Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
Rui annoyed the hell out of Jemarra. Kung pwede lang isisi niya dito ang lahat ng kamalasang dinanas niya sa biyahe ay ginawa na niya. At nadagdagan ang inis niya dito nang sabihin nito na siya ang white lady na nagnanasa dito. But there was something more than the lonely and annoying Rui. He preferred dark, starless skies. Dahil tugmang-tugma iyon sa katauhan nito. Lahat ng babaeng minahal nito ay iniwan ito. And she wanted to bring back the light in his life by loving him. Hindi lang niya alam kung kaya niyang ibalik ang kakayahan nito na magmahal muli. “Banaue, Jeje! Sa wakas nasa Banaue na tayo,” excited na sabi ni Charity nang bumaba sila sa jeep na biyaheng Banaue. “Mantakin mo, after ilang oras na biyahe nandito na rin tayo. Nakikita ko na ang rice terraces. Sa palagay mo ba may mga guwapong Igorot dito? “Ifugao ang tawag sa mga tao dito. Kaya nga Ifugao province,” pagtatama ni Jemarra at naglakad palapit sa terminal ng jeep at tricycle. Lumabi ito. “Pareho din iyon. “Ask the people around here and they will prove you wrong. Mabuti pa, magtanong na tayo kung saan ang sakayan papuntang Bontoc. Nine-thirty pa lang ng umaga. Kung dalawang oras ang biyahe, naroon na tayo by lunchtime. We can eat and rest. We can go to the library and visit the museum later in the afternoon. Researcher siya para sa isang Internet company. They are putting up a travel portal na nagpi-feature ng iba’t ibang tourist spots sa bansa. Sa kanya naitoka ang Mountain Province, partikular ang bayan ng Bontoc at Sagada. Kailangang maipakita niya hindi lang ang magagandang tanawin kundi maging ang kultura ng mga tao. At kung ano ang maio-offer ng lugar sa potential investors. Pagod na siya sa siyam na oras na biyahe at kulang pa siya sa tulog. Kung siya ang papipiliin, gusto niyang magpahinga at matulog. Pero hindi pa tapos ang biyahe nila. Kailangan ay makarating sila sa Bontoc nang tanghali para masunod ang lahat ayon sa schedule niya. “Urgh! I really hate research!” usal ni Charity. “Kailangan mo pa ba akong isama sa museum at sa library? Pwede bang matulog na lang ako sa kuwarto? “Bahala ka kung ayaw mong mamasyal. “Alam mo namang Sagada talaga ang habol kong puntahan. “Don’t be impatient. Makakarating din tayo doon bukas.” Nilapitan niya ang isang magta-tricycle. “Manong, saan po ang sakayan pa-Bontoc? “Dito.” Itinuro nito ang paradahan ng jeep. “Pero kaaalis lang ng huling biyahe pa-Bontoc para sa umagang ito. Mamayang tanghali pa ang susunod na biyahe at doon pa iyon sa kalsada sa taas ninyo hihintayin. “What? Tanghali pa? Ilang oras pa tayong maghihintay dito?” nanlulumo niyang sabi. When it rains, it pours. Kapag minamalas, malas talaga. Sa Manila pa lang, naiwan na sila ng bus papuntang Banaue. Hindi nila alam na kailangan pang tingnan ang body number ng bus. Kaya hanap sila nang hanap ng bus na papuntang Banaue pero nakaalis na pala. Napilitan silang sumakay ng bus papuntang Tugegarao City at ibinaba sila sa Solano, Nueva Vizcaya. Mula doon ay sumakay sila ng jeep papuntang Lagawe, ang capital ng Ifugao. Saka sila sumakay ng isa pang jeep papuntang Banaue. Akala niya ay mahahabol nila ang last trip para sa umagang iyon pero hindi pala. “Ayaw mo noon? Makakapag-stay pa tayo dito sa Banaue for a while. We can see the famous rice terraces. Exciting!” sabi ni Charity na parang hindi apektado kung hindi man sila makarating agad ng Bontoc. “Sandali, ite-text ko lang si Boss.” Nang ilabas niya ang cellphone ay nagulat siya nang makitang walang bar ang signal. “Walang signal dito? Akala ko ba civilized na dito dahil major tourist spot na ito? “Ako may signal!” tuwang-tuwang sabi nito. “Iyon nga lang wala akong load. Sa Sagada na ako maglo-load. Io-off ko kasi cellphone ko dito. “Uncivilized ka rin dahil wala kang load!” inis niyang sabi. