Panay lagok ni Lianne sa kopitang hawak habang pinagmamasdan ang lalaking kanina pa niya tinitigan at pinagmamasdan sa malayo. Pakshet! Kating-kati na siya na lapitan ito at sampalin nang mag-asawang sampal.
“Hoy babae ka, maglalasing ka ba?” inis na tanong ng pinsan niyang si Sheena.
Umiling siya habang panay pa rin ang titig niya sa lalaking nasa kabilang couch nakaupo kasama ang mga ka team nito sa laro. Nagsisiyahan ang mga ito sa pag-iinom pero maliban sa mga kasama nitong may kaniya-kaniyang babae, ito ay wala. Nanatili lang itong solo at isang beer sa kamay habang tumatawa.
“Bakit mo ba tinititigan ‘yan si Zyd Caiden McCluskey? Oo, alam natin na napakagwapo niya at sobrang hot. Aside from that, captain siya ng hockey pero insan, may jowa ‘yan at kalat na kalat sa social media na magpapakasal na sila.”
Duh! I know that.
Nilagok niya ulit ang laman ng bote niya. This time hindi na sa kopita. Napa-tuptop na lamang sa bibig si Sheena na nakatingin sa kaniya at hindi makapaniwala. Kung sabagay, hindi siya drinker. Nakasubok na siya dati, tatlong beses lang at ito ‘yong panghuli. Kailangan lang niya nang lakas ng loob, nang konting lakas ng loob, mga beri-beri slight! Hindi siya naglalasing. Promise!
Agaran siyang tumayo sa pagkakaupo sa stool na kinauupuan. Hindi alintana ang lagkit na titig na binigay sa kaniya ng bartender. Sipain niya ito, eh!
Deritso ang kaniyang mga paa na ngayon ay nakasuot ng 6 inches heel shoes. Kung hindi dahil sa musika ng paligid, lumikha na yata siya ng ingay sa bawat hakbang niya. Ang liit nga naman talaga ng mundo. Hindi niya akalain na makikita niya rito ang lalaking ito na iniyakan din niya ng mahigit dalawang buwan. Oo, dalawang buwan hayop ‘yan!
Thanks to her aunte na dito nakadestino rito sa Pittsburgh, Pensylvannia. Isinama siya nito nung nakaraan buwan dahil alam nitong naghahanap siya ng magandang opportunity. Habang hinihintay pa niya ang tawag mula sa mga kompaniyang inapplayan, sinasama at ginagala naman siya ni Sheena na pinsan niyang buo na mahilig sa night life. Nakapag-asawa ang aunte niya ng foreigner kaya half Pinay itong pinsan niya.
“My God, Lianne!” Pinigilan siya nito pero sinenyasan niyang tumahimik. Agad naman itong sumunod at natatakot sa anuman niyang kayang gawin.
Nakasuot siya ng sexy red bar dress na halos expose na ang kaniyang buong likod at kurbang-kurba ang kaniyang katawan. Ang maliit na beywang niya ay mas lalong na-emphasize at nagbigay ng alindog sa kaniya. Kulay pula rin ang kaniyang sapatos kaya kuha niya ang atensyon ng bawat kaniyang madadaanan. Actually, hindi niya kagustuhan ang suot na iyon pero sa mga sandaling ito parang nagpapasalamat siya na pinilit siya ni Sheena na magsuot ng gano’n klaseng damit.
Huminto siya sa harap ng team ni Zyd. Natigil ang ilan sa mga kasamahan nito sa pag-iinom at napatangang napatitig sa kaniya. Yeah, alam niyang napahanga niya ang mga ito. Her black curly wave lenght waist hair and smokey makeup plus her outfit, walang sinong hindi mapapalingon. Nagsusumigaw ang kagandahan niya ngayon ng trahedya. Her height is 5’4 but it doesn’t matter, she pretty knows that her high heels give her much confident she want.
“Well, hey pretty lady. Are you lost?” Mabilis na tumayo ang isang kasamahan nito para alalayan siya pero nanatiling nakatingin siya kay Zyd, na ngayon ay nakatingin sa kaniya na parang nagtataka.
Natigil sa ere ang pag-iinom nito at hinintay ang kaniyang sasabihin. Hindi siya gumalaw, nanatili lang siyang nakatingin kay Zyd at sa sumunod na ginawa niya ay nagbigay ng sigawan ng mga kasamahan nito at singhap sa paligid. Ang kapal ng pagmumukha nito!
