang itinuro sa kanya noon ng batang salamangkerang kumupkop sa kanila. Humagas paangat ang bayolente at higanteng “half-breed” at tumama sa kisame ang likod nito bago ito bumagsak sa sahig. Gaya no’ng dalawang nauna, wala na rin itong malay nang bumagsak sa sahig. Ramdam ni Lilac na may tatlo pang “half-breed” na nagmamatiyag sa kanya. Hindi niya makita ang isa dahil siguro disoriented siya, pero `yong dalawa na nakikita niya sa peripheral vision niya, pansin niyang parang estatwa lang na binabantayan ang kilos niya pero wala namang balak pigilan siya. Mukha ngang twin tower ang mga ito dahil parehong matangkad at pareho ring katamtaman lang ang katawan. Twin… Ngumiti siya ng mapait nang sa wakas, nagkaro’n na siya ng lakas ng loob na titigan ang wala nang buhay na katawan ni Marigold na nakahandusay sa sahig at naliligod sa sarili nitong dugo. Kahit wala siyang kakayahang makakita ng kulay, sigurado siyang dugo ang matingkad na likidong `yon. Hindi… hindi puwedeng mangyari sa’yo `to, Marigold… Hindi katanggap-tanggap ang posisyon ng kakambal niya dahil halatang nahirapan ito sa mga huli nitong sandali. Her twin sister’s legs were opened wide and at the entrance of her womanhood laid the dead body of her baby. Naliligo sa napakadaming dugo ang mag-ina. Ang pinakamamahal niyang kakambal at ang kanyang pamangkin na hindi na niya ma-i-spoil. That was when the painful reality hit Lilac hard. Sumigaw siya sa sobrang sakit, kasabay ng pag-iyak na kanina pa niya pinipigilan. Tuluyan nang bumigay ang katawan niya na kanina pa pala nanginginig. Lumuhod siya sa tabi ni Marigold at nang yakapin niya ang kakambal, naramdaman niya kung gaano na ito katigas at kalamig. And Marigold’s eyes were still opened, so she was forced to look straight at her twin sister’s lifeless orbs. She seemed like an empty shell now. Na malayong-malayo sa masayahin nitong disposisyon. Matigas na umiling si Lilac. “You can’t die on me, Marigold. You can’t leave me.” Umayos siya ng upo, saka niya pinatong ang mga kamay niya sa dibdib ng kakambal. Muling bumuhos ang mga luha niya nang wala na siyang naramdamang ni katiting ng paggalaw sa katawan ng kapatid niya. “Revive,” bigkas niya gamit ang lengguwaheng itinuro sa kanya ng mga salamangkera noon. Mula sa buong katawan niya, naramdaman niya ang pagkaipon ng kakaibang init sa kanyang mga kamay papunta sa dibdib ni Marigold. Ramdam niya, gumagapang din ang init na `yon sa buong katawan nito. Umaasa siyang may magagawang himala ang kakaibang init na `yon sa kakambal niya. But the warmth she breathed into Marigold’s cold body immediately disappeared. “You can’t do this to me, Marigold,” umiiyak na pagmamakaawa ni Lilac. Inulit niya ang orasyon pero gaya kanina, hindi nagtagal ang init na binigay niya sa kakambal. “Kailangan mong mabuhay. Hindi ka puwedeng mawala sa ganitong paraan, okay? Hindi puwede. “Stop,” mariing, malamig, at walang ni katiting na simpatyang saway sa kanya ng lalaking kalahating bampira na lumuhod sa tabi niya. Pinatong nito ang kamay sa balikat niya at mariin siyang hinawakan na parang pinipigilan siya sa ginagawa niya. “The incantation you’re using is crushing her heart, literally. Kapag hindi ka pa huminto, madudurog din ang ibang organ sa loob ng katawan niya. Gusto mo ba `yon? Hearing that made Lilac stop. Mula sa dibdib ni Marigold, umangat ang nanginginig niyang mga kamay sa mukha ng kakambal niya. Maingat at dahan-dahan niyang isinara ang mga mata ng kapatid niya dahil hindi na niya kayang makita ang kawalan