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat. Napakalupit ng mundo. “Cool ka lang. Ang lamig ng panahon pero mainit ang ulo mo. Halika, kumain na lang tayo at mag-relax. May restaurant banda doon. “Mabuti pa nga,” sabi niya. Wala naman siyang choice kundi maghintay ng bus at magpalipas ng oras. Saka hindi pa rin naman niya nakikita ang Banaue. Iba kasing researcher ang pinag-cover sa Ifugao province. Kaya nga rutang Banaue-Bontoc-Sagada ang plano niya para ma-explore nila ang ibang lugar. Kapag pauwi na sila sa Manila ay saka sila magba-Baguio. “Dito tayo! Dito!” Halos kaladkarin siya ni Charity papuntang terrace ng restaurant. Mula doon ay nakita nila ang luntiang rice terraces. Na-disappoint lang siya dahil may mga bahay nang nakatayo doon. Napaka-cozy ng lugar dahil gawa sa pine trees ang istraktura. Maliban sa terrace na sementado na. “Ano po ang gusto ninyo, Ma’am?” tanong ng waitress nang lapitan sila. Lodging inn kasi ang taas ng restaurant. “Magtse-check in po ba kayo? Umiling siya. “No. We are just here to eat. “Heto po ang menu namin,” sabi ng waitress. “Miss, orange juice nga. Saka fried chicken na rin. Gutom na gutom na kasi ako. Ikaw, Jeje?” tanong ni Charity. “May baon akong pagkain,” bulong niya dito. “Ikaw na lang um-order. “Nakakahiya naman kung hindi ka oorder. Pareho na lang ang orderin natin. Mag-fried chicken ka na lang din. “Sorry, Ma’am. Pero hindi po available ang fried chicken namin ngayon. Mamaya pa pong lunch time siya ise-serve. “Fried rice na lang, Miss. Saka egg soup.” Iyon kasi ang mura sa menu. Kailangan niyang magtipid dahil hindi niya alam kung magkano ang magagastos niya. Wala pa manding ATM sa lugar na iyon. “Sige, iyon na nga lang din ang order ko. Pero maghahati na lang kami sa fried rice. Hindi kasi kami masyadong mahilig magkanin. “Okay lang po ba na maghintay kayo ng ten minutes?” tanong ng waitress. “Sure,” sabi niya. Sila lang ang tao sa restaurant. Kaya naman malaya silang gumalaw at tumingin ng mga pictures na naka-display. “Picture naman tayo, Jeje,” sabi nito at lumabas sila ng terrace bitbit ang kanya-kanyang camera. “I’ll take your picture. At kukunan mo rin ako. Pumayag siya.Hindi siya nandoon para magtrabaho lang kundi kasabay na rin ang bakasyon. Isinama niya ang kaibigang si Charity dahil katatapos pa lang nitong ma-brokenhearted. Iyon lang ang naiisip niyang paraan para maka-recover ito. “Masarap talagang maging turista,” sabi nito at parang señorita habang umiinom ng orange juice. “Feeling ko isa akong prinsesa. Teka, wala pa tayong picture na dalawa. Nasaan ba iyong waitress? Magpa-picture tayo. Luminga siya sa paligid at hindi nakita ang waitress. “Wala, eh! “Doon na lang tayo magpa-picture sa mamang cute,” anito at itinuro ang lalaki na sa loob ng restaurant na nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape. “Ano kaya ang nationality niya? Intsik o Hapon? “Tanungin mo siya,” sabi niya at tiningnan ang view. “Hindi ako marunong mag-ni hao-ni hao. Saka mag-konnichiwa. Hindi ba ikaw ang may alam sa Chinese at Japanese? “Ako na nga lang ang magtatanong,” sabi niya at nilapitan ang lalaki. Chinito ang lalaki. Pero di gaya sa karaniwang Japanese or Chinese ay medyo brown ang balat nito. Matangos ang ilong ito. At cute din ang labi. May kahabaan ang buhok nito pero stylish pa ring tingnan dahil uso. Simpleng blue T-shirt at maong pants ang suot nito. “Excuse me, Sir. Can you take our picture?” tanong niya. Inangat nito ang mata at saka tumingin sa camera niyang hawak. “Sure,” sabi nito at tumayo. Nagulat siya nang halos hanggang sa baba lang siya ng tainga nito umabot. Napakatangkad nito. Lalo siyang nanliit sa height niyang 5’4”. Kanina ay maamong tingnan ang mukha nito. But his eyes were emotionless. “Here,” aniya at inabot ang camera dito. Nahigit niya ang hininga nang dumaplis ang kamay nito sa kanya nang iabot niya ang camera. Wala pang lalaking nakakaapekto sa kanya sa simpleng hawak lang ng kamay. Pero mukhang wala naman itong reaksiyon. Wala siyang makitang anuman sa mga mata nito. “Ano ang nationality?” tanong ni Charity nang balikan niya sa terrace. “Ewan ko. Tinanong ko siya ng English. Sumagot naman,” sabi niya at sumandal sa railing ng terrace kung saan background niya ang rice terraces. “What are we going to say? Cheese or sex?” tanong ni Charity sa lalaki. “Just smile,” mariin niyang sabi dito kahit gusto niya itong sabunutan. She was flirting. Isang bagay na hindi nito dating ginagawa. “Thank you,” todo-ngiting sabi ni Charity nang ibalik ang camera sa kanila. “You are welcome,” walang ngiting sabi ng lalaki at bumalik sa mesa nito. “Cute ang mga chinito, right?” tanong ni Charity. “At kailan ka pa nagkagusto