“Why so hot, Oppa Jin Woo? ‘Yung mga titig mo sa akin kanina parang nakakatunaw,” kinikilig na sabi ng pinsan ni Yana na si Yulia habang kinakaskas ang screen ng cellphone nito. Wallpaper nito ang supervisor at boss niya na si Lee Jin Woo na isang half-Korean na mas masungit pa kay Go Jun Pyo ng Boys Over Flower pero kasing guwapo naman ni Lee Dong Wook.
“Kinikilig ka pa samantalang imbyerna na nga sa iyo. Para kang stalker. Nakatanghod ka lang lagi sa lobby at nag-aabang sa kanya. Pati trabaho ko nadadamay sa iyo,” reklamo ni Yana at sumimsim ng iced tea. “Mag-security guard ka na nga lang doon.”
English instructor siya ng mga stay-in Korean students sa English tutorial school sa Pampanga. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa naturang paaralan na nagsimula noong estudyante pa lang siya sa college. Ngayon ay ilang buwan na siyang graduate at nabigyan siya ng mas maraming load sa naturang paaralan dahil full-time na siya. Mabait at maunawain ang Korean na may-ari na si Miss Mi Su. Pero nasa Seoul ito at nagpapagamot sa sakit kaya ang apo nitong si Gideon Lee na may Korean name na Lee Jin Woo. Jin Woo ang tawag dito ng marami pero mas gusto niya na tawagin itong Gideon o Sir Gideon.
“Ano pa ba ang kulang sa akin? Bakit di niya ako magawang mahalin?” nanghahaba ang nguso na tanong ng pinsan.
“Baka mas trip niya ang mga Koreana. Feeling ko lang.”
Kapag sa mga Korean na estudyante, kuntodo ngiti ito at malambing. Pero pagdating sa mga Pilipino, parang malamig ito. Ayaw ngumiti at laging pormal ang pakikitungo sa kanila. O baka naman sa kanya lang iyon. Para kasi sa mga kasamahan niya sa trabaho, mabait pa rin ang lalaki. Feeling tuloy niya, siya lang ang ayaw nito. Kaya kahit na crush niya si Jin Woo noong una, nagbago rin ang pananaw niya dito. Aanhin naman ang guwapo kung galit naman sa mundo?
“E bakit naman love na love ka ni Dong Uk?” tukoy ng pinsan sa nobyo niya. “Kung sino pa ‘yung buong Koreano, siya pa ang nagmamahal nang wagas. ‘Yung may lahing Pinoy, siya pa ang deadma sa ganda ko.”
“Siyempre iba si Dong Uk. Di naman pwedeng pare-pareho ang mga tao. Maswerte talaga ako sa kanya.”
Kinikilig siyang ngumiti nang mabanggit ang nobyo. Mag-iisang taon na itong estudyante ng I Love English tutorial at siya ang naatasang magturo dito. He looked ordinary as a Korean. Pero mabait ito at malambing. Noong una ay di niya masyadong ine-entertain ang panliligaw nito sa kanya. Siya kasi ang insructor nito at bawal ang relasyon sa estudyante at sa teacher. Anim na buwan itong nanligaw. Sinusundo siya nito sa school kapag wala siyang klase. Maging pamilya niya ay nililigawan nito. Gentleman din ito.
Nang maka-graduate siya ay saka niya ito sinagot. Hindi na siya ang instructor nito noon. Noong una ay ayaw pa ni Jin Woo na bitawan niya ang posisyon niya bilang teacher ni Dong Uk. Pero ibig ding sabihin ay di sila maaring magkarelasyon. Mabuti na lang at may approval ang lola ni Jin Woo na si Mi Su na di na siya ang naging instructor ng nobyo. Kinikillig pa nga ito para sa kanila.
Matangkad, maputla ang balat, may kapayatan, singkit ang mga mata at wavy ang buhok ni Dong Uk na kulay orange. Kantiyaw sa kanya ay mukha daw itong batang hamog na Koreano. Wala siyang pakialam kahit di ito kasing guwapo ni Gideon o ng mga bida sa Korean drama. Mabait si Dong Uk sa kanya. Kasundo din nito ang pamilya niya. Nauunawaan nito na sa buhay niya ngayon, pamilya niya ang priority niya. Na may responsibilidad siya sa mga ito.
“Isasama ka daw ba ni Dong Uk sa Korea pag-alis niya? Next month na ang balik niya sa Jeju Island,” paalala ng pinsan.
Parang hinipang kandila ang saya sa puso ni Yana. Patapos na ang isang taong pag-aaral nito at itutuloy na nito ang pag-aaral sa Korea. Gusto nitong makatulong sa pamamahala sa negosyo ng magulang nito at magkaroon ng sariling negosyo balang-araw. Alam niya na di na magiging madali ang pagbalik nito sa Pilipinas. Kung tutuusin ay nag-extend na ito nang anim na buwan dahil sa kanya.
Nanghaba ang nguso niya. “Hindi pa namin napag-uusapan. Ayoko sanang pag-usapan.”
“Naku! Linawin mo na iyan ngayon pa lang para malaman mo kung may patutunguhan ang relasyon n’yo. Kung di ka lang din naman niya isasama sa Korea, ibig sabihin wala kang future sa kanya.”
