NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
Hindi mapakali si Sunny Angeles habang naghihintay malapit sa entrance ng lumang Diplomat Hotel. Doon ginaganap ang photo exhibit kung saan kalahok ang larawan niya. Pasilip-silip siya sa labas habang kipit sa sarili ang poncho para labanan ang lamig. Puno ng antisipasyon ang dalawampu’t isang taong dalaga habang nakatingin sa driveway. Umaasa siya na paparada sa wakas ang isang pamilyar na sasakyan at bababa doon ang natatangi niyang bisita sa gabing iyon. Napapitlag siya nang kalabitin siya ng kaibigang si Mea na kaklase niya sa De La Salle University at gaya niya ay kalahok din sa competition para sa mga amateur photographers. “Sunny, di ka pa ba papasok sa loob? Kanina ka pa wala sa picture-taking natin. Saka baka mamaya may magka-interes sa gawa mo. Malay mo kunin ka sa mga next event . Marahan siyang umiling. “O-Okay lang ako dito. May hinihintay lang ako. Kumunot ang noo nito. “Boyfriend mo ba ang hinihintay mo? Umiling siya. “Hindi. Mommy ko. Many men find her weird. Madalas din ay gusto niya ang mapag-isa. Kung hindi niya hawak ang camera niya ay may hawak siyang libro. Mas gusto niyang makipag-usap sa mundo gamit ang camera niya. Kaya naman kahit may gustong manligaw sa kanya, naiilang dahil may pagka-eccentric daw siya. At pawang mga kaibigan lang din niya na artist ang nakakaintindi sa kanya gaya ni Mea. “Ahhh!” anito at tumango. “Akala ko naman magkaka-boyfriend ka na sa wakas. Pwede na kayong mag-date ng pinsan kong si Jeff. Single iyon at civil engineer pa. Gandang-ganda nga siya nang ipakilala kita dati. Nakangiti na lang siyang umiling. “Saka na lang. “Anong saka na lang? Graduate ka na. Twenty-two ka na rin. Pwede ka nang magpaligaw at mag-boyfriend. Ano pa bang hinihintay mo? Kimi siyang ngumiti. Mabait naman ang pinsan ni Mea na si Fernando at matalino pero pakiramdam niya ay may pagka-self-centered ito. Mas gusto nitong lagi na pag-usapan ang sarili o siguro dahil di naman siya gaanong nagsasalita at nagkukwento tungkol sa sarili niya. Pero di man lang nagtanong ang lalaki sa gusto niya sa buhay. Puro ito me, me, me, me. At buong buhay niya ay wala na siyang ginawa kundi ang paikutan ng mga tao na puro mga sarili lang ang gustong isipin at siya ay kailangang sumunod at makinig lang sa mga ito. Nakita din niya kung paanong ang ina niya ay laging nakaabang at naghihintay sa kung ano ang gusto ng ama niya. She didn’t want to be a doormat wife or girlfriend like her mother. Mas gusto niya na may isang taong nag-aalala para sa kanya at susuklian ang pagmamahal na kayang ibigay. Isang taong makaka-appreciate sa kanya at sa art niya ang kailangan niya. Isang tao na iisipin naman kung ano ang magpapasaya sa kanya. “Ngayon ko pa lang sisimulan ang career ko. Kaga-graduate ko pa lang. Gusto ko naman kapag nag-boyfriend ako, may stable na akong career,” katwiran na lang ni Sunny sa kaibigan dahil ayaw niyang ma-offend ito kapag tinanggihan niya ang pinsan nito. “Di pa naman boyfriend agad. Ligaw-ligaw. Date-date. You are missing a lot. Ay naku! Baka kagaganyan mo, tumandang dalaga ka lang. “Ano ba? Bata pa naman tayo.” Kumuha siya ng orange juice mula sa dumadaang waiter. “Mabuti pa balikan mo na lang ang boyfriend at family mo. Nakakahiya naman kung iiwan mo sila at ako lang ang kakausapin mo. Nami-miss ka na ng boyfriend mo.” At napansin niya na patanaw-tanaw ang boyfriend nito. “Sigurado ka na okay ka lang mag-isa dito?” paniniyak nito. “Siyempre naman. Okay lang ako dito. Salamat. Pinisil nito ang balikat niya. “Good luck sa atin. Sana manalo tayo. At masaya na itong bumalik sa kulumpunan ng supporters nito. At sa harap ng picture na entry ni Mea ay may mga papel na bituin na. Bawat guest na papasok sa