Kumibot ang labi ni Kathryn nang makita ang nakakalat na damit sa sala. Kararating lamang niya galing sa shift niya sa Roxy City. Nagtuloy siya sa mini kitchen nang mailapag ang kanyang bag. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng canned soda at mabilis na ininom. Hanggang isang nabasag na kung ano ang nagpagulat sa kanya. Mabilis siyang lumingon.
“Opps, sorry.” Anang isang babae na tanging ang kumot lang niya ang nakabalot sa katawan. Hawak nito ang nakita niyang blouse sa ibabaw ng center table. Marahil nahila ang ashtray nang kuhanin nito ang damit dahilan upang mabasag iyon.
“Okay lang.” tugon niya nang makabawi mula sa pagkabigla. “Si Papa lang naman ang gumagamit n’yan.”
Tila nahihiya namang ngumiti ang babae. Maganda ito. Maputi at may katangkaran. Marahil nasa thirties na ito. At marahil din ay ito ang bagong girlfriend ng ama niya.
“Si Papa?” tanong niya habang nagbibihis ang babae na tila hindi na nailang sa kanya.
“Tulog.” Tugon nito.
Tumangu-tango siya. “Softdrinks?”
“Salamat na lang. Paalis na rin ako, actually.” Tanggi nito. “Ikaw siguro si Kathryn. Ako si Sasha.”
Tinanggap niya ang inalok nitong kamay. Ngumiti naman ito. “Kailan pa kayo ni Papa?”
“Two months na.” mabilis naman nitong tugon. Noon ay nakabihis na ito. Muli siyang tumangu-tango.
“A-alis na ‘ko. May pasok pa kasi ako eh.” Bigla ay paalam nito. Tumango siya at umalis na ito. Siya naman ay iniligpit ang mga nakakalat na damit na alam niyang sa kanyang ama. Walang itong nababanggit sa kanya tungkol sa bago nitong karelasyon.
Parang nahilo siya nang inaayos ang mga magazine kaya naupo siya. Marahil dahil sa puyat. Muli niyang kinuha ang softdrinks at muling uminom. Nilingon niya ang pinto ng kwarto ng kanyang ama. Malamang na mamaya pa ito magigising.
Muli siyang tumayo dala ang softdrinks at lumapit sa binata. Hinawi niya ang kurtina. Naisip niya na ilang araw nang hindi nasisikatan ng araw ang bahay nila dahil halos araw-araw siyang umalis para sa trabaho niya sa Roxy City bilang bartender at sa LinkMusic bilang freelance songwriter.
Bahagya siyang lumayo sa bintana at hinila ang isang upuan. Naupo siya habang nakapatong ang mga paa sa pasamano ng bintana. Doon na muna siya habang nagpapahinga.
Sa kanyang ama nakatira si Kathryn. Limang taon siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. At nakalakihan na niya ang hindi magandang relasyon ng kanyang mga magulang. Dati siyang nasa puder ng kanyang ina ngunit hindi naging maganda ang relasyon niya sa naging pamilya nito. Kaya nang umedad siya ng sampu at kuhanin ng kanyang ama ay hindi siya nagdalawang-isip na sumama dito.
Dating gitarista sa banda ang kanyang ama. Sumikat ang mga ito noong late 70s. At dahil sa commitment at passion nito sa musika, nagkulang sa pagiging ama at asawa ito. May mga araw na hindi na ito umuuwi nang matagal. Her mother was patient at first. Ngunit dumating sa puntong madalas nang mag-away ang mga ito. Hanggang sa maghiwalay ang mga ito.
Apat na taon lang ang lumipas, mula nang maghiwalaay ang mga ito, siyam na taon siya noon nang ikasal na ang kanyang ina. She married to a man much different from her father. Isang doktor at galing sa pinakamayamang pamilya sa Laguna.
She inherent the passion of her father. He taught her how to play piano at her age of four. Magmula noon ay hindi na niya nagawang lumayo sa musika. She played her piano every day. She even had her recital at the age of eight and gained many respect from critics. Dapat nga ay magkakaroon siya ng scholarship sa isang mahusay na eskwelahan sa musika ngunit tinanggihan ito ng kanyang ina. Nalungkot siya ngunit kailangang ang kanyang ina ang masunod.
She wanted to pursue music but her mother refused. Mariin ang pagtanggi nito na humantong sa pagbebenta nito sa piano niya. She was mad and devastated. Parang isang kamay niya ang tinanggal nito sa kanya. Halos magunaw ang mundo niya noon. Pakiramdam niya ay siya ang napaparusahan ng kanyang ina sa kasalanan ng kanyang ama. Na isang sumpa ang musika sa buhay nito. But she would never kill her dream. Matutupad ang pangarap niya. Magagawa niyang sumikat kasama ng mga kantang isinulat niya.