Hinablot lang naman niya ang suot nitong damit at sinakop ang bibig nang lapitan niya ito. Pagkatapos, isang malakas na sampal ang binigay niya. Sa sobrang lakas ng ginawa niya, nabaling ang mukha nito at lahat ay natahimik. May tama rin pa lang nagagawa ang alak.
“The fuck!” galit na napatingin ito sa kaniya.
“That’s for fooling me Zyd Caiden McCluskey.” Binigyan pa niya ito ng isang sampal sa pisngi. Mas masakit at mas malakas. 90 degree. Walang nakahuma. Walang nakisawsaw. Hinihintay lang yata ang gagawin niya. “And that was for playing my heart, you jerk!”
“Ms. I think—” apila ng kasamahan nito.
“Shut up!” puno ng pinalidad ang boses niya at hinarap ulit ang binata. Namula ng buong husto ang pisngi nito. “I trust you but all you did was gave me pain!” malakas na sigaw niya. Ang lakas ng tama ng alak na kaniyang ininom, sa sobrang lakas hindi niya matandaan ang pangalan. “And here’s my phone. I screenshots all our convo’s just so you know. Pakshet kang pinakbet ka!” Agad siyang tumalikod at iniwan niya ang mga ito na hindi makahuma sa nangyari.
Mabilis naman sumunod si Sheena sa kaniya habang nasa kaniya lahat ng atensyon sa buong Elite’s Bar na iyon. Kahit ang musika ay natigil dahil sa ginawa niya. Maarte siyang umalis at naglakad.
“Lianne, wait!” Sa labas na siya nahabol nito at kinaladkad siya sa parking lot na para bang may malaki siyang problemang kinasasangkutan. “What was that, Lianne Elhouette Vergara?! My God! Now we’re dead.” Mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan ng makasakay na siya.
Napa-smirk siya. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Nanggigigil talaga siya habang pinagmamasdan ang hitsura nitong parang walang alam. Huh! Kung nakatayo lang ito, baka sinipa niya na ang balls nito sa sobrang inis niya.
“Naalala mo ‘yong lalaking sinabi ko rati na na ka-chat at ka-video call ko lagi from abroad? ‘Yong lalaking minahal ko lang naman kahit sa social dating app lang kami nagkita? ‘Yong lalaking parang sugar sa sobrang sweet na pati ako nilalanggam sa sobrang sweet niya? Siya ‘yong bwesit na taong ‘yon,” umikot ang eyeball niya at napatingin sa labas ng bintana.
“Woah, wait!” Napapreno ito sa gitna ng kalsada. Buti na lang at naka-seatbelt siya dahil kung hindi, baka sumudsod na ang mukha niya sa dashboard.
“Hey may balak ka bang mamatay tayo rito?” maarteng tanong niya kay Sheena.
Napantastikuhang tumingin ito sa kaniya. Buti na lang at walang nakasunod sa kanilang sasakyan ngayon. Madaling araw na kasi.
“You mean, siya iyon?! The heck Lianne, ang baba ng rason mo. Akala ko kung ano na. Normal na ‘yon dito, gaga ka! Bakit ba kasi nagpaniwala ka? At isa pa ha, siya ba talaga iyon kachat mo? Siya ba talaga si Zyd McCluskey? At kahit siya pa iyon insan, wala ka pa rin dahilan na sampalin siya. My God! Kasalanan mo kung bakit nagpakatanga ka sa mga poser ng mga sandaling iyon at naniwala. Patay tayo nitong babae ka.” Napatampal ito sa noo at hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa.
Nagkibit naman siya ng balikat. Hindi siya nagsisi sa ginawa. Sa minahal niya ito kahit sa social media lang sila nagkakilala. May mali ba roon? Hindi namimili ang puso ng minamahal at naiinis siya sa sarili kung bakit nahulog siya sa matamis na dila nito. Dapat sana, ini-block na lamang niya ito dati. Kasalanan pa rin nito dahil kung hindi ito makulit sa nanahimik niyang mundo, hindi sana nito matikman ang sampal niya. Magpapasalamat talaga siya nito sa aunte niya kung bakit siya nito dinala sa Pensylvannia.
