Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
“WHERE are we going next?” malawak ang ngiti ni Keij habang naglalakad kami sa Star City at tumitingin-tingin sa rides na naroon. May klase ngayon pero dahil nagkayayaan kaming magpipinsan, lahat kami ay nagcutting. Isa lang naman ang pasimuno ng lahat—si Keij. Bukod sa aming magpipinsan, kasama rin namin si Kuya Kiro, Ate Caryl, Lean, at Enzo. Kuya Cloud has something to attend to, he told us. Palagi naman siyang hindi nakakasama sa amin. “Sabi ko kasi sa inyo, Disneyland na lang tayo, eh…” ani Ate Caryl habang naglalakad-lakad kami. Wala namang naka-uniform na sa amin kaya walang problema na baka sawayin kami o ano pa man. “Hindi nga kasi tayo pwedeng lumabas ng bansa. Para namang makakalusot ka sa Monteverde Air?” si Theon ang sumagot sa kanya. “Eh, di sana kahit Enchanted na lang para malayo naman,” sabi naman ni Lean. Napailing na lang ako. I am pretty sure, ‘yung pagka-cutting ngayon at pagpunta namin dito sa Star City, pagagalitan na kami, paano pa kung lumayo kami? Malamang ay hindi lamang sermon ang aabutin namin kina Daddy at Tito. “Alam niyo, puro kayo reklamo,” nakakunot na sabi ni Keij sa amin. Natawa na lang ako. Alam ko na kung sino ang pinaka mapapagalitan pag-uwi namin mamaya. Ang sabi niya sa akin, may emergency kay Aly kaya sumama ako sa kanya. Sinabi rin pala niya kay Aly na may emergency sa akin. Ganon din ang sinabi niya kay Jahann at sa iba pa hanggang sa makumpleto kami at inaya niya kaming lumabas dahil naiinis daw siya sa score niya sa exam nila. “Eh, kung nag-aaral ka kasing mabuti, sana wala tayo dito ngayon,” inirapan ni Aly si Keij. “Kung makareklamo ka, ikaw nga ‘tong tili ng tili, carousel lang naman sinakyan mo…” sagot ni Keij pabalik. “Tsaka lima lang naman mali ko, tangina kasi, talo ako sa pustahan…” “Bakit kasi pinagpupustahan ‘yung grades, eh…” iiling-iling na sabi ni Enzo. Tumahimik naman ang lahat. Hindi naman kasi madalas na kumikibo si Enzo kaya para bang napakamalaking himala kapag nagsalita ito ng lagpas sa tatlong salita. “What?” tanong ni Enzo sa amin. Nag-ilingan ang lahat. “Maghanap na nga tayo ng masasakyan pa ulit,” tumalikod na siya sa amin at tsaka naman kami natawa. “Kumain muna tayo, nagugutom na ako…” ani Lean na nakahawak sa kamay ni Ate Caryl. “Oo nga, kain na muna tayo…” sang-ayon ni Aly hanggang sa lahat ay nagdesisyon na kumain na muna bago maghanap ng masasakyan ulit. Nakasunod lang ako sakanila habang tumitingin-tingin sa mga rides. “Cherinna! Bago pa man ako nakalingon ay nabangga na ako at tumama ang ulo ko. I am sure, hindi ako sa poste bumangga. Nag-angat ako ng tingin at may nakita akong lalaking nakatingin sa akin. “Sorry…” agad na sabi ko habang nakahawak sa noo ko. “Are you okay?” hinawakan ni Jahann ang braso ko at pinaharap sa kanya. Tumango ako sa kanya bago muling lumingon sa lalaking nakabangga ko. “Sorry, ulit. Hindi kasi kita nakita at—“ “Yeah, obviously hindi mo ako nakita,” malamig na tugon ng lalaki sa akin. Hindi ako nakapagsalita. “Sorry…” mahinang sabi ko na lang ulit. “Tss…” “She said sorry already, ano pang problema mo?” biglang nagsalita si Jahann na nasa gilid ko at hawak pa din ang braso ko. “Jahann…” “Next time, hawakan mo kasi ‘yang alaga mo. Alam