Prologue

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
About the series: The Last Will series is a series about the last will of the late Judith de Guzman---a well known and very successful business woman in the Philippines. She was not married nor had children of her own. Thus, her estate will be given to her five nephews/niece: Christien, Rolf, Blaise, Allain and Agnes. Judith de Guzman was the one who raised her newphews/niece since their parents died. Some of them were close to her. Another factor why she did not thought of getting her own family because the five seems to be her children and own family. But in order to fully have the estate, Judith de Guzman made provisions/stipulations in her last will and testament that will change their lives. There were other characters that are included in the last will. One example is Emerald, Christien’s estranged wife. BOOK 1: HALF A HEART “MABUTI naman at lahat kayo ay nakadalo.” Mayroong himig ng galak pero walang kangiti-ngiting wika ni Attorney Denver Morales sa anim na taong nasa malaking library ng mansion ni Judith de Guzman. Walang kahit isa, kahit si Emerald ang sumagot sa abogado ng pamilya. Wala siyang dahilan na ngumiti---sila. Lahat silang nasa loob ng kuwarto ay nagluliksa sa pagmamay-ari ng bahay. Hindi man kadugo ay naging malapit si Emerald kay Judith de Guzman. Kung hindi dahil rito, malamang ay hindi niya tinatamasa ang ginhawa ng buhay sa ngayon. Wala rin siya sa loob ng kuwarto na iyon. Malaki ang itinulong sa kanya ng namayapang negosyante. Nineteen years old si Emerald nang malugi ang negosyo ng ama niya. Dahil matagal-tagal rin na ginusto nitong isalba ang negosyo, nagkaroon ito ng maraming utang. Pero sa kabila ng kagustuhan ay bumagsak pa rin iyon kaya mas lalo silang nahirapan sa buhay. Para mabayaran ang mga naging utang, kinailangan nilang ibenta ang bahay na minana pa nila mula sa kanilang mga ninuno. Si Judith de Guzman ang nakabili ng bahay. Ito ang masasabi niyang tumulong sa kanila. Nirespeto rin nito ang desisyon nila na sana ay huwag sirain ang kagandahan noon. Mukha ngang kaya lang talaga nito binili iyon ay para tulungan sila. Wala itong kahit anong ginawa sa bahay at madalas pa nga na sinasabi nitong kung gusto nila ay maaari silang bumisita roon. Naging mabait nito sa kanilang pamilya---lalo na sa kanya. Nang dahil sa babae kaya naggawa niyang tapusin ang kurso niya. Utang ni Emerald ang kung ano siya ngayon kay Tita Judith. Dahil naging malaki ang utang, lahat ng nakuha nila mula sa pagbebenta ng pagbabahay at iba pang ari-arian ay napunta lang sa pagbayad noon. Hindi rin makapagtrabaho ang kanyang ama dahil sobra itong nalungkot sa nangyari. Bata pa siya ng mamatay ang kanyang ina at nag-iisa siyang anak. Wala silang malalapit na kamag-anak na maaaring tumulong sa kanya at sa ama. Kaya si Emerald mismo ang kailangang kumayod. Magaling si Emerald sa akademiya at kandidato pa siya bilang cumlaude noon kaya ang isipin na hindi niya matatapos ang pag-aaral para suportahan ang sarili at ama ay naging mahirap para sa kanya. Pero pinadali ni Judith de Guzman ang kanyang buhay. Ito ang sumuporta sa kanya hanggang sa maggawa niyang makatapos. Binigyan rin siya nito ng part-time job sa isa sa mga kompanya nito para magkaroon rin siya ng ibang bagay na pangsuporta sa sarili at pati na rin sa pangangailan ng kanyang ama. Naging malapit