“I don’t care! Basta nasampal ko na ang gagong iyon at...” bigla siyang pina-mulahan ng mukha ng maalalang hinalikan niya ito ng tatlong segundo.
That kiss was something...
Malakas na preno sa likod ang nagpagising sa kaniyang pamumula. Napa-mura naman ang pinsan niya at sinimulan paandarin ang sasakyan nito para lang matigilan dahil mula sa unahan ay may isang sasakyan nakaharang. Literal na nakaharang na parang pagmamay-ari nito ang buong kalsada.
“Naman! Bakit ba ang malas natin ngayon?” inis na wika ni Sheena pero siya ay hindi.
Lumabas siya ng sasakyan at gigil na naglalakad papalapit sa itim na Koenigsegg CCXR Trevita na kotse. Hindi siya bobo para hindi alam na isa ito sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo. Gusto niya ng umuwi at kalimutan ang gabing ito kaya kung sino man ang driver na paharang-harang sa magara nitong sasakyan ay makakatikim talaga sa kaniya.
“Hoy! Ano pag-aari mo itong kalsada, ha? Aba, mahiya ka. May dadaan dito, oh. Sipain ko ‘tong sasakyan mong gago ka, eh!” nakapameywang na saad niya.
“Lianne nasa Pensylvannia tayo, hindi ka maiintindihan niyan!” Mula sa driver seat, sumigaw naman si Sheena.
Napataas siya ng kilay. Mas maganda nga iyon para hindi siya maintindihan. Umihip ang malakas na hangin kaya ang buhok niya ay bahagyang nilipad ng hangin at ang headlight ng sasakyan ay nagbibigay ng kakaibang tanawin mula sa kaniyang kinatatayuan.
Bumukas ang pintuan ng sasakyan. Napahigit siya ng hangin at hindi makapagsalita nang mula rito ay lumabas ang lalaking sinabi niyang ayaw niya ng makita pa. Seryuso ang mukha at matalim ang mga matang nakatitig sa kaniya. Nagbabadya iyon ng trahedya. Napa-ingus siya at nag-ikot ng eyeball. Hindi na kataka-taka, mayaman nga pala ito at nakalimutan niya ang bagay na iyon. Naglakad ito at huminto sa harap ng hood ng mamahalin nitong sasakyan at umupo ro’n habang naka-cross arm.
“Now what?” gagad niya.
“You mistook me for someone lady,” madilim pa rin ang mukha nito.
“Mama mo mistook! Don’t me, Zyd. Get lost or I’ll kick your balls,” banta niya at nag-cross arm sa harap nito.
“Insan uwi na tayo. Naku mapapaaga ang pagkamatay natin nito dahil sa`yo!” kinakabahan sigaw ni Sheena na hindi na lumabas ng sasakyan sa takot.
Ngumisi ang lalaki. Ang mukha nitong seryuso at madilim ay sandaling nagliwanag pero saglit lang iyon. Naglakad ito papalapit sa kaniya. Hindi siya makagalaw. Tila nakalimutan niya sandali ang lahat. Ang lalaking nasa kaniyang harapan ngayon ay 6 feet tall at malaki ang pangangatawan at kung ihahambing siya rito ngayon, magmumukha siyang barbie doll sa tabi nito.
Sobrang gwapo ito, aminado siya sa bagay na ‘yon dahil isa itong Canadian. Ang bagong gupit nitong kulay brown na buhok ay nagbibigay ng kilig sa kung sino man babae na mapapatingin dito. Kulay light brown ang mata na may kasingkitan at pailalim kung makatitig. Makakapal na pilik mata at kilay na nagbibigay ng angking ka-gwapuhan. Mapula ang may kanipisang labi. Matangos ang ilong na binagayan sa kilay nito at dahil after shave ito ngayon, nagmukha itong bata sa edad na 31. Biglang nagwala na naman ang puso niya. Shit! Pahamak itong puso niya. Galing na siya dito dati! Nakapag-move on na siya.
