NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
NANAKIT ang ulo ni Ed nang makita na laman na naman ng international society page ang panganay na anak na si Marisa. Hindi na naman bago iyon sa kanya. Bilang sumunod ang anak niya sa yapak niya bilang isang International Model, madalas ay laman na ito ng mga balita. Pero ang klase ng nabasa niya ngayon ang hindi niya kailanman magugustuhan. Marisa was spotted with the old hag again. Hindi niya maintindihan sa anak niya kung ano ang nakikita nito sa lalaking iyon. For God’s sake he was more than a decade older than her! At bukod pa roon, may masamang reputasyon rin ang lalaki. The man was divorced three times. Tumawa ang katabi at kasama ni Ed na si Jet nang makita ang reaksyon niya. He glared at him. “Paano mo nagagawa na tumawa sa sitwasyon ko? “Marisa is your karma, Ed. Manang-mana sa `yo ang anak mo na `yan. Tumiim ang bagang ni Ed. “Pinagsisihan ko na ang pagiging playboy ko dati. Alam mo iyon. I’ve been very faithful to my marriage with Alyssa. “Kaya `wag ka na rin na mag-alala. Naggawa mo na magbago. Magbabago rin ang anak mo…” pagpapanatag ni Jet sa kanya. “Matatanggap ko pa siguro kung kagaya ko rin ang anak ko dati. Playgirl. But being with these old hag? Nakakapag-init talaga ng ulo. Isa pa ay ang nagpa-imbestiga ako tungkol sa matandang ito. He was a gambler. Hindi rin maganda ang takbo ng business niya. Paano kung niloloko lang ng lalaking ito ang anak ko?! “Nakausap mo na ba si Marisa tungkol rito? “I care a lot about my three daughters, Jet. Mahal na mahal ko silang lahat. And Marisa is my first born. Napaka-espesyal niya sa akin. Hindi ko gustong mapariwara ang buhay niya. I always talk to them. Pero tama ka nga. Mana sa akin si Marisa. She was as hard-headed as me. Hindi niya ako pinakinggan nang kausapin ko siya. Napabuntong-hininga si Ed. His life is good, almost perfect when he had married his wife Alyssa. Ang pakasalan ang asawa ang pinakamagandang desisyon na naggawa niya sa buhay niya. Naging napakaganda ng pagsasama nila. They were blessed. Tumigil man siya sa pagiging modelo ilang taon pagkatapos niyang magpakasal ay hindi naman noon nabawasan ang saya ng buhay niya dahil sa nabuong pamilya. Sinubukan rin niyang makialam sa business nilang magkakaibigan---ang Haven Group of Companies. Naging mas matagumpay rin iyon kaysa dati. Pero ang pinaka-pinagpapasalamat ni Ed sa buhay ay ang tatlong anak niyang babae. They are his treasures. Sa kasalukuyan ay twenty-six years old na ang panganay niyang si Marisa. Apat na taon pagkatapos nitong ipinanganak ay nabiyayaan naman sila ng asawang si Alyssa ng kambal na anak na babae---sina Catia at Amelia. Mabait ang kambal na anak niya. Kailanman ay hindi pinasakit ng dalawa ang ulo niya. Ang panganay lang talaga ang nakikitang problema niya sa buhay niya. Lumaki itong spoiled. He adored her too much kaya wala na rin naman siyang naggawa kundi ang ibigay ang lahat ng gusto nito. Pero ang relasyon na iyon ni Marisa kay Ricardo Castro ang hinding-hindi niya kayang ibigay rito. Hindi siya papayag. Naniniwala siya na maraming karapat-dapat sa anak niya. Sasaktan lang ito ng matanda na iyon. Kailangang may gawin siyang paraan. Tumingin si Ed sa paligid. Sa kasalukuyan ay magkasama silang