sa mga chinito? Lalo na sa isang chinito na hindi marunong ngumiti. Ang ex-boyfriend nitong si Victor ay pwedeng pang-commercial model ng toothpaste. Kuntodo lagi sa ngiti. Samantalang ang lalaki kanina ay parang binibili ang ngiti. “Hindi ko naman siya gusto. I like him for you. Napailing siya at nagsimula nang kumain bago pa siya mawalan ng gana sa kalokohan nito. “You like him for me but you were flirting with him. “Tinitingnan ko lang kung sino ang type niya. Ikaw o ako. At dahil hindi siya kumagat sa pagpi-flirt ko, baka ikaw ang type niya. Mas guwapo siya kaysa sa ibang foreigner na nakita natin kanina,” anitong may himig na nanunukso. “Matchmaker ang drama mo ngayon? Your matchmaking sucks! “Kung ayaw mo sa kanya, hahanap na lang ako iba. And this time, para na sa sarili ko at hindi sa iyo,” nagtatampong sabi nito. Tinawag niya ang waitress at ibinigay ang bayad. “Miss, anong oras ang alis ng bus papuntang Bontoc? “Hindi ko po alam dahil bago pa lang ako dito. Teka, itatanong ko po sa customer namin na madalas magbiyahe ng Bontoc.” Tiningnan nito ang lalaking kumuha ng picture nila kanina. “Kuya, anong oras daw ang daan ng bus pa-Bontoc? “Around twelve o’clock,” sabi nito at bumalik sa pagbabasa ng broadsheet. “Twelve o’clock daw po,” sabi ng waitress sa kanila. “Hindi siya foreigner? Akala ko pa mandin may lahi siyang Japanese o Chinese,” disappointed na sabi ni Charity. “Anyway, bagay pa rin kayong dalawa kahit pa taga-Antartica siya. Kunin natin ang pangalan. “Wala kang mapapala sa pagma-matchmake mo. So don’t waste your time. Hindi ko papatulan ang kalokohan mo.” Nandoon siya para magtrabaho at hindi para mag-hunt ng lalaki. Hindi siya interesado sa kahit kaninong male human species. Ayaw niyang mabaliw sa pag-ibig tulad ni Charity para lang masaktan sa huli. “MISS, kadadaan pa lang ng bus papuntang Bontoc,” sabi ng mamang napagtanungan nila Jemarra. Alas onse y medya pa lang ay naghihintay na Bontoc sila ni Charity ng bus papuntang para matiyak na makakasakay agad sila at hindi sila maunahan ng ibang pasahero na papuntang Bontoc. Ayaw na kasi niyang ipagpabukas pa ang papuntang Bontoc dahil wala naman silang gagawin sa Banaue. “Ano po?” gulat niyang sabi. “Sabi sa amin alas dose pa ang daan ng bus. “Maghintay na lang kayo ulit, Miss. Parating na rin iyong galing Lagawe. Kaso, tiyak na siksikan dahil marami na iyong pasahero. Napaupo siya sa sidewalk sa sobrang inis. “Asar!” gigil niyang sabi at nakasimangot na inilapag ang mabigat na mountain bag sa tabi. “Huwag mainit ang ulo mo. Why don’t you enjoy the beautiful sight? The pine trees, the rice terraces and...” Tumikhim ito at lumingon sa bandang waiting shed. “Mga guwapong na kakalat-kalat sa tabi-tabi. Lalong sumama ang timplada ng mukha niya nang makita ang lalaking kumuha ng picture sa kanila. Nakaupo ito sa bench ng shed at nagbabasa naman ng computer magazine sa pagkakataong iyon. “Anong guwapo? Kampon ng kamalasan ang kumag na iyan. Nakakalimutan mo na ba na siya ang nagsabi sa atin na alas dose ang daan ng bus papuntang Bontoc? Ni hindi niya sinabi sa atin na may bus ng alas onse. Sa halip tuloy na nangangalahati na tayo ng biyahe papuntang Bontoc, nandito pa rin tayo at naghihintay ng himala. “Baka naman pupunta rin siya sa Bontoc at gusto niyang sabay kayo,” kinikilig nitong sabi ang tinabihan siya. “How romantic! “Yuck! Kinikilabutan ako!” aniya at itinirik ang mga mata. Hopeless romantic lang siguro si Charity o nasobrahan sa kaiilusyon. Paanong magkakagusto sa kanya ang tsinitong lalaki samantalang di nga siya nito matingnan nang tatagal sa tatlong segundo. Parang walang pakialam sa mundo. “Bagay talaga kayong dalawa. Mukha siyang suplado at mukha kang suplada. Mukha siyang tahimik at ikaw naman ang sobrang dami ang sinasabi. You make a fuzz about small things. “And you are trying so hard playing cupid. Let’s stop this lunacy, Charity. This doesn’t make any sense at all. Bago siya ma-in love, mas gusto muna niyang maka-recover ito. Hindi man ito makatagpo ng bagong mamahalin sa biyahe nilang iyon, sana man lang ay bumalik na ito sa normal. Dahil kapag wala itong lovelife, buhay niya ang pinakikialaman nito. And for the record, palpak talaga itong mag-matchmake. Ayaw niyang mabiktima ng matchmaking nito.