Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
SKYE'S POV First day of school! Ngayon mag sisimula ang transformation ko from goddess to nerd. Lahat ng pang nerd outfits binili ko na para sa three months na pagpapanggap ko. Nag ayos na ako-- oh scratch that, nag papangit na ako ng mukha ko. Nilagay ko na ang fake na kilay ko para mag mukhang makapal ito. Isinuot ko narin ang malaking salamin ko sa mata at nag suot ng pang manang na outfit. Long skirt para matakpan ang legs ko at loose tshirt. Pag tingin ko sa salamin, gusto kong matakot sa nakikita ko. Ang pangit ko tingnan at halos hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa make over ko ngayon. Isa lang ang sigurado ko, mukhang convincing ang ichura ko. Pagbaba ko, nandun na ang parents ko sa table at kumakain na. " Good morning dad, mom! " Nag-angat ng tingin si daddy at napanganga sa ichura ko. " What did you do to yourself Francesca? " Napangiwi ako sa tawag ni daddy sa akin. One thing that i hate is when someone call me with my full name. Kapag buo ang pangalan ko na tinawag ni daddy that only means na hindi maganda ang ginawa ko. " Dad, I called it my new makeover. " Napailing nalang si daddy at hindi na nagsalita pagkatapos. Napatingin naman si mommy sa gawi ko at lumuwa talaga ang mga mata niya nung makita ako. " Oh my God! What have you done Skye? Why are you wearing that kind of outfit? " Napatutop pa sa bibig si mommy. Natatawa ako sa mga reaksyon nila. Parang hindi sila makapaniwala sa nakikita nilang pag babago ko. Well, my mom knew that I hate these kind of outfits. All my wardrobes are new and updated. Kung anu ang uso ngayon, i'll make sure that I have that also in my closet. At ang pinaka hate ko sa lahat ang pagiging baduy or nerd. Kaya for a change, ito ang naging challenge ko; ang maging nerd for three months. " Mom, ito 'yong challenge nila Abby at Ayana sa akin, ang maging nerd sa loob ng three months. " Paliwanag ko kay mommy. Biglang tumawa si mommy at halos napapaiyak na siya sa kakatawa. Napasimangot naman ako dahil alam kong pinagtatawanan niya ako dahil sa ayos ko. Bakit pa kasi nauso ang challenge? Pati ako hindi nakawala sa challenge na'to. Wait, ako nga pala ang nagpauso nito. Shet! " Mom, I have to go now. Baka malate pa ako, first day pa naman at first day ng pagiging nerd ko. " Ngayon palang kinikilabutan na ako. Parang gusto ko ng mag back out sa challenge na'to at ibigay nalang kay Ayana at Abby ang kotse ko. Yup, kotse ko ang kapalit kapag hindi ko ginawa ang dare nila. " Okay iha, good luck on your first day. For sure maraming mambubully sa'yo. Well, I know you can take care of yourself. Bye! " Natatawa parin si mommy sa ichura ko pero halatang nagpipigil lang siya. Si daddy naman napailing nalang sa kalokohan ko. " Hey dad, are you mad? I'm going now! Bye! " Humalik na ako sa kanilang dalawa ngunit bago pa ako makahakbang nagsalita si daddy. " Skye, are you sure about that outfit? Ayaw mo ba talagang mag palit ng ibang damit 'yung usual na sinusuot mo? " Umiling ako kay daddy, alam ko ayaw niyang ipahiya ko ang sarili ko but i already decided and accepted the challenge. " All is good dad, don't worry i'll be fine. " Ngumiti ako sa kanila at lumabas na ng bahay. SCHOOL.. Pagkababa ko palang ng kotse ko tinginan na lahat ng mga estudyante sa akin. Halatang nandidiri sila sa suot ko, well ako din naman nandidiri sa suot ko pero kailangan kong gawin ito. Ayokong masabihan nila Abby at Ayana na walang word of honor dahil hindi ako tumupad sa dare. Three months lang naman and after that pwede na akong bumalik sa tunay kong anyo. Plus, sa school lang naman ako magpapanggap na nerd but outside school premises pwede na akong maging Skye. Ang goddess na si Skye not this nerd Francesca. " Hello Abby? Saan kayo? " Tanong ko sa kabilang linya. Naririnig ko pang nagsasalita si Ayana pero pinatahimik siya ni Abby. " Papasok na kami sa loob ng school. Where are you? " -Abby " Nandito na sa parking lot ng school, i'll wait here. " May sinasabi si Ayana kay Abby pero hindi ko narinig masyado. " Skye, 'yong dare namin sa'yo ginawa mo ba? 