Mabilis siyang tumalikod pabalik kay Sheena. Ayaw niyang traydurin siya ng kaniyang puso ulit sa pagkakataong ito dahil alam niyang hindi niya hawak ang puso sa mga sandaling ito. Kailangan na nga nilang makaalis ng pinsan niya! Sa pagmamadali niyang makabalik sa sasakyan nito, nagulat na lang siya nang may humapit sa kaniyang braso at sa mga sumusunod na sandali ay hindi niya na alam ang nangyari. Isang mainit na halik ang sumalubong sa kaniya at mahigpit na kamay ang yumakap sa kaniyang beywang habang ang isa naman ay nakaalalay sa kaniyang uluhan.
Shutaaaa!
She was totally shock! Idaan pa na lumamig ang simoy ng hangin at paki-ramdam niya nagsasayawan ang bituin at buwan sa paningin niya. Bakit wala ito kanina nung siya ang humalik dito... Wait, he’s kissing her and reality hits her! Nagpumilit siyang kumawala pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniyang beywang at mas lalong dumiin ang halik nito.
Oh my, his kiss tastes like heaven at nanghihina ang mga tuhod niya. Naram-daman niya ang sariling tumugon pero bago pa man niya tinugon ito, bigla na itong bumitaw at nakangising dumistansya sa kaniya.
“I’m taking back the kiss you stole. Goodbye, Ms. Fierce Red.” Tumalikod na ito pabalik sa sasakyan.
Habang siya ay napatulala. Kung hindi pa siya nilapitan ni Sheena at hilahin ulit hindi pa bumalik ang utak niya.
“What was that Lianne Elhuoette Vergara!!!” matinis ang boses na tili nito nang makapasok ito sa loob ng kotse. “Hayop! The great Zyd Caiden really kissed you. Oh my! Good thing I did some couple shots of you two. It’s mind blowing. We need to get home. Mababaliw ako sa kilig bakla ka!”
Habang siya ay nakatulala lang at napahawak sa labi. Totoo? Hinalikan siya nito? Letse! Ang puso niya, ang puso niya sabi, eh. Wala na siya sa katinuan. Ano raw? Binabawi ang ninakaw niyang halik? Letse! Bakit sobra ang bawi nito? Bakit pati puso at katinuan niya? Ano na ang gagawin niya nito? Nawala na nang tuluyan ang puso niya.
Gusto niyang magwala pero masyado siyang okupado sa kaiisip sa mukha ng binata at sa halik na ginawad nito sa kaniya. Ramdam pa niya ang malakas na brasong nakahawak sa kaniyang beywang at ang labing umangkin sa kaniyang labi. Hail Mary! Sinampal niya ang sarili. Wala na talaga siyang pag-asang makapag-move on nito.
Shutaaa! Paano ako mag-move on nito? Bwesit ka talaga!
Isang kurot ang inabot nilang magpinsan sa ante niya nang mauwian sila nito kinabukasan. Kagagaling ito sa seminar sa ibang lugar kaya malaya silang nakapag-bar hopping ni Sheena.
“Aray Ma, ano ba ‘yan! Ang sakit ng singit ko,” reklamo nito habang siya ay natawa.
Nakapameywang naman ito. “Explain niyo sa`kin dalawa itong video na kumalat ngayon sa social media.”
Mas mabilis pa sa kidlat na napabangon silang dalawa at lumapit sa ginang saka nag-agawan sa cellphone nito. Anong videong kumalat? Wala naman siyang video scandal, mas lalo wala siyang— Oh God!
Napakagat labi siya nang makita ang paghalik niya sa binata at sa pagsampal niya ng malakas. Buti, medyo madilim kaya hindi masyadong kita ang hitsura niya pero nung tumalikod na siya para lumayo, nahagip ng ilaw ang kaniyang mukha at kahit may kakapalan ang kaniyang make-up, alam niyang makikilala siya ng tiyahin.
“Um... Ma, actually po...” nakangiwing saad ni Sheena at kinakabahan napatingin sa kaniya.
Napakamot siya ng ulo. Nasa 2 million views na ang naturang video habang ang caption ay nagpainit sa kaniyang ulo.
Ms. Red Stalker kissed our Capt. Zyd Caiden McCluskey!!!
Grabeng caption, ah. Damang-dama niya ang inggit nang sino man nag-post nito. Stalker talaga, siya? God! Hindi ba pwedeng siningil niya lang ang utang nito? Mga tao talaga. Instant famous na siya yata nito.
But so what?
