Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
TODAY is the day! Today is the day! Today is the day! Kaycee chanted to herself. Napangisi siya sa kanyang sarili. Nakikita na niya ang malaking arko sa unahan ng lugar na pupuntahan niya. Isang linggo na siyang excited para sa araw na iyon at sa wakas ay dumating na rin. Sadyang umaga siya ng gising dahil ayaw niyang magsayang ng oras sa araw na iyon. Kailangan niyang maging maaga dahil baka maunahan pa siya ng iba, mahirap na. “Maraming salamat sa paghatid, ‘te! See you on Monday!” sabi niya sa matalik niyang kaibigang si Elle na naghatid sa kanya sa Batangas. Pauwi ito sa Quezon dahil mamimili ito roon ng seafoods na kakailanganin nila para sa kaarawan ng mama niya sa darating na Lunes. Sumabay na siya rito dahil hindi siya marunong mag-drive. Mabuti na lang at ipinahiram sa kanila ng papa niya ang sasakyan nito. Bahala na siya pabalik ng Maynila. “O, ‘wag mong masyadong iha-harrass si Mitch ha? Baka mausog ang love story n’yo,” nakangising bilin nito sa kanya. “We’ll see,” sabi na lang niya. Hay, kinikilig ako! Bumaba siya ng sasakyan at saka ito kinawayan bago umalis. Napapangiting tsinek niya ang dalang backpack. Naroon na ang lahat ng kailangan niya para sa araw na iyon. Naroon na ang make-up kit niya, video cam, voice recorder, cell phone at ang ever reliable camera niya. Kailangan niya iyon para sa pinaka-importanteng agenda niya sa buong buhay niya ngayon. Nilanghap niya ang sariwang hangin sa lugar. Dinama niya ang sinag ng araw. Maganda pa iyon sa balat dahil mag-a-alas otso pa lang ng umaga. Napangiti siya sa kanyang sarili bago naglakad patungo sa loob ng lugar na sadya niyang pinuntahan. Nasa Camp Speed siya. Isang lugar iyon sa Batangas para sa mga racing enthusiast at mga mangangarera sa buong bansa. Nagsara iyon sampung taon na ang nakararaan dahil sa dalawang magkasunod na aksidenteng nangyari sa dalawang anak ng founders niyon. Pero muli iyong binuksan ng mga anak ng founders limang taon na ang nakalilipas. The Herreras, Matsumotos, Guttierezes, Trinidads and the Maxwells love for racing was inexplicable that they decided to reopen the Camp. Naging maganda naman ang reception niyon mula sa mga tao. The Camp basically wants to cater the needs of racers all over the country for their race practices and race venues as they offer different types of circuits and tracks for different categories of racing. The Camp also wants to raise awareness for the youth about motorsport. Na hindi lang basketball, volleyball o tennis ang maaaring laruin ng mga ito kundi maging ang racing din. Camp Speed does not have a membership fee for racers and those who make racing a hobby for them to use their tracks. Anyone can enter the Camp as long as you have the money to support your races and gears or you have someone to sponsor you. Hindi kailangang mayaman ka para lang mangarera. Mayroon kasing hindi naman mayaman pero magaling namang mangarera kaya minsan ay ang Camp na mismo ang naghahanap ng sponsor para sa mga iyon. Kaya naman ilan sa mga patron ng Camp ay hindi mayayaman—sila ang nagiging professional racers. Karamihan kasi sa mga patrons ng Camp ay mga mayayaman na ginagawang hobby lang ang racing. The Camp is also the stepping stone for racers who wants to be in the international league of racing. Kaya hindi rin ipinagbabawal sa Camp ang media persons dahil kailangan iyon ng mga racing professionals para magpakitang gilas at magpabango ng pangalan. The racing professionals who enters the Camp usually seeks for exposure to acquire sponsorship from different business bodies in the country. Mahal ang motorsport. May pagkakataon na ang Camp Speed mismo ang nagpopondo sa