'Yon pala ang sinabi ni Ayana sa kanya, ang tungkol sa dare. Ako pa ba? Wala akong inuurungan kaya nga ako pumayag sa dare na'to kahit na ayaw ko sa dare nila sa akin. " Get here and you'll see. Bye! " Hindi ko na siya pinasagot at agad ko ng ibinaba ang call. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at halos lahat ng mga estudyante dito kontodo make up at wala akong makikita na nerd dito maliban sa akin. " Ouch! " May bumangga sa balikat ko kaya napalingon ako sa bumangga sa akin. Babaeng mukhang clown dahil sa kapal ng make up na inilagay sa mukha. Tinaasan niya ako ng kilay niya. Aba, wag na wag niya akong mataas taasan ng kilay dahil mas mataas ang kilay ko sa kanya. " Oh bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda? Kung makatingin ka sa akin para mo na akong lalamunin. " Pagtataray niya sa akin. Biglang nag panting ang tenga ko sa pagtataray niya sa akin. Ako? Ang leader ng Ace Goddess tinatarayan lang ng mukhang clown na'to? Masampolan nga ng totoong kamalditahan ko. Total naman wala naman sa rules ng dare na bawal akong mag taray. " 'Yang mukhang 'yan maganda na sa'yo? Hahaha.. Joke ba 'yan? " Tumawa naman siya ng malakas dahil sa sinabi ko. " Anong nakakatawa? " Angil ko sa kanya, mamatay ka sana sa kakatawa diyan. " Nakakatawa ba kamu? Ang ichura mo. Parang ayaw mo pang maniwala na maganda ako to think na isa ka lang nerd at ang pangit mo. " Tumawa naman siya ng malakas. Shit! Oo nga pala, nerd ako sa school and I forgot na hindi ko pala tunay na anyo ang nakikita nila. " Ang tunay na kagandahan wala 'yan sa pang labas na anyo. Beauty means, goodness from your heart. Just because I'm not good looking doesn't mean I am not beautiful, my beauty comes from within. Hindi kagaya mo na maganda lang dahil sa make up. Magpasalamat ka sa make up dahil gumanda ka, fake nga lang. " Ngumisi ako sa kanya at akmang sasampalin niya ako pero may humawak sa kamay niya kaya hindi niya natuloy ang gagawin niyang pag sampal sana. Tumingin ako sa taong 'yon, walang iba kundi si Abby. " If I were you, hinding hindi ko gagawin 'yan sa kanya. You don't know who you're messing with. Leave before I do something that you will never forget in your entire life. " Pa cool lang si Abby pero pag ganyan siya alam kong matinding pagpipigil ang ginagawa niya sa kanyang sarili. I've known her since childhood kaya alam ko kung paano siya magalit. " Papalampasin ko ito ngayon but next time that our path will cross again, I'll make sure that you'll gonna pay for it. " Ngumisi siya at umalis. I'm not scared of her anyway. Wala akong kinakatakotan mas ako pa nga ang kinakatakotan eh. " Hey, are you okay? " Untag ni Abby sa akin. Tinitigan niya ako from head to toe sabay tumawa. " What's funny? Why are you laughing? " Sanay na ako sa kanila. 