Six Hearts
Three Romances
Three Promises...
All are meant to be kept but sometimes ends up...BROKEN.
Broken Vows Trilogy by Cady Lorenzana
TEASERS:
BOOK 1 - THE HEART'S ONLY EXCEPTION
Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang limutin ni Anna sa puso niya na asawa niya si Daimon. Pinagtaksilan siya nito. Pero sa kabila noon, hindi niya magagawang limutin iyon sa kanyang isipan. Nagsasama pa rin sila ni Daimon sa kabila ng lahat...para sa sake ng nag-iisang anak nila na si Jaysen.
Dumating ang punto na nalagay sa alinlangan ang buhay ni Jaysen. Mahina si Anna at tanging isang tao lang ang makakapitan niya---si Daimon. At ramdam niya na buhay na buhay pa rin siya sa puso nito.
Tama ba na pumayag si Anna sa hiling ng asawa ng pangalawang pagkakataon?
BOOK 2 - LOVE ME HARDER
Nagkaroon ng komplikasyon dala ng isang operasyon si Maria kaya naging infertile siya. Hindi dapat niya palakihin ang bagay na iyon dahil bago naman iyon nangyari ay may apat na taon na siyang anak na lalaki---si Santo. Pero kahit ito na lang ang nag-iisang pamilya niya, hindi niya makukuha ito ng buo mula sa ama nito.
“Magsama muli tayo. Lets get married again.” Iyon ang mungkahi sa kanya ng dating asawa na si Cristiano upang malutas nila ang problema niya at ni Santo rin na alam nilang nahihirapan na sa magkahiwalay nilang relasyon.
Pumayag si Maria---but in her terms. Kailangan muna niyang masigurado na hindi na sila ni Cristiano ang mga taong naging madali sa pagpapakasal noon at nagkamali. Kailangan rin niya na malaman kung kaya siya nitong mahalin ng kompleto at buong-buo sa kabila ng kanyang sitwasyon...
BOOK 3 - NOTHING'S GONNA STOP US NOW
Dahil sa isang kasalanan na naggawa ni Clara sa mga magulang ilang taon na ang nakararaan, itinakwil siya ng mga ito. Iyon ang dahilan kaya sa kabila ng nanganib ang buhay ng anak niya ay ni hindi man lang siya tulungan ng mga ito. Sa pagkakataong iyon---isa na lang ang makakatulong kay Clara---si Alekos, ang ama ng anak niya. Hindi naman siya binigo nito. Pero hindi roon nagtatapos ang lahat. Itinago niya rito ang anak nito at alam niyang kailangan niya na magbayad.
“Anong consequence? Susubukan ko na tanggapin, Alekos. Basta huwag mo na kuhanin sa akin ang anak ko...”
Nagulat si Clara nang bigla na lang siyang hapitin ni Alekos. Bahagya rin na nanlaki ang mga mata niya sa naging kapangahasan nito. Inilapit ni Alekos ang mukha nito sa mukha niya.
“This is what I want. You. In my arms. Again.”
May pag-asa ba talaga ang relasyon nila gayong alam niya na hindi naman pag-ibig ang nararamdaman para sa kanya ni Alekos?