mga racing professionals na gustong sumali sa mga kompetisyon abroad. Basta ba nakikita ng mga may-ari ang malaking potensyal ng isang racer para manalo sa iba’t ibang kompetisyon abroad. It also doesn’t have any gender restrictions. May mga babae ngang mas magagaling pang mangarera kaysa sa mga lalaki na palaging pumupunta roon. Kung siguro marunong siyang mag-drive ay gugustuhin din niyang mangarera, ang kaso’y hindi siya marunong kahit man lang ang magpaikot ng manibela. Sa North Gate siya pumasok na siyang main entrance ng Camp Speed. Hindi na niya inabala pang paikutin si Elle para sa South Gate pumasok na siyang pasukan ng mga empleyado sa Camp Speed dahil maa-out of the way ito. Isa pa’y gusto niyang makita kung marami na bang tao sa The Garage Suites na natatanging lodging house sa loob ng Camp at pag-aari ito ng isa sa limang may-ari ng Camp Speed na si Raoul Maxwell—the ever controllable freak. Sa loob din ng The Garage Suites matatagpuan ang Food Rush na siyang natatanging restaurant sa Camp Speed at pag-aari ng “The Formers”—ang elite group of racing enthusiast na pawang founders ng Camp Speed. Sina Reginald Herrera, Wendell Maxwell, Wilberto Guttierez, Isaaku Matsumoto at Teodoro Trinidad. Doon talaga madalas tumambay ang lima dahil pawang retired na ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho. “The Formers” ang tawag sa mga ito dahil pangit daw naman pakinggan ang “oldies” at bagay na rin sa mga ito ang tawag na iyon dahil ang mga ito ang pioneer at talagang founder ng Camp Speed. Matatagpuan rin sa The Garage Suites ang Racer’s Haven na isang spa kung saan nagre-relax ang ilang patrons at customers matapos ang mga karera. Pag-aari naman ito ng pinsan ni Raoul Maxwell na si Yana Mari. At ang Speed Café na pag-aari ni Zeke Figuerroa. Pagpasok niya sa North Gate ay sinalubong siya ng maaliwalas na ngiti ng North Gate Guard Two na si Mang Ernesto at isang walang emosyong mukha ng ever strict, serious at formal Head of Security nila na si Wryann. Sa North Gate pinakamahigpit ang security dahil lahat ay maaaring pumasok doon. Samantalang sa South Gate ay ang mga empleyado ng Camp Speed at nang ibang establishemento na nakatayo roon ang pwedeng pumasok. Ang South Gate din ang minsang ginagawang “escape-gate” ng mga patron racers ng Camp na naiipit o naiirita sa makukulit na fans. Samantalang ang West Gate nama’y para sa mga may-ari ng Camp Speed. “Good morning, Miss Kaycee!” masiglang bati sa kanya ni Mang Ernesto. Nginitian niya ito at saka binate rin. “Excited na excited ka ngayon ah. Alam ko naman kung bakit kaya ikukuha na kita ng kart,” alok nito sa kanya. “Salamat, Mang Ernesto! ‘Da best ka talaga!” sabi niya rito saka bumaling kay Wryann. “At ikaw naman, smile ka naman d’yan! Sayang ang araw kaya hindi ka nagkaka-love life eh. As usual, he answered her with a frown on his face. Mabilis naman na dumating ang isang kart na kinuha ni Mang Ernesto para sa kanya. Ang “karts” ay ang official transportation vehicle sa buong Camp Speed. Masyado kasing malaki ang Camp Speed para lakarin ng mga patron at customers nila kaya gumawa ang Engineering team ng Camp nang ganoong sasakyan. Hindi kasi maaaring gamitin ang car vehicles sa loob ng Camp dahil gugulo daw tingnan ang buong lugar kapag may nakikitang iba’t ibang sasakyan na umaandar sa paligid. Hence, Juno Matsumoto made a uniform-colored carts for customers convenience. Ang “kart” ay isang four-wheel vehicle na kasya ang apat na tao. Maihahalintulad iyon sa golf cart, iyon nga lang, mas malaki ang gulong ng “karts” sa Camp Speed kaysa sa golf carts. Iba ang “karts” na sinasakyan nila sa karts na ginagamit ng mga bata sa Camp Speed Racing Academy. Libre para