Sa kasalukuyan ay tinutulungan niya ang kanyang ama sa pamamahala sa hi-tech business nitong, WaveClouds Audio & Technical Services. Supplier sila ng mga audio at sound system na ini-import pa nila mula sa mismong manufacturer mula sa ibang bansa. Nagbibigay sila ng serbisyo sa mga malalaking event at concerts. Sila ang nagsiset-up ng buong stage at namamahala sa technical department ng buong event. But her secretary job for her father was just part time. Mas gusto pa rin niyang magcompose ng kanta.
“Sino ka?!” anang malakas at galit na tinig dahilan upang mapapitlag siya. Nawalan siya ng nakontrol sa balanse niya kaya natumba ang upuan niya. Lumagpak siya sa sahig.
“Papa, ano ba?” nakangiwi niyang sita dito.
“Kat? Anak?” kunot na kunot ang noo nitong lumapit sa kanya. Takang-taka ito. “Jesus Christ! Bakit ba kasi ganyan ang kulay ng buhok mo? Akala ko tuloy kung sino.”
“Maganda ba?” nagawa pa niyang itanong sa kabila ng pananakit ng balakang. “Si Cleo ang gumawa nito. Bagay daw sa complexion ko.”
“Anong masakit sa’yo?” tanong nito na hindi niya tinugon. Nilakad niya ang sofa at naupo roon. Nakasunod ito sa kanya.
“Balakang ko lang. Masyado kang nagiging paranoid, Papa.” Reklamo niya nang nakatabi na ito sa kanya. His upper body was exposed. Nakapantalon lang ito. At hindi maitatangging kahit na may edad na ito ay matipuno pa rin at gwapo. Martial arts enthusiast din kasi ito.
“Well, next time tell me if you’re going to dye anything in you. Akala ko kung sinong pulang tao. Anyway, bagay sa’yo.” Tugon nito at napangiti siya.
“Thank you.” Malugod niyang saad.
“Kumain ka na ba?” sabi nito at umiling siya.
“Wala si Manang para magluto. Ikaw na lang magluto.” Paglalambing niya habang nakasandal sa sala. Masakit pa rin ang balakang niya. “Oh! Sino si Sasha? Bakit hindi mo yata s’ya naipakilala sa’kin. Maganda s’ya ha.”
Kumibot ang labi nito at tumingin sa kanya. “Anong sabi n’ya sa’yo?”
“That she’s your girlfriend?” patanong niyang tugon.
Umangat ang kilay nito saka tumayo. Nakasunod ang tingin niya dito. Lumapit ito sa mini kitchen at binuksan ang refrigerator.
“Papa, seryoso na ba?” tanong niya tukoy ang bagong relasyon nito.
Tumingin ito sa kanya matapos uminom ng tubig. “I hope so.”
Napabuga siya ng hangin. “Marunong ba s’ya sa office? Can you hire her as your secretary? Nakakapagod kasing magtrabaho sa’yo. Puro OT tapos walang holiday.”
Napatawa ito. “Really? Walang pahinga ba ‘yong pwede kang pumasok kahit na anong oras na gusto mo. Mas boss ka pa nga sa’kin eh.”
She groaned. “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin, Papa. What I mean is that I’m doing what supposed to be what you’re doing.”
Nagbuntong-hininga ito. “Fine. Pero tama lang naman ‘yon. Pagdating naman ng araw sa’yo rin mapupunta ang Wave. You are my only successor.”
Inisimiran niya ito habang pinapanood ito sa pagkilos sa kusina. “Pwede namang humanap ka ng partner. Stop playing around. Hindi ka na bata, Papa. Hindi ba pwedeng mag-settle ka na and get married?”
“Take it easy, honey, okay? Darating din tayo d’yan. Kape?” anito at humigop sa tasang hawak nito.
“Pero, Papa-”
“Hep. Stop right there.” Pigil nito habang nagsasalin sa isa pang tasa.
“Uminom ako ng softdrinks, Pa.” aniya makita iyon.
“So?” anito at lumapit sa kanya dala ang dalawang kape.
“Tumatakas ka na naman sa sermon ko.” himutok niya.
Tumawa lang ito. “Pag-usapan na lang natin kapag and’yan na. Let’s talk about you and your red hair, your songs, your dream, you know. Ano bang balak mo? Ayaw mo ba talagang mag-main stream? Habang buhay ka na lang bang magbebenta ng kanta? I mean, I’m old but gorgeous pero-”
“Ang yabang.” Agap niya.
“Nagsasabi lang ako ng totoo.” Mabilis nitong tugon. “Bata ka pa, anak. You’re only twenty-two and you are really making hits. Bakit kailangan ibang tao ang kumanta no’n? Talented ka. May tao namang pwedeng tumulong sa’yo. And’yan si Roxanne, si Lourd. Why is it you are still behind everything? Di’ba pangarap mo ‘to. Pangarap mong maging artist. What’s holding you back, Anak?”
Isang pagkalalim na buntong-hininga ang ginawa niya sabay higop ng kape. “Taking my time.”