dalawa ni Jet sa Safe Haven Orphanage. Nagbakasyon mula sa Spain ang kaibigan niya at nagyaya ito roon. Naka-ugalian na nilang magkakaibigan na dumalaw sa ampunan tuwing may libreng oras. Madalas na isinasama rin nila ang pamilya roon. Pero sa kasalukuyan, sila lang dalawa ni Jet ang naroroon. Siya lang kasi ang hindi abala sa mga kaibigan nila at pareho silang nasa Pilipinas. Ang mga pamilya nila ay may kanya-kanya rin na lakad. Nasa lobby sina Ed at Jet at malapit lang iyon sa entrance ng Safe Haven. Naagaw ang atensyon ni Ed nang may pumasok mula roon. The guy was wearing a camouflage uniform. Mukha itong sundalo. Nasalubong nito ang mga madre na namamahala sa orphanage. Nagmano ito sa mga iyon. “That guy looks familiar…” nahimas-himas ni Ed ang baba habang inaalala ang lalaking dumating. Sa tantiya niya ay mas matanda lang ito ng ilang taon kay Marisa. Ngumisi si Jet. “Tumatanda ka na talaga. Nakalimutan mo na ba na `yan `yung paboritong kalaro ng anak mo tuwing bumibisita tayo sa Safe Haven? That’s Francis. “Oh…” Naalala na nga ni Ed. Naibaba niya ang suot na sunglasses para mas lalong pakatitigan si Francis. Matagal na simula nang nakita niya ang lalaki. Sa pagkaalala niya, dalawang taon pagkatapos nitong dalhin sa Safe Haven ay may general na nag-ampon rito. Naging abala na rin naman ang anak niyang si Marisa noon kaya hindi na muling nagkita ito at ang kalaro. Pinili rin kasi nilang dalawa ni Alyssa na pag-aralin ang mga anak nila sa New York dahil sa pangingialam niya sa HGC. Nasa New York ang main office ng HGC. “Kaibigan siya ni Analisse,” tukoy ni Jet sa batang inampon nito at ng asawang si Aila. Biniyayaan lang kasi ito ng iisang anak---si Jacobo. Nagkaroon kasi ng komplikasyon sa ovary si Aila pagkatapos nitong magbuntis. Dahil sabik si Jacobo sa kapatid at gusto rin ng mag-asawa na magkaroon ng mas malaking pamilya ay nag-ampon na lang ang mga ito. “Room mates sila sa Safe Haven kaya hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin. Nakakatuwa sila. Para silang tayo nina Nikos, Augustus, Cedric at Vincent. Minsan na naikuwento siya sa akin ng anak ko. Sundalo na raw siya ngayon at kasalukuyang nagtatrabaho bilang parte ng security team ng mga bigating politiko. “Good for him,” Napatango-tango si Ed. Naalala niya noong bata pa ito ay palaging sinasabi nito na gustong maging isang kagaya niya: matagumpay sa buhay. Gusto rin nitong sumikat at yumaman. Hindi man siguro kasing taas ng naabot niya ang lalaki ay mukhang nasa mabuting lagay naman ito. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Maya-maya ay naagaw rin nila ang atensyon ni Francis. Pagkatapos nitong makipag-usap sa mga madre ay lumapit ito sa kanilang dalawa ni Jet. “Magandang hapon po, Sir Jet at Sir Ed…” Nakipagkamay si Francis. “Kumusta po kayo? Unang sumagot si Jet dahil ito ang unang umabot sa kamay ni Francis. Sumunod si Ed. “Good to know na naalala mo pa ako…” wika ni Ed habang nakikipagkamay kay Francis. “Maayos naman ako. Ikaw? Mukhang big time ka na rin, ah. Nagkamot ng ulo ang lalaki. “Hindi naman, Sir. Mas big time pa rin kayo. Si Marisa po ba kumusta na? Mas lumaki ang ngiti ni Ed. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang kanyang anak. Sabagay, hindi naman talaga mabilis makalimot lalo na at may espesyal na pinagsamahan. Naalala niyang ganoon rin sila ng asawa na si Alyssa. Napailing-iling lang si Ed nang maalala na naman niya ang problema sa anak. “Iyon at malaki na pero mukhang kailangan pa rin ng tagapag-alaga at tagapag-bantay---“ Natigilan si Ed nang marinig ang lumabas sa bibig. Napatitig muli siya kay Francis. Naalala niya ang sinabi ni Jet tungkol sa trabaho nito. Soldier. Security Team. Ibig sabihin lang noon, trabaho nito ang magprotekta sa mga tao. Sa lagay ni Marisa, kailangan talaga nito ng tagapag-bantay. Malaki na ang anak niya pero puro pa rin kalokohan. Para sa kanya, kalokohan ang pagpatol nito sa matandang boyfriend ngayon. Ngumisi si Francis. “Makulit pa rin po pala si Marisa hanggang ngayon. “At pasaway. Ang babaeng iyon ang sakit ng ulo ni Ed.” Natatawang wika ni Jet sa natigilan pa rin na si Ed. “O, bakit parang tinuklaw ka yata ng ahas? Tumikhim si Ed. “Francis, nasabi sa akin ni Jet na sundalo ka na rin daw ngayon. Kumusta ang trabaho mo? Busy ka ba? “Okay naman po. So far ay kakatapos lang po ng trabaho ko sa security team ng pamilya ni Mr.---“ “So hindi ka busy. At wala kang trabaho ngayon.” Pinutol ni Ed ang pagsasalita ng lalaki. “Mabuti kung ganoon. May isa sana kasi ako na ipapakiusap sa `yo…” Kumunot ang noo ni Francis. “Ano po iyon? “Puwede ka ba na magtrabaho para sa akin? “CHEERS! Sabay-sabay na nagtaas ng baso ang magkakaibigang sina Francis, Natalia, Ritter, Sophie at Analisse. Kasalukuyan silang nasa bar kung saan may gig si Ritter at ang banda nito. He was a band vocalist. Successful ang naging gig nito ngayong gabi kaya nagkaroon sila ng pangatlong dahilan para magsaya ngayong gabi. Unang dahilan ng kasiyahan ay dahil tila naging reunion ang gabing iyon para sa kanilang magkakaibigan. Bagaman kulang sila ng isa dahil masyadong abala ang isa pa nilang kaibigan na si Lucky ay masaya na rin sila na kahit papaano ay muntik na silang makompleto. Matagal-tagal na rin simula nang huling mangyari iyon. Matatanda na sila at masyado na silang abala sa kanya-kanyang buhay. Hindi kagaya noong bata pa sila na ang madalas lang na gawin ay ang maglaro sa Safe Haven kung saan sila unang nagkakila-kilala. Ang lima ang masasabi ni Francis na pinakamalapit sa kanya sa ampunan. Ito kasi ang mga nakasama niya sa kuwarto sa dalawang taon na pamamalagi niya sa Safe Haven. Kaya kahit lahat sila ay nakalabas na naman mula sa ampunan ay matatag pa rin ang pagkakaibigan nila. “Mami-miss ko kayong lahat,” wika ni Sophie pagkatapos nilang tunggain ang light lang naman na alak. Kasama nila ngayon si Analisse kaya hindi sila puwedeng magpaka-wild. Nurse ang kaibigan nila. Naging metikolosa ito dahil sa kinuhang propesyon kaya naman sa tuwing magkakasama sila ay maraming bawal ito sa mga iniinom at kinakain nila. Nawala ang ngiti sa labi nilang apat dahil sa binitawan na iyon ni Sophie. Makikita rin ang matinding lungkot sa mukha ni Sophie. Sa isang araw na ang flight nito sa New York. Magtatrabaho ito roon bilang Caregiver. Ang pa-despedida ni Sophie ang pinakadahilan kung bakit sila nagkita-kita. “Sophie, kung hindi mo naman talaga gustong umalis ay huwag mo ng gawin. Umiling si Sophie. “Kailangan ako ng pamilya ko, Ritter. Kailangan ko na kumita nang malaki. Tumikhim