“Bata ka!” Kinurot siya ng tiyahin sa teynga. “Ano ba ang pinaggagawa niyo ni Sheena? Naku, hindi ko naman kayo pagbabawalan kasi matatanda na kayo pero ang nakawan ng halik at sampal itong lalaking ito na halos sambahin ng mga kababaihan rito sa Pensylvannia, ibang usapan na iyon bata ka. Hay naku, pinapataas niyo ang dugo ko! O siya, magpahinga na ako. One month kayong grounded at walang bar hopping mangyayari.” Saka ito tumalikod.
Umatungal naman ang pinsan niya na parang pinutulan ng kaligayahan maliban sa kaniya. Bumalik siya sa kama at padapang humiga. May make up kasi siya kagabi plus nakainom pa kaya malakas ang loob niya, pero ngayon? Wait, saan ba ang cellphone niya?
Isang hampas kay Sheena ang nagpabalik ng kaniyang isip. “Grounded tayong babae ka.” Umirap ito at padapang tumabi sa kaniya.
“Nakita mo ang cellphone ko? Hindi ko—” napatigil siya nang maalalang padaskol na binigay pala niya iyon sa lalaki. Napabangon siya at napasabunot. Ayan, katangahan mo, Lianne!
“Ano? Nakalimutan mo na, no? Binigay mo lang naman iyon kagabi sabay walk out na parang nag-fashion show lang, eh, ‘no?” pang-aasar nito.
Natampal niya ang sarili sa kagagahan. Hinding hindi na siya aapak kahit anong bar. Nagkatrauma na yata siya ngayon. Bakit? Bakit! Bakit niya binigay? Hindi naman siya si Santa Claus, pakshet!
Habang si Sheena naman, tila kinikilig na tiningnan ang phone nito. Hindi siya nakapagtiis, tiningnan din niya upang mapasabunot ulit sa kaniyang magulong buhok. Mga larawan nila ni Zyd nung nasa gitna sila ng daan. Para silang artistang dalawa na naghahalikan sa kanilang bagong movie.
“Shit insan, sikat na sikat ka na. Trending na trending ang beauty mong lukaret ka.” tumatawang saad nito nang mag-open ito ng twitter account.
Tama nga ito, instant sikat nga siya. Buti walang nakapag-video rin nung sa daan sila. Hindi lang iyon, may stolen shot na kuha sa kaniya ang nakapost sa twitter na ang sama ng caption laban sa kaniya. For goodness sake, napakaganda niya sa stolen shot na iyon, parang nagmodel lang siya ng buhok at damit.
Bwesit! Nakakainis. Nagtakip siya ng unan sa mukha at pinilit na kalimutan ang nakakahiyang pangyayari sa buhay niya.
SPRING season sa Pensylvannia kaya naman simpleng white summer dress at sneaker ang suot ni Lianne na pinatungan niya ng maong na jacket. Naka-braid style lang ang kaniyang buhok at tanging liptint lang ang kaniyang linagay. Sa pag-iisang buwan niya rito, alam niya na kahit papaano ang papasikot sa bawat kalye at lugar kaya naman kampante lang ang tiyahin niya na umaalis siya.
Plano niyang maghanap ulit ng trabaho ngayon araw pero ipagbubukas na lamang niya. Pupunuin lang niya ng good thoughts itong pag-iisip niyang nilumot na yata. Hayy, buhay! Dala ang paboritong libro, umupo siya sa isang swing na may kalayuan mula sa dagat. Ang banyagang lugar na ito ay nagbibigay ng saya sa kaniyang dibdib. Marahan siyang napahigit ng hangin saka inalog ang swing ng marahan. Mataas ang sikat ng araw pero dahil nasa ilalim naman siya ng malaking puno kaya ang malakas na hangin lang ang nararamdaman niya.
Sinimulan niyang buksan ang libro at nagbasa. Sa kanang kamay niya ay isang instant coffee na binili lang niya sa isang convenient store sa tabi. Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pagbabasa nang mapansin ang dalawang pares ng sapatos sa kabilang swing na katabi niya mismo. Sandali siyang napatigil at nagtaas ng tingin para tingnan kung sino iyon.
Namula ang kaniyang mukha nang makita kung sino ito. Isa lang naman greekgod ang nakaupo ro’n at tila nagpapahinga. Halatang kaka-jogging lang dahil basa ang suot nitong sando sa pawis at may hawak itong bottled water sa isang kamay.
