Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
"Saan ka pupunta? Gabi na ah? Kakauwi mo pa lan—" he cuts me off. "Wala akong oras sa mga tanong mong 'yan kailangang-kailangan ako ni Bianca, hindi ko siya pwedeng pabayaan at basta-basta na lang iwan. I need to go," malamig niyang ani sa'kin. Kailangang-kailangan ni Bianca? So ako? Ako pababayaan at iiwan niya? Bakit hindi ko ba siya kailangan? Parang may sumaksak sa puso ko sa mga  binitawan  niyang salita. Ang sakit. "Kailangang-kailangan ka niya? So? Inaakala mong hindi kita kailangan? Namin? Lagi na lang siya. Bakit mahal mo pa?— Ex-fiancee mo lang siya diba? Ako? Asawa mo! Rem Mamili ka siya o ako?" Naramdaman kong namumuo na ang luha ko sa gilid ng mata ko pero pinipigilan kong lumabas sa mata ko. "Ano bang klaseng tanong 'yan Samantha? Sa ayaw at sa gusto mo aalis ako. Hindi mo ko mapipigilan. Matulog ka na masyado ng mal—" I cuts him off. "So siya? Ang dami mo pang sasabihin pero wag mo ng ituloy alam ko na ang sagot mo sa tanong ko. Fine! Sa kaniya ka na, total lagi ka namang nasa kaniya wala ka naman palagi sa'kin. Sa'min, sana kahit ngayon lang ako naman ang unahin at piliin mo pero hindi e... Ex always win. Wala akong laban," Umiiyak kong sambit dahil hindi ko na mapigilan ang luha ko. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. "S-samin? W-what do you mean?" Nanginginig ang boses na aniya niya. "Kailangan kita pero sinabi mong kailangang-kailangan ka niya, sino ba naman ako para pigilan ka?" Pinahid ko ang luha ko. "Kaniyang-kaniya ka naman talaga hindi ba? Never ka namang naging sa'kin, kung aalis ka mas mabuti pang wag ka ng bumalik dahil wala ka naman ng babalikan pa rito," Sambit ko. Nginitian ko siya tanda na okay lang na umalis siya. Pero ang ngiting iyon may kasabay na luha na umaagos sa aking pisngi. I can see the pain in his eyes but I know he's decision never changed. Aalis na sana ako ng bigla niya kong hinila papalapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. "D-dont. Dont leave," Natawa naman ako sa sinabi niya don't leave? Bakit ako ba ang aalis? "Sa pagkaka-alam ko ikaw ang mang-iiwan sa'kin? Diba dapat ako ang nagsasabi niyan sayo?" Malamig kong sambit at pinakawalan niya na ko sa yakap. Umiiling siya na at pinupunasan ang luha ko. "Babalik rin naman agad ako pero sa sinasabi mo parang hindi kita maabutan rito, wag ka namang ganiyan oh!" Sambit niya sa nagmamaka-awang boses. "Doon ka na kahit wag ka ng bumalik total lahat ng tungkol sa'kin limot mo pero pagdating sa kaniya lahat tanda-tanda mo," Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko at tumalikod na sa kaniya. "Wife no! That's not true. Your a very important person to me a very special..." Aniya na ikinaharap ko sa kaniya na may asar na ngiti na naka ukit sa labi. "Really? Im important? Special to you? Ow! Alam mo ba kong anong araw ngayon? Sympre hindi! Rem it's our first anniversary! Now tell me I'm I important? Special? Rem if I am. Kahit inuwi mo man lang ako ng maaga para sabay tayong mag dinner. Kahit do'n man lang maramdaman ko na special at importante ako sayo." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. See? He forgot about us. He forgot our first anniversary. "Pero hindi e... Hindi ko naramdaman na importante at special ako sayo.Hindi ko naramdaman kahit ngayon lang, uunahin mo pa siya kesa sa'kin. Sayang lahat ng effort ko sa araw na 'to na ako lang pala ang excited sa araw na ito na hindi ko akalain na iiyak lang pala ako," dagdag ko pa. "I- I- I—" Pinutol ko na ang salita jiya na alam ko namang wala ng i ang kasunod. "Happy first anniversary! Sana mae-enjoy niyo ang gabing 'to," Pinilit kong pasiglahin ang boses ko at pilit ko siyang nginitian kahit durog na durog na ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya tumakbo na ako papa-akyat sa kwarto. Pagkasara at lock ko ng pinto kaagad akong napasandal sa nakasarang pinto. Para akong nanghihina nauubusan na ko ng lakas. Kaya dahan-dahan akong napaupo sa lapag habang nakasandal sa pinto at malalakas na humihikbi. Pinaghandaan ko ang araw na 'to tapos mauuwi lang pala sa ganito. Bakit? May surprise pa naman ako sa kaniya pero mukhang hinfi niya na kilangan pang malaman. Pupuntahan niya si Bianca for sure magtatagal siya roon dahil kailangan raw siya. Kailangang-kailangan! Anong laban ko? Kailangan ko lang siya at kailangang-kailangan  naman siya ni Bianca. Napahawak ako sa tummy ko at masuyo ko itong hinaplos. "O-okay ka lang ba diyan b-baby ko? S-sorry mukhang tayong dalawa lang lagi ang m-magkasama. *Sob* I promise aalagaan at iingatan kita ng sobra... I love you baby ko. Always," aniko. Pagkakausap ko sa maliit kong tummy. Yes. Im pregnant. I'm 3 weeks pregnant ito sana ang surprise ko kay Rem pero nauwi sa wala. Kailangan ko siya, namin ng baby ko pero mas gusto niya kay Bianca ide do'n siya. Hindi ako aasa na pag gising ko nandidito siya. "I'm going to be a mother I'm excited" aniko kong muli at ngumiti na para bang nakikita ako ng baby ko. Bawal akong ma stress nakakasama kay baby kaya pipilitin kong hindi umiyak at mag-isip. "I'm so happy baby," My baby us my priority.