sa mga empleyado ng Camp at ng ibang establishemento roon ang pagsakay sa karts. Tanging ang patrons, fans, at customers lang ang nagbabayad ng kart fare. “Ma’am, saan po tayo?” tanong ng kart driver. “Sa The Garage Suites po,” aniya rito. Siguradong doon pinakamaraming tao ngayon dahil natitiyak niyang kahapon pa lang ay dumating na ang ibang racers para mag-practice. At malamang ay marami na ring fans ang naghihintay sa mga ito roon. Pagpasok mo sa North Gate ay agad mong matatanaw ang napakalaking racing arena ng Camp Speed na para sa stock car racing. Sa kaliwang bahagi naman ng North Gate naroon ang The Garage Suites na pupuntahan niya ngayon at sa kabilang bahagi naman ay ang Gifts From Speed souvenir shop na pag-aari ni Zeb Figuerroa na isa ring Camp Speed patron racer. Marami ang umi-istambay sa Gifts From Speed hindi lang para bumili ng souvenir kundi para makapagpa-cute kay Zeb. At katabi naman ng Gifts From Speed ang racing arena para sa Camp Speed Racing Academy. Alongside the main arena is the Racer’s Place which is a racing specialty shop. Racer’s Place caters to racers needs including racing suits, helmets, gloves, racing boots and other gadgets. Ang Racer’s Place nama’y pag-aari ng ka-triplet ni Zeb na si Zen. At marami din ang umi-istambay doon para magpa-cute kay Zen. The triplets’ charms are lethal, really. Kapag naman sa South Gate ka nanggaling ay bubungad sa’yo ang ikalawang racing arena na para naman sa motocross racing. Sa lahat ng racing categories na alam niya’y ang motocross ang pinakaayaw niyang panoorin dahil natatakot siya para sa mga mangangarera na sumasali doon. Masyadong delikado ang bawat curves at humps na dinadaanan ng mga ito. Kaya kahit na anong pilit ng mga babaeng patron racers nila na sumali sa Camp Speed’s Monthly Patron Race kapag motocross ang pinag-uusapan ay hindi pumapayag ang presidente ng Camp Speed na si Revor Herrera. Masyado kasi talagang delikado ang racing genre na iyon. Sa kabilang bahagi naman ng South Gate ay makikita rin ang Camp Speed’s Staff Building katabi ang Camp Speed clinic. Ang makikita naman sa West Gate ay ang work area ng engineering at logistics team ng Camp Speed pati na rin ang ikatlong racing arena na para sa superbike racing. Nagpasalamat siya sa cart driver pagkababa niya doon. Katulad ng inaasahan niya’y marami na ngang fans ang nasa lounge area ng The Garage Suites. Pagtanaw niya sa Food Rush na tanging restaurant sa loob ng Camp Speed at matatagpuan sa lodging house na iyo’y puno na rin ng tao kahit umaga pa lang. Nararamdaman niya ang excitement ng fans sa magaganap na karera sa araw na iyon. Muli siyang napangiti at napagdesisyunang sa Speed Café na lang magtungo dahil paboritong establishemento niya iyon sa loob ng Camp Speed. Maliban sa malls ay iyon ang itinuturing niyang sanktwaryo. Bakit hindi? Masaya sa lugar na iyon lalo na’t maraming tao at…maraming gwapo. Oo. Maraming gwapo katulad na lang ng mga lalaking ito na nabungaran niya pagpasok niya ng Speed Café na pag-aari ni Zeke Figuerroa—ang huling miyembro ng triplets. “Good morning, Mrs. Esguerra!” bati sa kanya ng Kuya Eros Gabriel Roxas—Gabby for short—niya. Napangisi siya rito. Mrs. Esguerra! “Good morning, Kuya Gabby!” masiglang bati niya rito. Agad na inilibot niya ang kanyang paningin sa buong coffee shop pero nadismaya siya nang hindi makita roon ang hinahanap niya. Wala pang masyadong tao roon dahil alas-diyes pa ang simula ng race mamaya. “Wala rito ang asawa mo. Nasa cheap na lugar ni Zen,” agad na sabi sa kanya ng Kuya Zeke niya na ang tinutukoy ay ang Racer’s Place na pag-aari ng ka-triplet nitong si Zen. Marahil ay bumibili si Mitch nang racing equipments na gagamitin nito