nito ng buhay. Napapikit na lang siya nang maramdaman kung gaano na kalamig ang dating mainit na katawan nito. “Marigold…” Nang muli niyang yakapin ang kakambal, sinubsob niya ang mukha niya sa leeg nito at pumikit siya. “Please take me with you…” “Take me with you, Lilac!” nakalabing reklamo ni Marigold pagkatapos nitong daganan ang maleta niya. “Bakit kailangan pa nating maghiwalay ng university at tumira sa magkaibang dorm? Natawa si Lilac habang iiling-iling. Umupo siya sa gilid ng kama, paharap kay Marigold. “Ang sabi ng mga salamangkera sa’tin, may masamang mangyayari pag magkasama tayo. Ayokong may masaktan ka uli ng kahit sino o kahit ano, kaya ako na ang unang lalayo. “Marunong na tayong lumaban at gumamit ng incantation,” katwiran ni Marigold, halatang masama pa rin ang loob sa pag-alis niya. “Mas malakas tayo `pag magkasama. We can protect each other. Alam din naman ni Lilac `yon. Pero ayaw niyang bale-walain ang mga sinabi ng mga salamangkerang kumupkop sa kanila noon. Marahang sinuklay niya ang mga daliri niya sa malambot na ginintuang buhok ni Marigold. “Naalala mo ba `yong nangyari no’ng atakihin ng mga bampirang may barcode sa leeg ang bahay-ampunan no’ng mga bata pa tayo? Dumaan ang takot sa mga mata ni Marigold, pero tumango ito. “Nasa kuwarto tayo no’n at ikaw ang duguan dahil binasag mo `yong salaming bintana para makalabas tayo, pero hindi ka pinansin ng bampira at ako pa rin ang sinakmal niya,” pagsisimula ni Lilac. “Ang sabi ng mga salamangkera, mas mabango sa pang-amoy ng mga bampira ang dugo ko kaya nangyari `yon. Sa ating dalawa, ako `yong mas prone sa pag-atake nila. Kung mangyayari man uli `yon, ayokong madamay ka. Kaya mas gugustuhin kong magkalayo tayo basta safe ka. Kaysa naman magkasama nga tayo, pero parati ka namang napapahamak dahil sa’kin. Nanatiling nakalabi si Marigold na para bang pinag-iisipan ang mga sinabi niya. Pagkatapos, hinawakan nito ang mga kamay niya. “Lilac, mas magiging kampante ka ba kung hindi tayo magkasama? Tumango si Lilac at pinisil ang mga kamay ni Marigold. “Hangga’t malayo ako sa’yo, safe ka. Pero hindi naman ibig sabihin eh mawawalan na tayo ng koneksyon. Madalas pa rin kitang tatawagan at bibisitahin bago mo pa ko ma-miss. “Promise?” parang batang tanong ni Marigold na itinaas pa ang hinliliit. Natawa uli si Lilac, saka niya kinawit ang hinliliit sa hinliliit sa daliri ni Marigold na ikinabungisngis naman ng kakambal niya. “Promise. “Hindi na dapat ako umalis sa tabi mo,” umiiyak na bulong ni Lilac kay Marigold. “I’m sorry, Marigold. I should have protected you while keeping you beside me. I’m so sorry…” Kung siguro ay hindi siya umalis sa tabi ni Marigold, baka hindi nakilala ng kakambal niya ang bampirang siguradong nagdala ng kapahamakan sa buhay ng kapatid niya. Bampira? Huminto si Lilac sa pag-iyak, saka niya nilingon ang “half-breed” sa tabi niya. Dahil nga black and white ang filter ng mga mata niya, madali niyang napansin na maputla ang balat nito. Sigurado siyang itim din ang buhok nito na parang hindi sinusuklay. “Ilang half-breeds ang kasama mo? Nagtagis ang mga bagang ng lalaking half-breed, halatang hindi nagustuhan ang tinawag niya rito at sa mga kasamahan nito. “Lima kaming Bloodkeepers na nandito ngayon. You knocked three of us down, so only my brother and I are left standing. Kumunot ang noo ni Lilac, saka niya tinuro ang hindi nakikitang “half-breed” sa tabi ng bintana. She couldn’t see his physical body, but she could clearly see his colors. “Then, who’s that half-breed?