mo na ngang tatanga-tanga, pinababayaan mo pa. What was that? Nag-angat ako ng tingin sa lalaki. “Anong—“ “Anong sabi mo?” napalingon ako kay Jahann nang bigla siyang lumapit sa lalaki. “Gusto mong ulitin ko?” tanong ng napaka-aroganteng lalaki sa kanya. “May problema ba tayo dito?” nakangiting sabi ni Theon habang nakaakbay sa lalaki. Nilingon pa niya ito. “Yeah, is there something wrong?” tinapik naman ni Keij ang braso ng lalaki. “Tss…” iiling-iling na sabi ng lalaki. “Bitawan niyo na siya…” huminga ako ng malalim bago hinawakan ang braso ni Jahann at inilayo sa lalaki. Nilingon ko ‘yung lalaking hanggang ngayon, inaakbayan pa rin ni Theon. “I sincerely said sorry. I really didn’t saw you, it’s my fault. Pero hindi ako tatanga-tanga. I hope I won’t see you around,” sabi ko sa kanya habang nakakuyom ang mga palad. “Tara na, ‘wag niyo na pag-aksayahan ng oras ‘yan,” aya ko sa dalawang pinsan ko habang nakahawak sa kamay ni Jahann. I know he’s still pissed. “Kumalma ka na…” nilingon ko siya at saka ngumiti. “Tss…” nag-iwas siya ng tingin sa akin. “Kuya Jahann…” pang-aasar ko sa kanya. Nilingon niya ako. “You’re not funny. “I know. I’m Cherinna…” hindi ko maiwasang matawa. “Ewan ko sa’yo…” nauna na siyang maglakad sa akin kaya naman hinabol ko siya para lang itulak. Tawa naman ako ng tawa hanggang sa makarating na kami sa table kung saan nakaupo na sila. “What happened?” si Enzo ang nagtanong sa amin. “May siraulo lang ‘dun…” nagkibit-balikat si Keij. “Feeling gwapo brad, kuko lang naman sa paa ni Keij ‘yon,” sagot naman ni Theon. “Gago, magsorry ka sa kuko ko sa paa. Mas gwapo pa ‘to, eh…” sinuntok naman ng mahina ni Keij si Theon. “Sige, gago. Kausapin mo kuko mo sa paa…” “Seriously, guys. Paano niyo natatagalan ‘yang dalawang ‘yan?” tanong ni Lean. Tumingin siya sa amin ni Aly. “Pinamimigay ko na nga ‘yan, eh…” umirap si Aly habang may kung anong tinitignan sa phone nito. “Nagugutom na ako, anong bibilhin na pagkain?” tanong ko kay Aly. Magkatabi sa upuan si Kuya Kiro, Ate Caryl, Lean, Enzo at Kol. Habang nasa kabilang dulo ng inuupuan namin si Keij, Theon, Aly, ako at si Jahann. “Bumili na ba kayo ng pagkain?” tanong ni Jahann kina Keij. Tumango si Keij dito bago may inabot kay Kol. “What the fuck, Keij? “I accidentally used your credit card. Akala ko sa akin, eh…” nagkibit-balikat si Keij. Napailing na lang ako. Idadahilan na naman niyang kambal sila. Lagi naman niyang ginagawa kay Kol ‘yun. “Accidentally?” tanong ni Kol sa kakambal nito. “Kambal kasi tayo, akala ko tuloy akin…” Napangiti na lang ako. “Wala namang picture ‘yung credit card,” ani Ate Caryl kay Keij. Lumingon sila kay Keij. “Ganon kabait si Kol, nanlilibre siya. Thanks, kambal…” inangat pa nito ang kamao para makipag-bro fist kay Kol pero hindi siya nito pinansin. Nilingon ko si Jahann na nasa gilid ko at tahimik lang. “Okay ka lang?” tanong ko sa kanya. Sigurado ako iniisip niya pa rin ‘yung lalaki kanina. “Jahann…” kinalabit ko siya. Nilingon niya naman ako. “Oh?” tanong niya sa akin. “Wag mo ng isipin ‘yung kanina. It was my fault,” ngumiti ako sa kanya. “Wala pa rin siyang karapatang sabihin ‘yon,” naiinis na sabi niya. “Ladies room lang kami, sama kayo, Cherinna, Aly?” tanong ni Ate Caryl sa amin. Umiling naman