si Francis. “Puwede naman kitang pahiramin ng pera. Ginagap ni Analisse ang kamay ni Sophie. “May ipon rin ako. Puwede kong ibigay iyon sa `yo. “Kung may pera rin ako, pahihiramin kita, Sophie.” Wika rin ni Natalia. “Kaya lang, alam mo na pareho rin tayo ng sitwasyon sa buhay. Umiling-iling si Ritter. “Wala, eh. I second the emotion sa drama ni Natalia. Iyong kinita ko rito sa gig ay pangbayad ko lang ng utang. Naiiyak pero nakangiti si Sophie. “Masuwerte talaga ako na makilala ko kayo. Pero maraming salamat sa pag-alok, Francis at Analisse. Hindi ko rin naman iyon tatanggapin. Gusto ko rin naman talaga na magtrabaho sa ibang bansa. “Pero malalayo ka sa pamilya mo. Ayaw mo noon `di ba?” wika ni Analisse. “Oo. Pero ang pag-alis ng ibang bansa, pangarap ko iyon.” Tumingin si Sophie sa kanilang magkakaibigan. “Pangarap nating lahat iyon `di ba? To be rich, famous and travel all over the world just like the International Billionaires. “Pero waley. Mas magandang tawagin na International Billionaires Wannabes tayo. Hanggang pangarap na lang. Napailing-iling rin si Natalia. “Kung masuwerte nga lang ako na nakapag-aral kahit papaano ng caregiving kagaya nitong si Sophie, matagal na rin akong nakaalis. O kaya ay kasing suwerte nitong si Analisse. Hindi na kinailangan na maghirap pa para lang makagala sa buong mundo. Kumusta pala sa Spain? “O-okay lang…” Nahihiyang wika ni Analisse. Isa rin sa mga celebration nilang gabi ay ang pagbabakasyon nito sa Pilipinas. Simula kasi nang ampunin ito ay sa Spain na ito tumira. Doon kasi naka-base ang nag-ampon rito. Sa kanilang anim na room mates, si Analisse ang pinaka-masuwerte. Inampon kasi ito ng isa sa pinaka-hinahangaan nilang anim na tao---si Jet Martinez. Si Jet Martinez ay kasali sa grupo na tinawag na International Billionaires. Kagaya nila ay mga orphan rin ang mga ito na nanggaling sa Safe Haven Orphanage. Bata pa lang sila ay hinahanggaan na nila ang grupo. They were the most successful children that came from the orphanage. Itinuturing rin na pinaka-matagumpay na tao sa buong mundo ang anim. “Okay lang kasi sanay na naman siya roon,” wika ni Ritter. “Pero paniguradong kapag si Natalia ang nakarating roon, napakaraming kuwento. Mga out-of-this-world adjectives pa ang gagamitin niyan,” “Siyempre naman. Matagal na kaya akong inggit dito kay Analisse. Haay, kailan kaya ako magiging masuwerte?” Humalumbaba pa si Natalia. “Tama na nga `yan. Lahat naman tayo ay masuwerte dahil may mga pamilyang kumupkop pa rin sa atin.” Wika ni Sophie. Tumango silang lahat. Para kay Francis ay masuwerte rin naman siya. Hindi man siya naging matagumpay kagaya ng hinahangaang International Billionaires ay maayos naman ang naging buhay niya. Siyam na taong gulang si Francis nang maging ulilang lubos siya. Namatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Dahil wala siyang kapatid at malalapit na kamag-anak na kilala ay dinala siya ng mga kapitbahay sa Safe Haven Orphanage. Dalawang taon siya roon. Eleven years old siya nang may mag-ampon sa kanyang mag-asawa. Matagal ng kasal ang mag-asawa pero hindi biniyayaan ng anak kaya pinili na mag-ampon. Mabait naman ang mag-asawa, may kahigpitan nga lang, lalo na ang kanyang naging amain. Isa kasi itong General ng Philippine Army. Ito