rin nila Emerald at Judith de Guzman sa isa’t isa. Kagaya ng limang naiwang pamangkin nito ay halos ina na rin ang turing niya rito. Bukod kasi sa pag-aaral, binigyan pa siya nito ng magandang trabaho sa isa sa mga kompanya nito. Naging maginhawa ang buhay niya dahil rito. Isa siya sa mga naging matindi ang lungkot sa pagkawala nito dahil sa sakit na cancer na ilang buwan lamang nang matuklasan ay kaagad ng kinuha ang buhay nito. Mabait ito sa kanya kahit masasabi niyang hindi niya nasuklian nang maganda ang lahat ng ibinigay nito sa kanya. Nagkulang siya. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang naging hindi nila magandang pagsasama ng panganay na pamangkin nitong si Christien. Hindi rin nito nagustuhan na hindi niya naibigay ang matagal ng inaantay nitong masasabing apo. Kaya naman nagulat si Emerald nang kasali siya sa mga pamamanahan ng babae. Matagal-tagal rin siyang hindi nagpakita sa babae. Inabot ng taon. Kahit na ba sinubukan niyang puntahan ito sa mga natitirang araw nito sa buhay ay kulang pa rin iyon. Dapat ay inalagaan niya ito kagaya ng ginawa nito sa kanya kahit hindi naman sila magkadugo. Dapat ay sinikap niyang ayusin ang relasyon nila ni Christien---kagaya ng palaging hiling nito sa kanya. Sinimulang basahin ng abogado ang last will. Naunang basahan ang limang pamangkin at pagkatapos ay siya. “Para naman sa `yo, Emerald de Guzman---“ muntik ng mapangiwi si Emerald sa sinabi ng abogado. Matagal-tagal na rin nang marinig niyang tawagin siya sa ganoong apelyido. Simula nang hindi umayon ang relasyon nila ni Christien ay ang dating apelyido na niya ang ginagamit niya. Pero sa kabila ng lahat ay kasal pa rin sila ni Christien at nasa poder siya ng pamilya nito. Nararapat lang na tawagin siya ng abogado mula sa ganoong apelyido. “Judith left you a small farm in Batangas and the ancestral house that once belong in your family. Napakurap pa si Emerald sa mga narinig. Sa kabila ng mga nangyari, gusto niya pa rin na maibalik sa kanila ang ancestral house. Iyon nga lamang, hindi siya binigyan ng senyales ng matanda na puwede nito iyong ipagbili sa kanya. Naalala rin kasi niya nang minsang sabihin iyon ni Christien rito ay hindi ito pumayag na ibalik iyon sa kanya. Hindi inaasahan ni Emerald ang nangyari. Pero nakaramdam siya ng saya. Malaking bagay para sa kanya ang maibalik ang ancestral house. Alam rin niya na makakatulong iyon sa ama. Maayos na ang buhay nila ngayon, maayos na rin ito. Pero palagi nitong idinadaing sa kanya na gusto pa rin nito na maibalik ang dating bahay. Tumikhim ang abogado. “Ngayon ay nasabi ko na ang lahat ng ibibigay sa inyo ni Miss de Guzman. Pero hindi ibig sabihin noon ay sa inyo na ang lahat ng iyon. There were terms---“ “What do you mean? May stipulations sa last will?” nakakunot ang noo ng pumapangalawa sa magkakapatid na si Rolf. Tumango ang abogado. “Kung ganoon, ano iyon?” ang pangatlong si Blaise ang naglakas ng loob na nagtanong. Si Emerald, si Christien, ang pang-apat na si Allain at ang bunsong si Agnes ay hindi na nagsalita. Pero siya, ang dating asawa at si Allain ay pawang mga nakakunot ang noo. Samantalang si Agnes ay walang kainte-interes. Mahahalata rin ang pagka-bored nito sa loob ng kuwarto. “I find some stipulations to be confidential so if you please, gusto ko sana kayong kausapin isa-isa tungkol roon. Tumayo agad si Agnes. “Fine. Tawagin mo na