ako. Sumama sakanila si Aly, si Kuya Kiro at Enzo naman ay isinama ni Theon at Keij para kunin ang pagkain kaya tatlo lang kami nila Kol na naiwan para magbantay ng gamit. “Jahann, sama ka ba sa Sabado?” tanong ni Kol kay Jahann. Nagkibit-balikat lang siya. Tinignan ko si Kol. “Convince him, please…” “May gagawin ako sa Ai’s sa Sabado,” ani Jahann. “Eh, di sasabihin ko kila Mommy na may lakad kayo nila Kol. I am sure, papayag ‘yon. “No. I rolled my eyes. “Bakit ba ayaw mong maglalalabas?” tanong ko sa kanya. “Bakit ba ang ingay mo? Sumama ka na nga lang ‘dun kina Aly. Mag-CR ka,” nakakunot ang noo niyang sabi sa akin. Inirapan ko na lang siya bago ako tumayo at nagpunta kina Aly. “Oh, bakit nakasimangot ka?” tanong ni Aly sa akin nang pumasok ako sa CR. Naabutan ko siyang naglalagay ng lipstick. “Wala,” tipid na sabi ko bago pumasok sa isang cubicle. “What happened earlier? Bakit mukhang badtrip si Jahann?” narinig kong tanong ni Aly sa akin. “May nakabangga lang,” sagot ko naman sa kanya. “Ganyan din si Kuya Cloud, eh. Ang protective…” natatawang sabi ni Ate Caryl. “Add Kiro ba, Ate Caryl?” tanong ni Aly dito. Narinig kong inaasar-asar pa nito si Ate Caryl kay Kiro. “Si Enzo din naman, ganyan, eh…” sabi naman ni Lean. Lumabas na ako ng cubicle at naghugas ng kamay. Naglalagay din ng lipstick si Ate Caryl at Lean. “Lahat naman sila protective, eh…” sagot ko sakanila habang nakatingin sa salamin. We grew up with each other, kahit pa nga nagstay din kami sa New York noon, hindi naman nawala ang communication namin kaya hindi maikakaila na close kami. Jahann’s a year older. Hindi namin nakaugalian ni Aly na tawagin siyang kuya. Akala nga namin noon, magkakasing-edad lang kami. But he’s a year and five months older than us, actually. Mas matanda din sila Keij at Kol pero wala kaming tinatawag na kuya sakanila. Sila Kuya Cloud, Kuya Kiro at Ate Caryl lang talaga. “Tara na, baka hinahanap na nila tayo…” aya sa amin ni Ate Caryl. “Nila o ni Kiro?” pang-aasar ni Lean sa kanya. “Baliw ka talaga…” iiling-iling na sabi nito bago naunang maglakad papalabas. Sumunod naman kami sakanila. Habang naglalakad, may nakita akong matandang nakaupo sa gilid. Mag-asawa sila at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. It’s good to see people like that. Growing old together. ‘Yung Lolo at Lola kasi namin sa side ni Daddy, nasa New York pareho. Si Lola naman sa side ni Mommy, kasama nila Tito Thunder sa bahay nito. Nakangiti ako habang naglalakad kaya naman nang humarap ako, hindi ko maiwasang mapamura ng mahina nang bumangga ako ulit. “Tss. It’s you again. Nag-angat ako ng tingin. “What the…” kinagat ko ang labi ko. Nag-iwas ako ng tingin bago napabuga ng hangin. “Sorry,” mahinang sabi ko sa kanya. “Hindi ko alam kung aksidente lang na nagkakabangga tayo o sinasadya mo na…” Napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangisi sa akin. “Wow, ha? Excuse me, wala akong planong sadyaing ibangga ‘tong ulo ko diyan sa dibdib mo, no?” inirapan ko siya pagkatapos. “Diyan ka na nga,” humakbang na ako papalayo nang hawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya. “Bitawan mo nga ako!” pinanlakihan ko siya ng mata. “Maganda ka pala, no?” ngumiti siya sa akin. “Bitawan mo