He smirked. “Yeah, at nauubusan ka na.”
“Bakit ikaw hindi?”
He rolled his eyes quirkily. “Masaya ako. That’s the difference. I’m happy I have you, I have WaveClouds, have a girlfriend. I had my time. Wala na akong kailangang habulin, wala na akong kailangang matupad. Isinuko ko na ang ibang bagay sa buhay ko. Dahil tanggap kong wala na talaga at hindi sa’kin ‘yon. Pero ikaw…kailangan mong hanapin ang kaligayahan mo. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang ginagawa mo sa Roxy pero hindi ka naman masaya. If fulfilling your dream will make you happy? Go!”
Hindi siya tumugon. Totoong nais niyang makilala bilang artist. Gusto niyang maitanghal ang kanyang mga isinusulat sa isang malaking concert. Magkaroon ng sariling album. She wanted to tour around the country and perform. Ngunit sa tuwing kakanta na siya sa harap ng maraming tao ay kinakain siya ng kaba. She hated to see people looking at her. Nakatingin at inaabangan ang lahat ng gagawin niya. Kahit ang kanyang pagkakamali. Iyon ang ayaw niyang mangyari. Maybe she doesn’t want to try because she was afraid. Natatakot siya sa rejection.
Nakarinig sila ng katok. Tumingin siya sa kanyang ama. “Babalik ba si Sasha?”
Umiling ito kaya nagpasya na lang siyang buksan iyon.
“Ma?” gulat niyang pangingilala nang mabuksan ang pinto. Hawak ang handbag nito ay nakatingin ito sa kanya. Blanko ang ekspresyon.
“Pwede ba akong pumasok?” she asked nicely.
Bumuka ang bibig niya ngunit hindi niya alam kung paano tutugon. Hanggang sa makabawi at yakapin ito.
“Na-miss kita.” Taos sa puso niyang saad habang yakap ito. Gumanti naman ito ng mas mahigpit na yakap.
“Me too.” Tugon naman nito.
“Pasok, Ma.” She said exhaling on excitement. Mabilis niyang nilingon ang kanyang ama na nakaupo pa rin sa sofa.
“Dina.” Kitang-kita niya kung paano nagtaka ang kanyang ama. Lumipad ang mata nito sa kanya ngunit bumalik din sa kanyang ina. Siya naman ay tahimik na tumungo sa pantry.
“Ma, kape.” Aniya at nilingon siya nito na halatang hindi kumportable. Kung sa nadatnang dumi sa bahay o sa hitsura ng kanyang ama ay hindi niya alam. Lihim na lang siyang napangiti.
“A-ah, sige.” Sabi nito.
“Upo ka.” Ang kanyang ama mabilis na nakalapit sa kanya.
“Bakit naman hindi mo sinabi na darating ang nanay mo.” pasimple nitong bulong sa kanya na kunway tinulungan siyang magtimpla ng kape.
Napatawa siya. “Hindi ko rin alam, ‘no. Pumasok ka muna sa loob. Magbihis ka. Papogi ka nang konte. Malay mo, di’ba?”
Bigla siyang nitong kinutusan sa ulo. “Kasal na ang nanay mo. Ayokong maging kabit. And besides, ikaw lang ang ipununta n’yan dito. Harapin mo muna. Bihis lang ako.”
Nangingiti siya habang tinitingnan ito habang paakyat ng hagdan. His father walked gracefully. Walang makakapagsabi sa totoong edad nito maliban sa kanilang mag-ina.
Lumipad ang tingin niya sa kanyang inang nakaupo. Nakatingin din ito sa kanyang ama. At tila may nabasa siyang emosyon sa mga mata. Kumunot ang noo niya.
“Here is your coffee.” Sabi niya habang lumalapit dito. Naupo sa siya tabi nito.
“Salamat.”
“So, Mama, anong nagpadpad sa’yo dito?” tanong niya. Nagbuga ito ng hangin. She can sense something was wrong. Seryoso kasi ito.
“Kat, anak. I’m sorry kung biglaan ang pagpunta ko dito.” Sagot nito.
“That’s fine.”
Muli itong nagbuga ng hangin. “May favor sa ako sa’yo, I mean, sa inyo ng Papa mo. Can I…I can stay here for a while?”
Napaangat ang mga kilay sabay bahagyang napabuka ang bibig niya. She was really surprised. Ang mommy niya? Gustong tumira kasama nilang mag-ama?
“Bakit, may problema ba?” kunot ang noo niyang tanong.
“I just need time to think. May problema lang kasi sa bahay.” Puno ng pag-aalangan nitong sabi.
Dapat ay tutugon siya dito ngunit napaangat ang tingin nang makita ang kanyang ama na nakatayo sa likod ng kanyang ina. Gulat din ito at tila hindi nagustuhan ang narinig. Napapikit siya. Paano na ngayon magsasama ang dalawa gayong sa tuwing magkikita ang mga ito ay tila laging may giyera?

