NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
Napatingin si Farhistt sa apat na lalaking papasok sa loob ng kaniyang pribadong opisina. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi nang makitang duguan ang isa sa kasama ng mga ‘to. Sandali siyang tumigil sa pagsusulat at binaba ang lapis. “What happened?” kahit alam niya ang sagot. “Napaaway lang sa kanto.” Ngumisi si Magnar at sinulyapan si Gallagher na pinipilit ampatin ang dumudugong noo. “Why won’t you two admit it?” seryusong tanong niya. Umupo agad sa mahabang sofa si Maccabi at Tiverius na nakangisi. Alam niyang nag-away na naman ang mga ito sa labas. “Pinag-awayan nila ang isang babae, Yx.” natatawang singit ni Maccabi. Tama nga ang nasa isip niya. Babae na naman ang pinag-aawayan ng dalawang magkakaibigan. Hindi na siya nagtaka, nakahiligan na yata ng dalawa na laging iisang babae ang laging nagugustuhan at ang ending, parehong hindi ito napipili. “Kung hindi kasi maepal ‘tong si Magnar, sasagutin na sana ako ng nililigawan ko.” inis na pakli ni Gallagher sabay dirty sign kay Magnar na kampante na ngayong nakaupo sa single couch. “I’m doing it to save your fucking ass. Niloloko ka nung pangit at mukhang perang babaeng ‘yon pero sige ka pa rin. Dude, you should thank me,” madramang saad ni Magnar at umakteng nasasaktan. Napailing na lang si Farhistt habang nakikinig sa batuhan ng salita ng dalawa. Hinayaan na lamang niya ang mga ito at binalik ang atensyon sa ginagawang reports at pag-sorting ng mga bagong assignment na pinadala sa kanila galing sa ibang Agency. Binuksan niya ang naunang file sa kaniyang email at deritso itong naka-address sa kaniya. Nagsimulang maglikot ang kaniyang mata habang nagsimulang basahin ang nilalaman ng file. Napatingin siya sa apat na kasamang nakaupo ngayon sa couch at kaniya-kaniyang gamit ngayon ng cellphone sa kamay. Sino sa apat ang ipapadala niya para sa assignment na ito? Si Magnar ay pupunta ito bukas sa China. Si Gallagher, may crime investigation itong nireresolve. Si Maccabi, may binabantayang spoiled brat na dalaga na anak ng isa sa makapangyarihang tao sa bansa. Habang si Tiverius, lilipad ito patungong Russia para makipag-fake transaction sa mga Illegal Gun Dealer. Napailing siya nang makita niyang choices ay walang iba kundi siya. Ang ilang sa mga tauhan niya ay may kaniya-kaniya siyang pinagawa at maliban pa ro’n, baguhan ang iilan at kailangan ng mga kasama. Pinatay niya ang kaniyang laptop at inayos muna ang pagkakalagay ng bawat bagay sa kaniyang table bago nagpasyang lumabas para lumanghap ng hangin sandali. Ang Dark X, isang sekretong organisasyong na kaniyang tinayo nung namatay sa masakit na pangyayari ang kaniyang pamilyang naging kaniyang mundo at siya lang ang natira. Kukunting member lang meron siya sa organisasyon na ito at hindi basta-basta ang mga miyembro niya. Walang nakakaalam sa Dark X kung ano ang tunay na layunin nito, ang pagkakaalam lang ng mga tao... Isa itong exclusive club para sa mga mayayaman. Napatitig siya sa mga bagong anim na member na ngayon ay mahigpit na nag-training sa buhanginan. Naglakad siya papunta sa mga ito at inisa-isa pag-ayos ang kamay at paa sa pag-execute ng iba’t ibang klaseng martial arts. “Live as if you were to die tomorrow,” panimula niya at naglakad sa harap ng mga ‘to. “Hindi madali maging undercover agent, ang buhay mo rito ay nasa hukay. And the terrible part of it, you digged your own grave. Nanatiling tahimik ang mga ito at walang gumalaw. Hinihintay ang kaniyang sasabihin. “Make this training a hell, so the real fight won’t be. When times are difficult, remind yourself that no pain comes to you without a purpose and that in the end, some of your greatest pains become your greatest strengths. Understood? “Yes