“Saka na natin pag-usapan iyan kung may offer siya na isama ako.”
“Basta huwag ka na lang masyadong umasa. Baka pagbalik niya ng Korea, mahirapan ka na. Iba kapag long distance relationship. Mas maraming tukso na umaaligid. Saka mas gusto ng mga matatandang Korean na kapwa-Korean din ang mapangasawa ng mga anak nila.”
Matabang siyang ngumiti. “Nood ka nang nood ng Koreanovela. “Pupuntahan ko na nga si Dong Uk. Naghihintay na ng hopia iyon.”
Direksyon agad ng pantry ang pinuntahan niya pagpasok. Doon nagmimiryenda ang mga estudyante at empleyado ng school para di na umuwi pa sa dormitoryo. Pwede din silang magluto doon. Breaktime na ng nobyo at may fifteen minutes pa sila para mag-usapan bago ang susunod niyang estudyante. Ayaw niyang masira ang mood dahil sa posibilidad ng pag-alis nito. Ayaw niya ng masyadong seryosong usapan. Gusto niya masaya lang. Iyon ang nagustuhan sa kanya ni Dong Uk dahil nakakalimutan nito ang problema at pagka-homesick kapag magkasama sila.
“Filipinas are high maintenance, Dong Uk. They are not much better than Koreans.” Natigilan ni Yana nang marinig ang sinabi ni Gideon Lee. Ngayon lang niya ito narinig na magsalita tungkol sa mga Filipina tapos negatibo pa. Para namang hindi Filipina ang nanay nito.
“Yana is not like that. She is the thriftiest woman I know. She is not materialistic and she is very independent. She never asked me for money. She’s trying her best to work hard for her family. She is very loyal, hyung” Dong Uk defended to his friend whom he treated as his older brother as well..
“That’s the point, Dong Uk. You marry her, you marry her whole family. You have to provide for the whole clan. That is worse than paying for your Korean girlfriend’s plastic surgery. She’ll treat you as her ATM machine.”
Excuse me! Muntik nang mapasugod si Yana at hampasin ng isang box na hopia sa mukha si Gideon. Sa dinami-dami ng papuri ng nobyo sa kanya, nagagawa nitong I-twist? Ano ngayon kung tumutulong sa pamilya? Lahat naman siguro ng tao ay ganoon. Di lang mga Filipina. Pinigilan lang niya ang sarili na maghurumentado dahil si Gideon ang boss niya at nagbibigay ng sweldo niya. Kaya pumikit na lang siya habang tinitiis ang lumalabas sa bibig nito.
Pinagtawanan lang ni Dong Uk ang lalaki. “You are exaggerating. And besides, what’s wrong with helping family?”
“Life is hard as it is, Dong Uk. You are still a student. You don’t have a job yet. You can’t even take care of yourself. And you want to provide for her whole family?” Pagkakataon naman ni Gideon na tumawa ngayon. “Come on.”
“Nanun gunyeorul saranghaeyo. I really love her. You will never understand because you had never loved before.”
Take that! Buti nga sa iyo! Barado si Gideon sa nobyo niya. Magaling ang itong makipag-fling sa babae pero walang tumatagal. Kaya naman wala itong alam tungkol sa pakikipagrelasyon at sakripisyo ng nagmamahalan.
Magaang tinapik ni Gideon ang mesa. “Yeah! So, romantic love is not my cup of tea, but I am well aware of reponsibility. But can you really keep Yana and provide for her? Life is not easy here.”
“I will bring her to Korea,” puno ng kumbiksyon na sabi ng noyo.
“She will spend all her money to her family, not for you. Wait ‘til reality bites you. Let’s see if you can cope. And if you can’t give her money anymore, she will leave you. Remember that.”
Nilakasan na ni Yana ang loob ng pumasok sa pantry bago may masabi na di maganda si Gideon at mapatulan niya ito. “Anneong hasaeyo! Here’s your hopia,” anunsiyo niya at inilapag ang kahon ng hopia sa harap ng nobyo.
“Gomawo, nae sarang.” Kinilig si Yana nang magpasalamat ang nobyo at ginamit pa nito ang endearment na nae sarang o my beloved. “What’s with the look, Gideon? Are you jealous because I have a loving and caring girlfriend and you don’t?” pang-aasar ni Dong Uk dito.
Naramdaman ni Yana ang matiim na tingin ni Gideon sa kanya. Problema na naman nito sa kanya? Baka guilty o kaya ay tinatantiya nito kung narinig niya ang sinasabi nitong paninira sa mga Filipina gaya niya.
“Mr. Lee, gusto mo ng hopia?” alok niya. Hopiang may amag kaya ipakain ko sa iyo?
“No. I don’t like it and I am not jealous.” Padarag itong tumayo ng upuan at saka nagdadabog na lumabas ng pantry.
Humalakhak si Dong Uk. “Definitely jealous.”
Mukhang guilty si Gideon. Matagal na niyang tinitiis ang malamig na trato nito sa kanya. Pero di na niya ito palalampasin sa pagkakataong ito. Kung iniisip nito na kilala na siya nito, pwes, magpapakilala na siya.