rin ang naging dahilan kung bakit pinili ni Francis na maging Sundalo. Sa kasalukuyan ay isang Kapitan na si Francis ng Philippine Army. Pero karamihan sa mga assignment niya ay parte ng security team ng mga pulitiko o ng pamilya ng mga ito. Sa kasalukuyan ay kakatapos lang ng assignment niya bilang parte ng security team ng pamilya ng Senate President ng Pilipinas. Sa ngayon ay pahinga muna siya habang hinahanapan siya ng susunod niyang assignment. Kung tutuusin, maganda ang buhay ni Francis. Nakapagtapos siya ng pag-aaral at may magandang trabaho. Hanggang ngayon ay kagaya ng mga kaibigan, pangarap pa rin naman niya na maging Bilyonaryo. Sino ba naman ang isang tao na hindi gustong maging napakatagumpay sa buhay? Bukod sa magandang negosyo at career, naging maayos rin ang buhay pamilya ng mga ito. Palagi pang nakakapaglakbay ang mga ito sa iba’t ibang bansa. Parang nasa mga ito na ang lahat. Kahit papaano ay kontento na rin si Francis sa kanyang buhay. Mabait ang mga kaibigan niya. Kahit magkakalayo na ang buhay nila ay hindi pa rin sila nagkakalimutan. Maasahan at malalapitan rin ang mga ito basta kailangan. Itinuturing nila na parang kapatid ang isa’t isa. Tanggap rin naman ang pamilyang nag-ampon sa kanya sa mga narating niya sa buhay. Pero higit sa lahat, halos kompleto na rin ang buhay ni Francis. Kilala na niya ang babaeng gusto niyang makasama sa habang buhay. At mamaya, pagkatapos ng maliit na pa-despedida ni Sophie ay magkakasama muli sila. Napangiti si Francis nang maalala ang mukha ng girlfriend. PAWISAN si Francis nang ihiwalay niya ang katawan sa girlfriend na si Danica. Na-miss niya nang husto ang babae. Sa sobrang pagka-miss niya rito ay naging matindi ang halik na iginawad niya rito nang magkita sila ulit. Nakalimot tuloy sila. They made love on her apartment. Hindi naman ito ang unang beses na nagtalik sila ng girlfriend. Kaya lang, noong nakaraang buwan ay pinagsabihan siya nito na itigil na daw muna nila iyon. Ayon rito, may na-attend-an raw ito na seminar tungkol sa pre-marital sex. Kasalanan raw iyon. Na-guilty ito at para mabawasan iyon, sinumpa nito na hindi na ito uulit. Lumayo si Danica sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Francis. “I’m sorry, but not really sorry…” Hindi nagsalita si Danica. Nang silipin niya ang mukha nito ay nakapikit ito. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita na may luha sa pisngi nito. “Danica…” Humikbi si Danica. “It was hard to stay away from you, Francis. “Na-miss natin ang isa’t isa. Dalawang linggo tayong hindi nagkita. Hindi mo ako masisisi kung bakit naging ganoon na lang ako kasabik. Isang social-worker si Danica. Nagkakilala rin sila sa isang social program three years ago. Simula noon ay naging karelasyon na niya ito. Mahal niya si Danica. Maganda at mabait ito. Gusto rin ito ng pamilya niya at ganoon rin naman ang pamilya nito sa kanya. Nagkakasundo sila sa maraming bagay. Perpekto ang relasyon nila. Kinuha ni Francis ang mukha ng girlfriend. Hinalikan niya ito. “I love you, Danica. At tama ka, it was also hard for me to stay from you. “Hindi natin ito dapat ginawa. H-hindi pa tayo kasal!” Inilayo ni Danica ang ulo. “Mahal kita, Danica. And sooner, I’m going to ask you to marry me…” Seryosong wika ni