mamaya. Pulos mga “kuya” ang tawag niya sa karamihan ng patrons doon dahil mas matatanda ang mga ito kaysa sa kanya. Twenty-one years old lang siya. Kaga-graduate niya lang ng kolehiyo sa kursong Mass Communication at nagkaroon agad siya ng trabaho bilang Press Officer ng Camp Speed. She acts as a race reporter whenever the Camp organizes a race for their patrons—ang pamosong monthly Camp Speed Patron Race na open para sa kahit na sinong mangangarera sa buong bansa. Dahil sa loob ng tatlong taong pabalik-balik niya sa Camp ay naging malapit siya sa mga patrons doon. Nagustuhan nang may-ari na sina Revor Herrera at Juno Matsumoto ang blog niya tungkol sa Camp Speed at sa mga racers na madalas pumunta roon kaya kinuha siya ng mga ito bilang resident reporter ng Camp. Hindi naman nila pinagbabawalan ang ibang reporters na magsulat tungkol sa Camp o mag-interview sa kanilang patrons pero siya talaga ang opisyal na journalist ng Camp Speed. Maliban doon ay isa rin siyang romance novelist sa isang sikat na publishing house sa buong bansa. Nagsimula siyang magsulat noong labing-anim na taong gulang siya pero naging certified romance novelist lang siya noong labing-walong taong gulang na siya. Hindi kasi ganoon kadali ang makapagpa-approve ng isang nobela. Noong halos susuko na siya ay may nakita siyang picture ng isang lalaki sa internet na naging inspirasyon niya para makapagsulat siya ng isang magandang nobela. At sa awa ng Diyos ay nakapagpa-approve nga siya. Ngayon ay dalawang taon na siya sa industriya ng pagsusulat at unti-unti na siyang nakagagawa ng pangalan. All thanks to my love for you…Mitchell Esguerra, she said to herself as she sighed dreamily while standing there in that café thinking of the love of her life, a few scrutinizing eyes staring at her. “What?” aniya sa mga ito. “Malala ka na nga,” naiiling na saad ng Kuya Nick niya. Isa itong international champion motocross racer. Marami ang naiinggit sa kanya hindi lang ang ibang sports journalist kundi ang ibang babae dahil malapit siya sa halos lahat ng patrons ng Camp Speed. Kahit kasi libreng pumunta ang mga ito roon ay hindi naman nakakausap ng mga ito ng kasing lapit katulad niya ang patrons ng Camp. Kumbaga, hanggang tingin lang ang kadalasang drama ng mga ito. Katulad mo kay Mitch? tila nang-aasar na saad ng isang bahagi ng kontrabidang isip niya. Hindi na ngayon. Dahil “today is the day” na siguradong magkakadaupang-palad na kami ng asawa ko, kinikilig na sabi niya sa sarili. “Alam mo, Kuya Nick, gano’n talaga ‘pag mahal na mahal mo ang isang tao. Maisip mo pa lang siya, kinikilig ka na,” sabi niya rito. “Kaycee Jean, handa ka na bang makita ang asawa mo?” tanong sa kanya ng Kuya Raff niya. Isa ito sa may-ari ng Camp Speed. “Handang-handa na, kuya. Matagal ko nang hinintay ang araw na ito. Nasaan nga ulit siya?” excited na tanong niya sa mga ito. “Nasa Racer’s Place,” sagot ng Kuya Slater niya. Isa naman itong international stock car racing sa pamosong Daytona 500. Napaisip siya. Maraming international racers ang umuwi ngayon at mukhang sasali ang mga ito sa Camp Speed Patron Race na mangyayari mamaya. “Ang cheap na negosyo ni Zen. Tawagan mo na lang si Mitch at papuntahin mo siya rito. Baka surutin pa siya do’n,” anang Kuya Zeke niya. Hindi pa rin malinaw para sa kanya kung bakit ganoon ang turingan nang triplets dahil tinatawag ng mga itong “cheap” ang Racer’s Place ni Zen samantalang mas mahal pa kaysa sa mga kape at tinapay ng Speed Café ang mga paninda roon. “Pangit” naman ang tawag ng mga ito sa souvenir shop ni Zeb kahit na magaganda naman at talagang gusto ng fans ang souvenirs na mabibili roon. At “bulok” ang tawag ng mga ito sa Speed Café kahit na