Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
All characters names, event and setting are fiction This story is purely from imaginations, any part of the story that is similar to other stories are coincidence Reader below 18 are not suitable Plagiarism is a crime *** San Agustin University Lacey POV "Girls, nabalitaan n'yo na ba?" Panimula ni Kira. Habang kumakain ako ng hamburger binili ko sa canteen ng eskwelahan namin. Aminado ako na chubby talaga ako. Kaya walang nagkaka gusto sa akin. Taba ang tukso sa akin ng ibang mga kaklase namin lalo na si Kathleen. Malaki ang galit sa mundo. "Ano na naman yan?" Patamad kong tanong. "May bagong transferee na student. Ang balita ay super gwapo. Mukhang half - half daw" Napataas ang kilay ko. Pag dating talaga sa boys nangunguna talaga itong si Kira. Naunang siyang nag dalaga sa amin. We are senior highschool. "Ano yan coffee creamer half - half? pag dating talaga sa pogi nangunguna ka talaga" Napailing na lang ako. Tinuloy ko ang pag subo sa hamburger. Fifteen minutes na lang mag s - start na ulit ang klase. "Ano ka ba Lacey?! Kaya walang nag kakagusto sa iyo puro pagkain na lang nasa isip mo! Wala ka man lang kilig sa katawan" Napairap ako sa ere. "Kahit sino pa yan poncio pilato. Hindi ako interisado" Halukipkip ko. "Sus, maniwala ako sa iyo baka mamaya pag nakita mo yun bagong transferee student. Mauna ka pang lumandi sa amin" Pang aasar ni Misha sa akin. "Ipupusta ko sa inyo hindi ako mag kakagusto dun" Sigurado talagang hindi ako magkakagusto doon. Juice colored mga lalake sakit sa ulo yan! Wala naman ginawa kundi manloko ng mga kababaihan. May nagugustuhan naman ako pero hanggang doon lang. Nangako ako kay Daddy na pag aaral muna iisipin ko bago ang boyfriend. Ayokong matulad sa iba namin kaklase na maagang nagka boyfriend/girlfriend. Kaka sixteen years old ko pa lang. Hindi na ako dumaan sa kinder dahil dumirecho ako ng Grade 1 Elementary noon pina enroll ako ni Mommy. Likas ang pagiging Genius ko. "Sure! Dalawa kami ni Kira pag ikaw na inlove. Isang linggo mo kaming I lilibre sa canteen" Nag apir pa ang dalawang asungot ko na kaklase. Kundi ko lang mga kaibigan ito hindi ako mag titiis sa dalawa. Joke lang! Loves ko ang dalawang ito. We are bestfriend since first year highschool. Narinig namin ang bell ibig sabihin tapos na ang recess. "Tara na! Pasok na tayo" Sabay sabay namin kinuha ang bag sa lamesa. Pag pasok namin nag iingay ang buong klase dahil wala pa ang guro para sa next subject. Limang minuto kaming nag hihintay. Nang dumating ang Adviser namin si Miss Marasigan. "Class, keep quiet!" Babala niya sa amin. " May new student tayo since second semester na siyang lumipat dito sa San Agustin University" Tumingin kaming lahat sa pinto at maraming napasinghap na kababaihan. "Pasok ka na Mr. Winterson" Tawag niya. Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Nagtataka kong tanong sa sarili. Halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng guro namin. "Please introduce yourself Mr. Winterson" Nakangiting turan ng may edad naming teacher. "I'm Mark Andrew Winterson" Pakilala niya. Halatang napipilitan lang magpakilala. Ang tipid naman magsalita. Ayun lang? Tinitigan ko ang kanyang mukha. Maagang na develop ang katawan niya. Ang ganda ng kanyang mata kulay Blue at perfect ang jaw. Kissable lips! ang sarap halikan. Dark brown ang kanyang buhok. Gosh! I think nasa 5'10 na ang height niya? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. "You may seat now. Mr. Winterson" Tumingin siya sa amin para mag hanap ng mauupuan. Narinig kong nag iingay ang mga kaklase kong babae. Huminto ang mata niya sa akin. Ang swerte naman ni taba nasa likod niya si Andrew. Ang unfair! Napataas ang kilay ko sa mga sinabi ng mga kaklase ko. Taba palit tayo ng upuan. Narinig kong sinabi ng isang kaklase naming babae. Subalit hindi ko pinansin ang tuksuhan ng mga kaklase ko. Halos hindi ako makahinga habang papalapit siya sa pwesto ko. Nakatitig ako sa kanya alam ko sa likod ko siya uupo dahil bakante ang pwesto na iyon. Namumula akong napayuko. Bakit ang gwapo niya? Tahimik lang niyang nilagay ang bag sa upuan. Halos hindi ko maintindihan ang itinuro ng teacher namin. Ang nasa isip ko ang lalakeng nasa likod ko. Kinikilig ako dahil naamoy ko ang gamit niyang pabango. Siguro ang sarap niyang yakapin? Ang aga aga nag day dream na ako. Habang nakalabas ang notebook ko para kopyahin ang isinulat ng teacher namin sa blackboard. Napansin ko may sumusundot sa baywang ko. Kaya napabaling ang tingin ko sa likod. Muntikan na lumuwa ang mata ko sa lapit ng mukha ni Andrew. "Pahiram ng ballpen" Bulong niya sa tainga ko. Hindi ako makahinga sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Hindi ako makasagot sa kanya parang nalunok ko ang aking dila sa sobrang lapit ng mukha namin. Sinundot niya ulit ang baywang ko. "Hey? Are you okay?" Tanong niya sa akin. "Sorry" Namumulang napayuko ako ulit. Kinuha ko ang bag pagkatapos kong makuha ang extra ballpen at inabot ko sa kanya. Naramdaman ko ang lambot ng kanyang kamay. "Thank you." He said then he smiled at me. Kinikilig talaga ako gusto kong kurutin ang sarili ko. *** Dalawang oras na lang matatapos na ang klase namin. Alas tres na ng hapon. Medyo nagugutom na din ako kinuha ko ang bag para ilabas ang dalawang sandwich ko. Nagpalit ang Teacher namin para sa Math subject. May pumasok na idea sa aking isip. Iginilid ko ang katawan para tumapat kay Andrew habang hawak ko ang ham sandwich. "Ehem! Gusto mo ng Ham Sandwich?" Napakagat ako sa labi kapag nahihiya ako. Umangat ang ulo niya. Tinignan niya ang Ham Sandwich na binibigay ko sa kanya. Ginawa ni Mommy para hindi ako magutom. Akala ko tatanggihan niya ang Ham Sandwich nagulat ako na kinuha niya sa kamay ko. "Thank you. I didn't eat lunch" Paliwanag niya. Sinimulan kainin ang Ham Sandwich. Dali dali namin kinain ang Sandwich para hindi kami maabutan ng Teacher sa susunod na subject. Wow! Si taba duma da moves Narinig kong nag tawanan ang mga kaklase ko. Napayuko ako sa hiya sa sinabi ni Kathleen. Parang ayoko na kainin ang natirang Sandwich ko. "Ayaw mo na?" Nagulat ako sa boses ni Andrew. "Huh?" Nagtataka akong napatingin sa kanya. Nabigla ako nang kinuha niya ang Sandwich sa kamay ko sabay sinubo sa bibig niya. Nakatulala akong nakabukas ang bibig pati ang iba namin kaklase nakatingin sa amin. Gosh! Indirect kiss?! Gusto kong mainggit sa ham sandwich. Binuksan niya ang kanyang bag at nilabas niya ang dalawang mineral water. Inabot niya sa akin ang isang bote. Wala sa loob ko tinanggap ang tubig. "Thanks!" Gusto kong himatayin sa kilig. Napatingin ako kina Kira at Misha nakangisi sa akin. Paktay! Mukhang mapapagastos ako nito ng isang linggo.