Francis. Seryoso naman talaga si Francis. Matagal na rin ang relasyon nila ni Danica. Nasa tamang edad na sila. Ilang beses na rin siyang kinukulit ng kanyang mga magulang tungkol sa pagpapakasal niya. Gusto na rin daw ng mga ito na magka-apo. Pero para kay Francis ay hindi pa sapat ang ipon niya. Galing si Danica sa may kaya na pamilya. Dahil rin sa pagiging social worker nito ay marami itong kilala. Ibig sabihin lang noon, kapag kinasal sila ay marami itong kailangan na imbitahan. He knew she would demand a grand wedding. Malaki na rin naman ang ipon ni Francis, pero sa tingin niya ay hindi pa iyon ganoon kasapat sa wedding na gusto rin naman niyang ibigay sa girlfriend. Bukod pa roon ay nagbabalak rin siya na bumili ng bahay at lupa para sa pamilyang bubuuin nila bago sila ikasal. Sa tantiya ni Francis ay isang taon pa bago niya makuha ang target na pera. Kapag nakuha na niya iyon ay saka lang niya balak mag-propose kay Danica. Bagaman alam niyang tutulungan siya ng ama sa pangpinansiyal, ayaw naman niyang umasa rito. Malaki na siya. Dapat ay siya pa nga ang nagbibigay sa mga magulang niya. Malaki ang utang na loob niya sa mga ito. Hindi pa rin maggawang tumingin ni Danica kay Francis. “I-I think it’s best for us to have some space. Huwag muna tayong magkita. Let’s have a cool off…” Natawa lang si Francis. “Seryoso ka ba? Sasabihin mo sa akin na mag-cool off muna tayo pagkatapos mo rin naman na bumigay sa akin? “Iyon na nga ang problema. Kapag magkasama tayo ay hindi rin naman natin mapigilan ang sarili. Ayaw ko ng ganoon. Huwag na lang muna tayo na magkita in the mean time. “All right. I promise na hindi na ako makakalimot sa susunod. Rerespetuhin ko na ang desisyon mo. Ayaw ko na mag-cool off tayo. Ayaw ko rin na ilayo mo ang sarili mo sa akin. “Promises are meant to be broken.” Bumuntong-hininga si Danica. “I’m serious, Francis. Gusto ko muna ng space. M-may pinagdadaanan rin ako ngayon at gusto ko na mapag-isa muna para mas makapag-isip ako. But don’t worry, sandali lang naman ito. Gusto ko lang muna na hanapin ang sarili ko. Napatiim-bagang si Francis. Hindi niya nagustuhan ang takbo ng usapan. Pero nang takluban ni Danica ang sarili ng kumot, alam niya na wala rin siyang magagawa. Hindi niya mapipilit ang girlfriend. Nagtitiwala naman si Francis kay Danica. Wala siyang dapat ikabahala kung gusto man nito ng space. Naniniwala siyang wala itong gagawin na ikakasama ng relasyon nila. Pero hindi alam ni Francis kung bakit may masamang pakiramdam siya nang makalabas siya ng apartment ni Danica. Mami-miss niya ang girlfriend, iyon lang siguro iyon. Pipilitin na lang niya na huwag mabahala. Malaki na rin naman si Danica. Alam na nito ang ginagawa nito. Ganoon pa man, mabilis rin naman na nasagot ang dahilan ng masamang pakiramdam ni Francis. Kakasakay pa lang niya ng kotse niya ay may natanggap na siyang tawag. Hindi registered ang number sa kanyang cell phone pero sinagot pa rin niya. Paano kung isang emergency pala iyon? “Francis, this is Ed Ferreira. Kailangang-kailangan kita ngayon. You have to accept my offer. Marisa was just hostaged! And it was indeed an emergency. Naging kasing bilis rin ng isang may emergency na ambulansya ang tibok ng puso ni Francis nang marinig ang pangalan ni Marisa.