ako…” hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “I’m Ian…” inilahad niya ang kamay sa akin. “I don’t care,” sagot ko sa kanya bago tumalikod na. “Cherinna, right? Natigilan ako at muli siyang nilingon. “I heard it earlier,” nagkibit-balikat siya sa akin. Napailing na lang ako bago naglakad pabalik sa lamesa namin. Naabutan ko naman silang lahat na nandoon na. Tumayo si Jahann para makaupo ako bago umupo muli sa tabi ko. “What took you so long?” tanong niya sa akin. “Oo nga, saan ka galing? Kasunod lang kita, ah?” tanong ni Aly sa akin. “May tinignan lang ako,” pagdadahilan ko. “Don’t eat too much. Baka magsuka ka mamaya kapag sumakay ka pa sa ibang rides,” ani Jahann habang nilalagyan ng plato ko ng pagkain. Binigyan niya din si Aly. Tumango lang ako sa kanya. “Wait, wala munang susubo! Naglingunan lahat kay Keij. “Green-minded na naman kayo, magpipicture kasi muna tayo,” sabi niya sa amin bago tumayo para pumuwesto. “Bakit kasi ‘di ka gumamit ng monopod?” tanong ni Kol sa kakambal nito. “Para kitang-kita ‘yung mukha ko, natural?” sagot naman nito. “Oh, game na. 1… 2… 3…” Nakalimang picture muna si Keij bago siya pumayag na kumain na kami. “Dapat pala nag-Tagaytay na lang tayo, no?” sabi ni Lean habang kumakain kami. “Dami mong plano, sana ‘di ka sumama…” sagot naman ni Theon dito. “Lagi ka talagang kontra, no?” inirapan naman ito ni Lean. “Alam niyo, ‘wag muna kayong maggigirlfriend, ha? Magpapaiyak lang kayo ng babae, eh…” iiling-iling na sabi ni Ate Caryl. “Sa sarap siya iiyak,” nakangising sabi ni Keij. “Kadiri ka talaga!” biglang hinila ni Aly ang buhok ni Keij. Natawa naman ako sakanila. “Si Enzo, Kol at Jahann, pwede na maggirlfriend, itong dalawang ‘to? Naku, huwag na!” sabi ni Aly habang nakatingin ng masama kay Keij at Theon. “Yeah, nakakaawa ‘yung babae, eh…” dagdag ko sa sinabi ng kakambal ko. “Wow, salamat, Cherinna, ah?” nakasimangot na sabi ni Keij sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. “How about the two of you? Pinagbabawalan ba kayo ni Tito Kerko na mag-boyfriend na?” tanong ni Ate Caryl sa amin. Nagkatinginan kami ni Aly at sabay na umiling. “Wala namang sinasabi si Daddy tungkol ‘dun. I guess, it is fine with him…” sabi ko. Tumango-tango sila sa akin. Matapos kumain at makapagpahinga, nagyaya na ulit sila na sumakay ng rides. “Viking tayo,” aya ni Keij sa amin. Naglingunan kami nila Aly, Ate Caryl at Lean sa kanya. “Ano, carousel na naman?” tinignan niya kami. “Tara, Viking!” hinila na kami ni Theon. Napailing na lang ako sakanila habang papakyat kami. Katabi ko si Jahann. “Just wait for us,” sabi ko sa kanya nang nasa pila na kami. “Tss…” He’s afraid of heights. Kaya alam kong ayaw niyang sumakay ng rides. Nandito lang naman siya dahil kasama kami ni Aly. “Video mo na lang kami, gusto mo?” tanong ko ulit sa kanya. “Sasakay ako,” sabi niya sa akin. “You don’t have to. Baka malula ka lang at—“ “Sasakay ako. “Okay, ikaw bahala…” nagkibit-balikat ako sa kanya. “Six per row, guys. Sino-sino magkakasama?” tanong ni Theon sa amin. “Sa dulo tayo, ah?” sabi ni Aly. What the hell? “Okay, Kuya Kiro, Ate Caryl, Lean, Enzo, Kol and Theon na magkakasama. Ako, si Aly, Jahann at Cherinna sa kabilang dulo. Game?” ani Keij sa amin. Nagtanguan naman ang lahat. May mga nauna sa pila