exhibit ay bibigyan ng isang star at ilalagay sa nagustuhang entry ng mga ito. Sampung porsiyento lang iyon ng tally ng votes at di naman malaking impluwensiya sa mananalo sa competition pero iba rin ang boost sa ego ng isang photographer kung marami ang may gusto sa gawa nito. Pasimpleng inikot ni Sunny ang paningin sa kuwadro ng ibang kalahok. Pawang may star na ang mga ito. Ang iba nga ay tadtad pa ng star dahil talaga namang magaganda at kahanga-hanga ang kuha ng mga ito. O kaya ay hinakot yata ang buong baranggay pati ang buong college para iboto ang mga ito. Dumako ang mga mata niya sa larawan ng isang babae na nakasalabay ang anak nito sa likuran, animo’y naglalaro ang mga ito sa damuhan. Sa likuran ng mga ito ay ang foggy na kabundukan ng Cordillera at unti-unting sumisikat ang araw. And she loved the picture. That picture was her best. Nagdadala ng kaligayahan sa kanya ang larawan na iyon dahil na-capture niya ang kaligayahan ng isang ina na kasama ang mga anak nito. Pero wala iyon kahit na isang star. Pumikit siya at huminga ng malalim. “Okay lang iyan. Ten percent lang naman iyan ng competition. May chance pa ako. Hindi naman mahalaga sa kanya kung maraming star ang mga kalaban niya. Isang star lang ang kailangan niya. Isang star lang mula sa pinakamahalagang tao sa kanya. Sana lang ay dumating na ito. Pero nagsisimula nang manigas ang kalamnan niya sa lamig habang nakatayo sa labas. Bumababa na ang fog at natatakpan na ang driveway pero di pa rin niya matanaw ang sasakyan na hinihintay niya. Inilabas niya ang smartphone at tinawagan ang numero ng ina. Ring lang iyon nang ring. “Mom, please answer the phone,” pakiusap niya at naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa mata.Fifteen minutes na lang at bibilangin na ang mga boto para sa pictures. She just wanted one star from her mother. “Come on, Mom. “Hello!” paasik na sagot ng ina niyang si Mary Margaret. Sa background ay naririnig niya ang suwabeng jazz music at may mga taong nagtatawanan. “What?! Why are you calling?” iritadong tanong nito. “Mom, nagsisimula na po ang exhibit,” aniya sa nagmamadaling boses. “What exhibit?” inosenteng tanong nito. “Exhibit po ng photo competition na sinalihan ko. Di po ba na-mention ko na po ito sa inyo last week pa? “Wala akong maalala. Alam mo naman na busy ako sa party ng partido ng daddy mo. Nandito ako ngayon sa Camp John Hay. You should see me right now. I am the belle of the ball, wearing this Francis Libiran creation. And that woman won’t stand a chance. Kung magsalita ang nanay niya ay parang teenager pa rin ito o kaya ay nasa early twenties na nakikipagkompitensya sa iba pang magagandang dalaga sa party. And “that woman” was her father’s legal wife. Dumalo ang ina sa party para makipag-kompitensiya sa legal na asawa ng ama niya. It was not a wise decision. Kung masasabihan lang niya ang ina, mas gusto niya na umiwas ito sa lugar kung saan naroon din ang legal na pamilya ng ama. Pero di papayag ang nanay niya na maungusan ito. She hated losing. At ang masaklap ay doon ito nag-aaksaya ng panahon kaysa sa kanyang anak nito na kailangan ito. She couldn’t bother her father with his time. Kahit dati pa naman ay nakaw na sandali lang ang ibinibigay nito sa kanilang mag-iina. Wala na siyang inaasahan dito. Pero sana man lang ay masamahan siya ng nanay niya sa araw na iyon na mahalaga sa buhay niya. This was her first major photo competition. Yumuko si Sunny at sinipa-sipa ng doll shoes ang semento. “Baka naman po makahabol kayo. Kahit sandali lang, Mommy. Kasi po napasok po ako sa Top 20 sa daan-daang nagpadala ng entry.” Kahit maglagay lang kayo ng star sa entry ko at bumalik na kayo sa party. Parang nanalo na rin ako no’n. “Ano ba ang photo competition na