Yx!” magkapanabay na sagot ng mga ito saka siya tumalikod. Deritso niyang tinungo ang malaking bahay sa kanang bahagi kong saan kompleto sila sa lahat ng kagamitan. High technology ang concept ng bahay at hindi basta-basta napapasok ng kung sino man mapadpad sa kaniyang isla. Kapagkuwa’y tumawag sa kaniya ang kaibigan si Cuhen. May pinapagawa ito sa kaniya na kunin ang matandang si Don. Hernandez. Napabuntunghinga siya, hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang lahat niyang mahal sa buhay pati na rin ang nag-iisa niyang kapatid na fiancée ni Cuhen. Dito nakatuon ang atensyon niya nung mga nakaraan araw at malinis ang ginawang krimen. Kahit siya, walang nakuhang lead kung sino but Cuhen was desperately want to decode the truth. Hindi rin niya masisi ang kaibigan at minsan naging kasama sa paglilingkod ng bayan. “I’m counting on you,” anas nito sa kabilang linya. Tumango lang siya na para bang nakikita siya nito at nagpaalam na sa kabilang linya. Nagpatuloy siya sa paghakbang papunta sa malaking bahay. Iuutos niya ito sa kaniyang tao at itatago ang Don sa kaniyang mansiyon. Hangga’t hindi niya napapatunayan na wala itong kasalanan, wala siyang masamang gagawin dito. “Yx!” Tumatakbong lumapit sa kaniya si Magnar. “I’m going. Give this shit to Gallagher.” May binigay ito sa kaniyang flash drive. “He hates me.” Tumatawang lumayo ito sa kaniya. Tumango siya at sinundan ito ng tingin. Napapailing na lang siya sa katigasan ng ulo ng lalaki. Hindi nakakapagtaka kung bakit laging umiinit ang ulo ng kaibigan nito. Nagpatuloy siya sa paghakbang papunta sa malaking bahay. Maghahanda siya sa pag-alis niya papunta sa isang probinsya sa Mindanao. Alam niyang mahihirapan siya nito sa pag-interact ng oras niya kay Cuhen pero may trabaho rin siyang dapat gawin. Mabilisan trabaho lang ang kaniyang gagawin sa probinsya. Madaling araw ang kaniyang alis at nakapag-book na rin siya. Nag-iwan lang siya ng email message sa lahat na may assignment siyang dadaluhan at babalik siya next week. Konting damit lang kaniyang dinala dahil alam niyang mababaguhan siya pagdating sa probinsya ng Zamboanga. Una niyang gagawin pagdating sa lugar na iyon, sekreto niyang pag-aaralan bawat galaw ng tao at ng buong lugar saka siya kikilos. Human trafficking ang kasong reresolbahin niya at alam niyang isa ito sa pinakamalaking illegal activities sa buong mundo. May nakapagbigay ng tips na sa province ng Zamboanga ang mga nagtatagong human trafficker at nangunguha ng biktima para dalhin sa Malaysia saka ibebenta sa iba’t ibang lugar at gagawing prostitution o alila. Maaga pa lang nakarating siya sa pupuntahan. Nag-check siya sa isang hotel at inayos ang kagamitan at binuksan ang laptop. Tiningnan niya ng maiigi ang lugar na pupuntahan at malayo-layo pa ang kailangan niyang pupuntahan. Mga sampung oras papunta sa naturang probinsya. Pinagkibit niya ito ng balikat, challenging. Mukhang kailangan niya mag-desguise ng ibang katauhan para hindi siya paghinalaan. May binigay na tao sa kaniya si Maccabi na pwedeng tumulong sa kaniya pagdating sa nasabing probinsya ng Zamboanga. Ang eksaktong address na pupuntahan niya ay ang Bayog. Isang may katandaang lalaki ang sumundo sa kaniya sa terminal at nagpakilalang kaibigan ng ama ni Maccabi ito. Ito na rin mismo ang magiging guide niya papuntang baryo. “Ilang araw o linggo kayo mananatili sa baryong iyon, Sir? “Depende pero pinakamataas na ‘yang 2 weeks,” ganting sagot niya sa lalaking nagngangalang Domenggo. Mabilis itong tumango. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin mo sa lugar na ‘yon, Sir, basta mag-iingat ka lang. Tumango siya at tiningnan ang dinaanan nila. Sakay sila sa isang bus papuntang Baryo ng Buug saka sila tuluyan sasakay ng isang habal-habal para makapasok ng tuluyan sa nasabing lokasyon. “Nasabi na rin sa ‘kin ni Maccabi, Sir, na ako na bahala sa inyo sa lugar na pupuntahan natin. May kapatid akong nakatira sa lugar ng baryong pupuntahan natin. Bukas ang tahanan nila para ro’n ka tumuloy at magpanggap na pamangkin na galing Manila. Mainit kasi ang mga mata ng mga tao sa mga bagong salta. Napangiti siya. Ito ang nagugustuhan niya kay Maccabi, advanced lagi ito. “Salamat. Bibigyan niya ito ng kaukulang bayad. Hindi madaling bumuhay at magtago ng isang kagaya niya dahil pwede rin itong ikapahamak ng mga ito ‘pag nalaman ng kaniyang mga kalaban. Pero sinisigurado niyang malinis siya gumawa at hindi pa siya nagkakamali kahit kailan. Tulad nga nang sabi ni Mang Domenggo, nagpanggap siyang pamangkin ng kapatid nitong tatawagin niyang Mang Bartolome simula ngayon. Masayang tinanggap siya nito na parang tunay na kamag-anak. May katandaang na rin ang lalaki at paika-ika na itong naglalakad. Wala na itong asawa at may mga anak na babae pero nagsialisan at nagkaro’n nang sariling pamilya. Hindi masyadong kalakihan ang bahay pero para kay Farhistt, tama na iyon. Hindi siya maarte, ma-organisado lang siyang tao pero hindi siya namimili ng lugar na mahihigaan at makain pagdating sa mga ganitong bagay. Sa ikalawang palapag siya ng bahay matutulog, habang ang matandang lalaki naman ay sa ibaba kung saan ando’n ang silid nito. “Mayamaya lang ay darating ang pamangkin ko rito—” tumingin ito sa kaniya at hinintay na kaniyang dugtungan. Mukhang nakalimutan nito ang kaniyang pangalan dahil kakasabi pa lang Mang Domenggo kanina bago umalis na makakalimutin na ito. “Frahisto,” dahil sa uri ng kanilang trabaho, hindi nila pwedeng sabihin ang kanilang totoong pangalan. Natawa ang matanda at napakamot-kamot sa ulo. “Tama, akalain mo bang nakalimutan ko agad pangalan mo? Matanda na kasi ako at makakalimutin na rin. Tumango lang siya sa sinabi nito habang nakaupo sa silyang kahoy na gawa sa kawayan. Lihim niyang pinagmasdan ang buong kabahayan at nakikita niyang kulang sa kagamitan ang matanda. Meron lang itong radyo at maliit na compartment. Wala rin kagamit-gamit maliban sa maliit nitong electric fan na may kalumaan na rin at tatlong ilaw na nagkokonekta sa sala, sa kwarto sa itaas at sa kusina. Maraming puno sa paligid ng bahay at mga halaman kaya malamig sa loob ng bahay nang gabing iyon. Medyo nakaramdam na siya ng antok dahil na rin sa napakahaba ng kaniyang binyahe. “Ang tagal naman ng pamangkin kong ‘yon,” bakas sa boses ng matanda ang pag-aalala. Inisip ni Farhistt na bata ang hinihintay nito kaya tahimik lang siya habang nagsasalita ang lalaki. “Naku talagang batang iyon, oo! Saan na kaya ‘yon? Masyadong nawili na naman sa paglalaba sa batis kasama ang mga bagong kaibigan. “Saang batis ba ito Mang Bartolome at ako na ang magsusundo,” hindi niya mapigilang mag-alok ng tulong. Nakikita niyang sobrang pag-aalala na ito at hindi mapakali sa inuupuan. “Huwag na hijo, hindi mo pa alam ang pasikot-sikot sa baryong ito at baka—” “Tatang andito na ako! Mula sa pintuan, napatingin si Farhistt sa bagong dating. Napakunot ang kaniyang noo nang mapagtantong hindi pala ito bata, isa itong babae na tingin niya’y nasa early 20’s. Deritso itong lumapit sa matanda matapos maibaba ang batyang nasa ulo at nagmano rito. Pasensya na kayo Tang, ang kulit kasi ni Tina. Hindi namin napansin na ginabi na pala kami. Kumain na ba kayo? Magluluto pa pala ako——” natigilan ang babae nang mapatingin ito sa kaniyang deriksyon. Bahagya itong nagulat at hindi makahuma. Napansin din niyang basang basa ang suot nitong puting bestida kaya hindi maiwasan hindi lumitaw ang hugis ng katawan nito. Nauna siyang nag-iwas ng tingin. “M-may bisita pala tayo, Tatang? “Siya si Frahisto, ineng—” “Manliligaw