kaya naman may babae na, na naunang umupo sa dulo. Mag-isa lang naman siya. “Dito na tayo, isa lang naman siya…” sabi ni Aly. Pinauna niya na si Keij kaya katabi ng babae si Keij. Si Al yang sumunod kay Keij. “Mauna ka na…” sabi ni Jahann sa akin. “Dudulo ka?” tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. “Sige na, pumasok ka na…” sabi ko sa kanya. Nakaupo na din ako nang magsalita ang staff na naroon na kailangan pa ng isa sa tabi ko. Nagkakawayan naman si Keij at Theon mula sa magkabilang dulo. Kumukuha din sila ng picture. “We meet again…” Napalingon ako nang may nagsalita sa gilid ko. What the… “Okay, game!” sigaw ng lalaki na nagcocontrol ng rides. Napalingon din si Jahann sa katabi ko. “What the fuck?” he hissed. “Let’s exchange seat,” mahinang bulong ni Jahann. Umaandar na ‘yung rides kaya imposible na ang gusto nito. Habang tumatagal ay pataas nang pataas ang pag-andar nito at napapapikit na ako. Hinawakan ni Jahann ang kamay ko habang nakakapit ng mahigpit ang isa sa harang na naroon. Puro tili ang naririnig ko at ang pagmumura ni Keij. “You should enjoy!” may malakas na boses akong narinig bago may humawak sa kamay ko at biglang itinaas iyon. Napadilat ang mata ko at nakita kong nasa taas kami pababa. “Oh my gosh!” Pakiramdam ko ay malalaglag ako anumang sandali. Hinila ko ang kamay kong hawak ni Jahann para takpan ang mga mata ko. Hinihila ko ang isang kamay ko pero nanghihina na ako dahil sa kakasigaw. “Tangina mo, Keij!” narinig kong sigaw ni Aly. Bumabagal na ang pag-andar noon ng maramdaman ko ang paghawak ng kapatid ko sa kamay ko. “Cherinna, are you okay?” tanong ni Jahann sa akin. Nilingon ko siya. Huminga ako ng malalim bago tumango. “Who is he?” tanong ni Aly sa akin. Nilingon ko ang katabi ko at hanggang ngayon, hawak niya pa rin ang kamay ko. Agad kong binawi iyon. Nang huminto na iyon ng tuluyan, naunang bumaba ang katabi ni Keij, sumunod naman agad si Keij, si Aly, si Jahann, ako at si Ian. “Tangina, nanakit tenga ko sa tili ni Lean,” reklamo ni Theon nang magkasama-sama na ulit kami. Napalingon siya sa amin. “Anong nangyari sa inyo?” tanong niya sa amin bago napansin ang lalaki sa gilid ko. “Ikaw ‘yung kanina, diba?” biglang humakbang si Theon papalapit. Agad naman itong hinawakan ni Enzo. “Let’s go, guys…” aya ko sakanila. “See you again, Cherinna,” ngumiti siya sa akin bago siya naunang magkakad papalayo. Naglakad na lang din kami papalayo. Tumabi sa akin si Aly habang naglalakad kami at hinawakan ang kamay ko. “Sino ‘yung lalaki kanina?” tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat ako. “Alam niya ‘yung pangalan mo, ah?” sabi nitong muli. “Hindi ko siya kilala…” sagot ko kay Aly. Tumango-tango na lang ito bago lumapit kina Theon nang magtawag ang mga ito dahil bibili ng ice cream. Lumapit naman sa akin si Kol. “Are you okay?” tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko pero tumango ako sa kanya. “Why?” I asked him. He just shrugged at me. “Kami lang dapat lalaking nakapaligid sa inyo,” inaya na niya ako pagkatapos. “Wala namang ibang lalaking nakapaligid sa amin…” sabi ko dito. But Ian’s face crossed my mind. Well, hindi naman na siguro kami magkikita ng lalaking ‘yon. Lumapit na lang ako sakanila at umupo sa tabi ni Jahann.