iyan? Madami bang press diyan? May TV station ba na nag-cover?” tanong nito. “Makikita ba ako sa buong Pilipinas? “Ahhh! May magazine at newspaper po na nag-cover,” aniya at kinagat ang labi. Sunny mentally recognized several school press, photographer ng weekly magazine at isang broadsheet na naka-base sa Baguio. Regional lang ang sirkulasyon ng mga iyon. At walang garantiya na makukuha ng ina ang gusto na nationwide at international exposure na gusto nito. “Not good enough. Ni walang Star Network para mag-cover? Kung malaki sana ang coverage ng competition na iyan. Mananalo ka ba diyan? Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “I-I am not sure, Mom. “You are not sure? Gusto mo na um-attend ako ng competition mo pero hindi ka naman matiyak sa akin na mananalo ka. Sinapo niya ang noo. “Mom, I can’t guarantee that. Hindi ko naman po hawak ang desisyon ng mga judges. C-Can’t you just support me on this? Wala pa pong thirty minutes ito mula sa John Hay. I really need you here. “I have to go, Sunny. At huwag mo na akong abalahin sa hindi naman importanteng bagay. This is a very important night for me and your father. Parang sinampal ang dalaga sa sinabi ng inang si Mary Margaret. “Pero ang photo competition na ito... “Is a waste of time. Sinabi ko naman sa iyo na huwag mo nang aksayahin ang oras mo sa pagkuha-kuha ng litrato na iyan. Nag-focus ka na lang sana sa pag-aaral mo. Napaka-simpleng kurso. Ni hindi ka man lang naka-graduate with honors gaya ng kapatid mo dahil kung anu-anong kalokohan ang inuuna mo. Alam mo ba na dismayado ang daddy mo sa iyo? Don’t you even dare tell them that you are my daughter, lalo na kung matatalo ka lang. Bye! “Mom!” tawag niya dito pero pinutol na nito ang tawag. Sinubukan niya ulit itong tawagan pero naka-off na ang phone nito. Hindi na talaga ito pupunta. Hindi man lang magawang suportahan ng ina niya ang bagay na gusto niyang gawin kahit minsan lang. Nilapitan ni Sunny ang larawang kuha na hanggang ngayon ay wala pa rin kahit na isang bituin. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay nag-iisa lang siya. Kahit ang sariling ina niya ay hindi man lang siya na-appreciate. Mom, kahit ilang minuto ba hindi mo maibibigay sa akin? Kahit nga sumilip ka lang. Isang star lang sana naibigay mo sa akin. Maging proud ka sa akin. Hangang panaginip na lang ba na makikita niya ang nanay niya na masaya para sa kanilang magkapatid? Na susuportahan sila sa mga bagay na gusto nilang gawin sa buhay. His brother wanted to enter the military. Pero dahil gusto ng nanay niya na magkaroon ito ng pag-asa na mapansin ng ama at magkaroon ng pwesto sa mundo ng pulitika ay pinakuha ng Political Science at kalaunan ay abogasya. Habang siya naman ay pinilit ng ina na kumuha ng Business Management kahit Tourism ang gusto niya. Her mother did it to please her father, to get his attention. Hindi niya maalala kung kailan siya naging masaya katulad ng mga bata sa larawan na kahit mahirap ay dama ang pagmamahal ng ina Ganoon lang naman kasaya ang nanay niya kapag kasama nila ang tatay niya. At mga nakaw na sandali lang silang nagkakasama-sama. Bakit walang may gusto sa gawa ko? Bakit walang may gusto sa akin kahit na sarili kong ina? Wala ba talaga akong kwenta? Am I really a loser? Di mapigilan ni Sunny na mapahikbi. Wala na siyang pakialam kahit na walang tao. Animo’y nasa gitna siyang kadiliman ng gabi at walang anumang ilaw na tumatanglaw sa kanya. She felt lost as an artist. She felt lost as a daughter. She felt lost as a human being. Ano bang mali sa akin? Ginagawa ko naman ang lahat para mapasaya si Mommy pero bakit sa bagay na magpapasaya sa akin di niya ako masuportahan? Bakit ganito? Ano pa ba ang kulang? “Bakit ka umiiyak?” tanong ng isang lalaki.