'Yong ugali nilang mapanlait sanay na ako dun kasi isa din ako sa kanila. But now I can't do that, sa ichura kong kalait lait pakiramdam ko wala akong karapatan na manglait ngayon. " You look horrible! But infairness to you, mas convincing ang ichura mo ngayon. Everyone who will see you now will think that you're really a nerd. Kahit ako na convinced mong nerd ka talaga! Geez! " Tumawa pa si Ayana. Hinila naman ni Abby ang buhok ni Ayana to stop her from laughing at me. " I know right?! " At lumakad na ako para hanapin ang classroom ko. Hindi kami magkaklaseng tatlo dahil napunta ako sa section one at sila Abby at Ayana naman sa section two. Ganun talaga kapag matalino, umaangat sa nakararami. " Girls, mauuna na ako since classmate naman kayong dalawa. Ciao! " Tumalikod na ako at pumasok na sa room ko. Pagkapasok ko palang nagsitinginan ang mga classmates ko sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Alam kong maganda ako pero rude po ang pagtitig ng matagal sa akin. Biglang may tumikhim sa likuran ko. " Ehem! Excuse me miss, pwede bang dumaan? Hindi kasi ako makapasok dahil nakaharang ka sa daanan ko. " Akala ko naman ako ang tinitigan nila 'yun pala ang tao sa likuran ko. Lumingon ako sa nag salita at napaawang ang bibig ko sa nakita ko. Ang gwapo niya, para siyang anghel na bumaba sa lupa. Mala greek god na pangangatawan at boses na makapanindig balahibo. Oh my, first time kong ma starstruck sa isang gwapong nilalang. Hindi ako sanay na ma-attract sa mga boys kasi most of the time ang mga boys ang naattract sa akin. That's a total turn off for me. " Close your mouth. Baka pasukan ng langaw eh. " Hindi ko alam na literal pa lang naka nganga ako kaya itinikom ko ang bibig ko. Nilagpasan ako ng lalaking kaharap ko at nilingon pa niya ako sabay smirk. Shet! Gwapo sana kaso mukhang mayabang. Nakatayo pa rin ako sa pinto at nakita kong may sinabi 'yung guy na 'yon sa mga classmates ko na hindi ko naman narinig at kasabay nun nagtawanan silang lahat. " Hoy nerd, tatayo ka na lang ba diyan? Baka gusto mong umupo naman? " Narinig kong sigaw ng lalake na katabi nung gwapong nilalang kanina. Agad naman akong nag hanap ng mauupuan ko at dahil puno na sa harapan kaya sa likod ako napaupo. Bwiset, kung hindi lang sana ako naka ayos ng pang nerd baka kanina pa nagkakandarapa ang mga boys dito sa room namin. Kinuha ko na lang ang phone ko at inilagay ang headset at nakinig na lang ako ng music. Deadma na ako sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko namalayan na dumating na pala ang teacher namin kaya nagulat pa ako nung tanggalin niya ang headset ko. " Okay class, first day of school and since some of you are new here, I want you all to introduce yourself in front. We'll start from the back. You start miss. " She pointed at me. Tumayo ako ng nakataas ang noo, hindi porke't isa na akong nerd ay mababawasan na ang self confidence ko. Nung nasa gitna na ako sinabi ko lang ang pangalan ko. " My name is Francesca Salvatore, 19 years old. " Tumingin ako sa kanilang lahat at bumalik na sa upuan ko. Ganun ang pagpapakilala ng tunay na goddess hindi 'yong sinabi na ang buong detalye ng buhay niya. Sabi ng teacher namin introduce yourself hindi naman sinabi na sabihin ang biography ng mga students. Halos lahat kasi ng mga classmates ko na girls sinabi na ang buong detalye ng buhay nila. Like as if we care. " Zachary Collins here, 20 years old. " Tumingin siya sa akin at kumindat. So, siya pala si Zach Collins? I've heard a lot about him but I never met him in person not until today. Pareho kasi kaming popular and once that you're popular para ka ng celebrity. Umupo na si Zach sa upuan niya at nag start ng mag bigay ng mga tagubilin ang prof namin. Wala naman masyadong diniscuss since sa monday pa talaga ang start ng regular classes. Napatingin na lang ako sa kawalan dahil nakakairita ang kalandian ng mga classmates kong babae. Not so goddess attitude. Ang tunay na diyosa hindi binibuild up ang sarili sa ibang tao, mismong ang ibang tao ang nagbibuild up sa'yo.