masarap naman ang mga pagkain at inumin doon. Ayon sa sabi-sabi ay nagpapaligsahan ang tatlo pero hindi pa rin malinaw para sa kanya kung saang larangan nagpapaligsahan ang mga ito. Sa dami ba ng tao o babae na bumibisita sa shop ng tatlo o sa taas ng kita ng bawat negosyo ng mga ito? “Gusto ko man siyang tawagan, wala akong number niya eh. Mayro’n ka, Kuya Zeke?” nakangising tanong niya rito. “Akala ko ba, asawa mo siya? Bakit wala kang number ng asawa mo?” pambubuska sa kanya ng Kuya Raff niya. “Alam mo, Kuya Raff, hindi ko kailangan noon ng number niya kasi nga palagi naman kaming nagkikita,” aniya rito. “Saan?” kunot-noong tanong ng Kuya Gabby niya. “Sa panaginip, Kuya Gabby. Powerful ‘yon. Dreams do come true,” sabi niya rito saka bumungisngis. Nagtawanan din tuloy ang mga ito maging ang mga café crew na nakarinig sa sinabi niya. “Anyways, ciao! Pupuntahan ko muna ang asawa ko sa kabilang bahagi ng malawak na mundo ng Camp Speed, okay?” paalam niya sa mga ito. “Tatawagan ko na lang si Mitch para siya na ang pumunta dito sa’yo,” pigil sa kanya ng Kuya Zeke niya. “Okay lang, kuya. Hindi ako bibili sa Racer’s Place dahil poor ako,” aniya rito. “Dito ka na lang at may sasabihin pa kami sa’yo. Bibigyan ka namin ng tips kay Mitch,” sabi ng Kuya Raff niya. Oooh, I like that. “Ilibre mo muna ako ng French Vanilla dito,” ungot niya rito. Napapailing na pumayag ito sa kanya at ini-order siya ng French Vanilla sa isang crew. Umupo naman siya sa tabi ng mga ito. “Bakit kayo umiinom ng kape? Hindi ba ‘yan makakaapekto sa race n’yo mamaya?” tanong niya sa mga ito. “Sa kanila lang, hindi naman ako sasali sa race mamaya,” sagot ng Kuya Raff niya. Tinanguan niya ito. Hindi kasali ang limang owners ng Camp dahil ang mga ito ang nagsisilbing coaching staff ng mga race drivers na kasali sa karera. Bawat owner ay may dalawang race driver na ang mga ito mismo ang pipili kung sino ang iko-coach. At dahil doon ay ligtas ang mga ito sa consequence ng mga matatalo. May pustahan kasi ang mga ito tuwing ginaganap ang Camp Speed Patron Race na iyon. Ang limang matatalo ay magsisilbing teacher sa Camp Speed Racing Academy na ino-offer ng Camp sa mga batang may edad lima hanggang sampu para mag-aral ng karting. Ang karting kasi ang unang step patungo sa mas literal na kategorya ng pangangarera. Halos lahat sa patrons ng Camp ay ayaw maging teacher ng CSRA dahil makukulit ang mga bata at mahirap turuan ang mga ito. Kailangan ng mahabang pasensiya sa mga bata. Ang resident teachers na mga may-ari din ng Camp Speed ay sina Revor Herrera at Juno Matsumoto. Sa limang may-ari ng Camp ay ang mga ito lang ang full-time at hands on talaga roon. Sina Raffael June Trinidad, Trent Raegan Guttierez at Raoul Maxwell kasi’y may ibang negosyong pinagkakaabalahan kaya minsan lang magawi ang mga ito roon. Ngunit hindi naman pinalalampas ng mga ito ang Camp Speed Patron Race. “Sino nga pala ang mga sasali ngayon?” tanong pa niya. “Sina Mitch, Vonn, Gabby, Slater, Keith, Nate, Rhyu, Dennis, Terrence at Kent. Now who’s your bet?” anang Kuya Zeke niya. Halos malula siya sa mga pangalang binaggit ng Kuya Zen niya. Sina Vonn La Croix, Slater Young, Keith McGraw, Gabby Roxas, at Kent Villaflor ay pawang mga international racers sa iba’t ibang kategorya ng racing at siyempre ang asawa niyang si Micthell Esguerra na series leader ng pamosong GP3 Series sa Europe ngayon. Samantalang sina Nate Alonzo, Dennis Fortuno at Terrence Zaguirre ay mga leisure racers lang. Nagtataka siya kung bakit kasali sa race ngayon si Rhyu na kapatid ng isa sa may-ari na si Juno dahil ang alam niya’y ito ang Camp Speed’s Head of Engineering. Katulong ito ng Kuya Juno niya sa pagkukumpuni at paggawa ng