ko? Natawa ang matanda sa naging deritsong tanong nito.”Hindi. Kasama siya ng Tiyo Domenggo mo kanina. Ilang linggo lang siya rito sa ‘tin at pagkatapos ay babalik na siya sa Manila. Tumango lang ang babae at hindi na nagsalita pa. Napansin niyang nagtungo na ito sa kusina at saka naman siya nagpaalam sa matanda na magpapahinga muna siya sandali. Pumayag naman ito pero pinasundan siya agad sa babaeng hindi niya alam ang pangalan para dalhan ng banig, unan at kumot. “I-ikaw na bahala rito.” mabilis itong nagpaalam at nagmamadaling lumabas. Nagkibit lang siya ng balikat sa inasta ng dalaga. Naglapag siya ng banig sa lapag na yari sa matibay na kahoy. Sinunod niya ang malambot na unan saka humiga. Napatitig siya sa bubong at nag-isip. Hindi niya namalayan ang oras na gano’n ang kaniyang posisyon, hanggang sa nagpasya siyang matulog. Anyong pipikit niya na ang kaniyang mata nang mula sa pintuan ay may marahan kumatok. “Yes? Come in.” Umupo siya at hinintay na magbukas ang pintuan. Ilang segundo ang nagdaan bago bumukas ang pintuan at nakita niya ro’n ang babae na nahihiyang tumingin sa kaniyang mata. “What do you want? “A-ah... Eh... Saka lang naisip ni Farhistt na puro english ang lumabas sa kaniyang bibig. Sandali siyang tumikhim at tumingin dito, “May kailangan ka ba? “A-ang sabi ni Tatang, tawagin daw kita at baka gutom ka na. Halatang nasisilong ito sa kaniyang presinsya kaya bago pa ito maasiwang tuluyan, tumango siya at sumunod sa dalaga kahit ang totoo gusto niyang magpahinga. Pakikisama lang ang kaniyang gagawin at una’t una, bisita lang siya sa bahay na ito. Napansin niyang nakapaa lang ang babae at hindi pa rin ito nagpapalit ng damit. Napabuntunghinga siya at napatingin sa kaniyang suot na bagong tsinelas na halos hindi kumasya sa kaniyang paa. Pinasuot ito sa kaniya ni Mang Bartolome at baka raw hindi siya sanay sa lamig ng sementong lapag. Masayang mukha ng matandang lalaki ang bumungad sa kaniya sa kusina. Ang nakikita niya ro’n ay isang kahoy na mesa na kasya lang sa apat na tao at silyang kawayan na mahaba at walang sandalan. Mabilis itinuro ni Mang Bartolome ang upuan sa harap nito. Tahimik lang siyang umupo at napatitig saglit sa plato at kutsarang nasa harapan niya. “Masarap magluto ang pamangkin ko hijo! “Tatang! Naiiling lang siya sa at isang tipid na ngiti ang binigay sa matanda. Bahagya siyang nagulat nung bago sila nagsimula sa pagkain, nagdasal muna ang dalaga. Napatitig siya rito habang nakapikit ito at malayang nagpapasalamat sa hapag-kainan. Not bad. May angking ganda ang babae at mukhang hindi ito probinsya tingnan. “Amen. Nag-iwas agad siya ng tingin nang magmulat nang mata ang mga ito. Tinanggal naman ng dalaga ang takip ng mga pagkain at do’n niya napansin na isang native tinolang manok ang nakahanda sa kanilang harapan. Nakaramdam tuloy siya ng gutom pagkaamoy niya sa masarap na amoy ng luto nito. “Kumain na tayo.” Si Mang Bartolome. Tumango lang siya at tahimik na tinikman ang lutong ulam. Napapikit siya at nagustuhan niya ang lasa. Napasulyap siya sa dalaga, namula agad ang mukha nito nang makita niyang nakatitig ito sa kaniya. “Masarap. “Sabi sa`yo hijo!” palatak ni Mang Bartolome, “Odessa, nagustuhan niya luto mo. “Tatang! “Kuu, mahiyain talaga itong pamangkin ko. Alam mo ba Frahisto, sobrang bait ng batang ‘to. Anak ito ng kapatid ko na nasa Luzon pero mas pinili na rito mamuhay pansamantala para may kasama ako. Iniwan na kasi ako ng mga anak ko at ito na lang si Odessa ang parang anak ko ang kasa-kasama ko rito sa bahay. “Tatang naman, kumain na ho tayo. Lihim na napangiti si Farhistt nang mamula ito ng husto habang inasikaso ang pagkain ng matanda. Halos magkulay rosas na ito sa sobrang hiyang naramdaman. Odessa... Bagay rito ang pangalan.