Mabilis niyang binalik ang kaniyang atensyon sa pagbabasa. Wala siyang pakialam sa mga naggagwapuhan lalaki dito sa Pensylvannia pero minsan, hindi niya rin mapigilan hangaan ang mga kagwapuhan ng mga ito. Kung ganito sana ang kagwapuhan ng taga Pinas. Ano na lang siguro ang mangyayari.
“Hej, du slapper det har.” Hey, you drop this.
Napatingin siya rito nang magsalita ito sa lenggwaheng hindi niya maintindihan. Nakita niyang inabot nito sa kaniya ang kaniyang key chain na Pittsburgh Penguin. Naalala niya, ganito pala siya kabaliw dati kay Zyd at bumili pa talaga siya ng keychain sa pangalan ng team nito. Ang sarap murahin ni Zyd ng sampung beses! Pero dahil hindi naman siya gano’n, tinanggap niya ang inaabot nito sa kaniya saka niya mabilis na tinago sa bag.
“Ar du en filipina? Och jag tror att du ar fan av Pittsburgh Penguin.” Are you a filipina? It seems you’re fan of Pittsburgh Penguin.
Pakshet! Nananadya ba ito? Halata naman na hindi siya nakakaintindi kahit isang salita. Magsuntukan na lang kaya sila?
“Sorry?” iyon na lang ang sinabi niya. Gusto pa niyang magbasa at wala siyang pakialam kung gaano ito kagwapo sa mga mata niya.
Natawa ito at napakamot sa ulo. “My apologies. I thought, I was still on Sweden.” Ngumiti ito. “So, you’re a fan of Pittsburgh Penguin?”
Hindi siya sumagot. Hindi naman siya fan, eh. May keychain lang ng team, fans agad?
“Uh... Okay, gotta go. Bye!” Umalis na ito pero bago iyon lumingon pa ito sa kaniya at ngumiti ulit. “By the way, you’re very beautiful.”
Napatanga si Lianne sa sinabi nito. Nag-loading saglit ang utak niya. Hindi na una sa kaniya ang sabihan ng maganda pero nakakailang pa rin kapag mga banyaga ang nagsasabi ng ganito.
Umabot rin siya ng dalawang oras do’n sa swing bago nagpasyang tumayo at naglakad-lakad. Hindi naman siya takot mag-ikot mag-isa dahil kung ikompara sa Pinas, mas nakakatakot at delikado dahil naglipana sa bawat paligid ang mga holdupper at magnanakaw. Isali pa ang mga addict.
Maghahanap ulit siya ng trabaho, this time ay ganado na talaga siya nang mula sa malayo ay may nakita siyang tila nagtatalo na magkasintahan. Binalewala niya iyon pero bigla rin siyang natigilan nang makita kung sino ang lalaki. Ang lalaking hindi umalis sa utak niya buong magdamag. Ang liit talaga ng Pensylvannia. Lihim siyang nagpasalamat sa sarili nang makalampas siya sa nga ito. Mabuti naman at hindi rin siya natandaan ng lalaki at kahit gustong gusto niyang kunin ang cellphone dito, huwag na lang. Alam niya kung gaano kalaking kahihiyan ang ginawa pero hindi niya iyon pinagsisihan maliban sa halik na ginawad niya. Sising-sisi siya sa part na iyon.
“I’m tired of our relationship, Zyd!” gigil na saad ng babae at dahil malakas ang kaniyang pandinig, narinig niya iyon.
Napaismid siya. Dapat lang na mapagod ka talaga. Bwesit ‘yan lalaking ‘yan. Malandi! Hindut! Gusto niyang umeksina pero hindi niya ginawa, pasimple lang siyang nakikinig.
“Come on Kate—”
Napaikot siya ng eyeball. Mga galawan ng mga hayop! Madapa ka sana.
“You never answer my call, Zyd. Glad, your bestfriend Kodi, told me you were here!”
“Yeah...”
“I saw that fucking video of you kissing someone at the bar. Who is she?!”
Nagtaas siya ng kilay at nagpasiya ng hindi makinig sa pang-aaway ng mga ito. Baka masali pa siya at hindi niya mapigilan umeksina talaga. Sige mag-away kayo mga hayop! Gusto niyang sumawsaw sa pag-aaway ng mga ito pero naglakad na siya palayo.