mga sasakyan. Mahirap mamili o manghula ng mananalo sa mga ito. Ang top five na mananalo sa mga ito’y magiging waiting contenders ng limang mananalo sa susunod na buwan. Parang match up ang magiging labanan sa Camp Speed Patron Race. Ang top five na mananalo ngayon ay maghihintay sa limang mananalo sa susunod na buwan upang maglaban muli sila sa susunod na buwan pa. Kapag natalo ka naman, maliban sa consequence na pagtuturo sa CSRA ay wala kang makukuhang premyo at hindi ka na makakasali sa susunod na monthly race. Ang premyo ng limang mananalo sa bawat karera ay ang isang buwang paggamit ng winning cars o bikes na pawang mga pag-aari ng Camp Speed. Dahil lahat ng sasakyan na ginagamit sa Camp Speed Patron Race ay pag-aari ng Camp Speed. “Ano ba’ng race ngayon?” tanong muna niya sa mga ito. “Stock car,” anang Kuya Nick niya. Malamang si Slater Young na ang manalo sa karerang iyon dahil propesyon nito ang maging isang stock car racer. Pero siyempre, loyal siya sa kanyang asawa. “Si Micthell Esguerra,” nakangising saad niya. “Bias ka, Kaycee! Bias!” pang-aakusa sa kanya ng Kuya Zeke niya. “Thank you,” pasasalamat niya sa crew na nagdala ng order niya bago niya sagutin ang pang-aakusa ng Kuya Zeke niya. “’Pag mahal mo, support all the way,” aniya rito. “Gusto mo bang malaman kung ano ang gusto ni Mitch sa mga babae?” anang Kuya Raff niya. “Ano? Ano? Dali,” excited na tanong niya rito. “Gusto niya ng babaeng showy sa pagmamahal. Gusto niya ‘yong tipong ipagsisigawan sa buong mundo na mahal siya nito. Gusto niya ‘yong maasikaso sa kanya. Gusto niya ‘yong palagi siyang sinasabihan ng ‘I love you’. Gusto niya ‘yong palagi siyang inaalala. Mga gano’n,” anang Kuya Raff niya. “Ang corny ha,” komento ng Kuya Gabby niya. “Talaga? Ako’ng-ako ‘yon. Kayang-kaya kong gawin ‘yon para kay Mitch, my love,” aniya rito. Kung kailangang magsisigaw pa siya ng “I love you, Mitch” ay gagawin niya maipakita niya lang sa lalaki ang pagmamahal niya. “Talaga? Sige nga. Sample nga,” udyok ng Kuya Zeke niya sa kanya. “Dito na? As in ngayon na?” aniya. “Oo naman. Para kapag nagkita kayo mamaya, alam mo na kung ano ang gagawin mo,” anang Kuya Raff niya. “Sige ba,” sang-ayon niya. Tumikhim siya at umayos ng upo. “I love you, Mitch Esguerraaaaa!” sigaw niya. Napatayo pa siya. Ayos lang naman iyon dahil sila-sila lang ang may-ari niyon. Napangiti siya pagkatapos niyang sumigaw niyon. “Ano? Ayos na ba?” tanong niya sa mga ito. “Ayos na ayos,” anang tinig mula sa likuran niya. May narinig pa siyang mga palakpak. Paglingon niya’y nakita niya ang ibang Camp Speed patrons na sina Vonn La Croix, Keith McGraw, Ivan Aguila, Kent Villaflor, Terrence Zaguirre, Dennis Fortuno at ang mga ka-triplet ng Kuya Zeke niyang sina Zen at Zeb at si Mitch. Si Mitch! hiyaw ng isipan niya. Oh, god. There he is. Mitchell Esguerra. GP3 Series’ leading race driver as of today. Isa lang ang masasabi niya rito, the pictures in the internet didn’t give him much justice. Mas gwapo ito sa personal. Mas matangkad, mas mukhang determinado, seryoso at brusko. Not to mention, hot too. Hindi siya sanay na makita itong hindi naka-race suit dahil halos lahat ng picture nito’y naka-racing suit ito o hindi naman kaya’y naka-team uniform nito. He was wearing a blue checkered polo, fitted khaki pants and black Vans shoes. He looks so fresh, gorgeous and hot, hot, hot. Na-mesmerize siya sa angking kagwapuhan nito. He has copper brown hair, thick eyebrows, high pointed nose, and thin pink lips that are a total to die for. He might be only twenty-one years old but he’s already well built. Hindi ito nagpapahuli sa kagwapuhan ng ibang lalaking naroon. At sa kanyang paningin ay ito ang pinakagwapo sa lahat.