Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
Dear Reader, Hi, it's Cady again! Thank you for your interest in reading Belle Trilogy. I hope you like it! Thanks, Cady Teaser: Book 1: Beauty and the Geek Kilala si Clari bilang isang magaling na leader pero hindi ibig sabihin niyon ay magaling na siya sa lahat ng bagay. Academically, hindi naman talaga siya matalino. Kaya pinaturuan siya ng kanilang professor sa geek niyang kaklase—si Eugene. Hindi niya puwedeng ipahalata na may gusto siya kay Eugene. He was out of her league. Isa pa, hindi pa siya puwedeng magnobyo. Ngunit nagbago ang lahat nang magtapat si Eugene na may gusto ito sa kanya. Sinagot niya ang lalaki pero nanatiling sekreto ang relasyon nila dahil na rin sa maraming kadahilanan. Napatunayan ni Clari na masamang magtago ng mga sekreto. Dahil itinago niya si Eugene, naging dahilan tuloy iyon para magkasira sila at magkahiwalay. Pitong taon na ang nakalipas pero hindi pa rin nalilimutan ni Clari si Eugene. Mukhang naawa naman sa kanya ang tadhana. Pinagtagpo uli sila ni Eugene pero sa pagkakataong iyon ay nasangkot sa aksidente ang dating nobyo at nawala sa memorya ang pitong taon ng buhay nito, kung saan magkarelasyon sila. Kung kuhanin kaya niya ang pagkakataong iyon para mapalapit uli kay Eugene? Book 2: Beauty and the Greek Alam ni Lora na mali ang makipagrelasyon sa Greek boss niyang si Alexandros Zouvelekis. She didn’t mix business with pleasure. Pero nang makipaglapit sa kanya ang lalaki ay nawala ang lahat ng kanyang depensa. Ibinigay niya rito ang kanyang sarili. Hindi niya kayang patuloy na maging empleyado ni Alexandros pagkatapos ng nangyari kaya nagdesisyon siyang mag-resign. Sinira niya ang kanyang patakaran. Nagpadala siya sa pang-aakit ni Alexandros. Alam niyang lubos iyong makakaapekto sa trabaho niya at hindi niya iyon gusto. “Tatanggapin ko ang resignation letter mo sa isang kondisyon,” ani Alexandros. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Be my mistress…” Papayag ba si Lora sa kabila ng kaalamang engaged na si Alexandros sa ibang babae? Book 3: Beauty and the Grouch Kilala si Mira bilang mabait at matulunging babae. Nang mangailangan ng tulong ang isa sa mga estudyante ni Mira, pinagbigyan niya ito. Siya kasi ang papalit sa ina ng estudyante bilang sekretarya ng isang misteryosong writer na nasa isang liblib na isla—si Rhett. Sa pagpayag niya, makakauwi na ang ina ng bata na matagal na nitong hindi nakakasama. Pero hindi lang misteryoso ang magiging amo ni Mira, istrikto din ito. Maraming ipinagbawal si Rhett sa kanya na naging dahilan kung bakit ni hindi niya makausap ang kanyang pamilya. Hanggang sa isang araw ay bigla-bigla na lang bumait ang “Grouch” na writer. Inilabas siya nito, sinunod ang mga gusto niya at naging maluwag din sa kanya. Ibinigay nito ang mga gusto niya at tila napasobra naman iyon. Pati kasi pag-ibig nito ay inalok na rin sa kanya. Tinanggap ni Mira ang pag-ibig ni Rhett dahil mahal na rin niya ang lalaki, sa kabila ng mga nabatid niyang kakaiba sa pagkatao nito. Pero ano’ng nangyari at isang araw ay bigla itong nagpaalam at sinabing pinalalaya na siya?