lang ako kapag oras ko na.” Lumabas na ito ng library. Nakita ni Emerald ang disgusto ng apat na nakakatandang kapatid na lalaki sa inasal ng bunso. Si Agnes ang tipikal na spoiled brat na babae, palibhasa ay bunso. May mga hindi rin kagandahang ugali ito na ipinakita nito sa ngayon. Tumingin ang abogado kay Christien at kay Emerald. “Christien and Emerald, kayo muna ang uunahin ko. Kumunot ang noo ni Emerald. “Pero sinabi niyo na gusto niyo kaming kausapin ng isa-isa...? Sa halip na sagutin ng abogado ay sinenyasan nito ang mga natitirang lalaki sa loob na lumabas muna. Naiwan silang tatlo sa loob. Lumipat rin ng upuan si Christien para hindi magmukhang awkward ang pag-uusap. Tumabi ito sa kanya. Nakaramdam ng matinding tensyon si Emerald. Hindi niya gustong matira sila ni Christien sa iisang kuwarto. Sa kabila man kasi ng pagpipigil niya ay nahirapan siyang hawakan ang unti-unting lumalabas na damdamin sa kanya. Tila nanghihina siya sa simpleng pagkakalapit lamang nila. Tila sumisikip rin ang lugar. Pinapabangon sa kanya ni Christien ang mga emosyon na hindi na niya gustong maramdaman muli. Napatunayan na niyang mali ang mga iyon at masasaktan lang siya kung hahayaan niya ang sarili na maramdaman muli iyon. “Kaya ko kayo pinaiwan sa kuwartong ito ay dahil magka-konekta ang stipulation na ibinigay ni Miss de Guzman sa inyo. Bukod sa paglakas ng tibok ng puso dahil nasa malapit lang si Christien ay sumama na rin ang kaba roon. Tila nahihilo yata siya sa isipin na iyon. Kung magka-konekta iyon ay maaaring magkalapit sila ni Christien. Hindi niya gustong mangyari iyon. Sabi niya sa sarili niya na naka-move on na siya sa pagsasama nila. Pero kung talagang naka-move on na siya, bakit tila isang big deal sa kanya ang lahat ng ito? “Sino sa inyo ang gustong una na makaalam? Naramdaman ni Emerald na tumingin sa kanya si Christien. Pero pinigilan niya ang sarili niya na huwag salubungin iyon. Lalo lang titindi ang maling nararamdaman niya. Kahinaan niya ang pagtingin lamang nito ng tingin sa kanya. “A-ako na lang po muna.” Pagboboluntaryo ni Emerald. Tumango ang abogado. Pero bago tuluyang sabihin ang laman ay pinaglipat-lipat muna nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Christien. “It states here that you could only have the properties if you stay in your marriage with Christien for a year. And its not just staying on name. Kailangan mo rin na tumira kasama ang asawa mo sa dati niyong bahay sa buong taong iyon. Napaawang ang mga labi ni Emerlad. Kulang ang mga salitang nagulat para i-describe ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Ipinagpatuloy ng abogado ang pagbabasa ng dokumento. Tumingin ito kay Christien. "And to you, Christien, you need to provide an heir under your marriage.” Simpleng wika lamang ng abogado na tila ba napakasimpleng bagay lamang noon. Namutla si Emerald. Parang kaunting sandali na lang ay bibigay na siya sa narinig. Nakita rin niya ang sarili na umiiyak at sumisigaw pagkatapos ng pagbabasa. NAGGISING si Emerald sa hindi pamilyar na kuwarto. Tila nasa ospital siya. Pero hindi na siya nagtaka kung bakit. Malabo man ang kanyang alaala pagkatapos ng pagbabasa ng last will ni Tita Judith ay malinaw pa rin para sa kanya ang huling mga nangyari. Naghisterya siya. Malamang dahil roon ay dinala siya sa ospital at nakatulog o `di kaya ay nawalan na ng malay pagkatapos ng mangyari. Hindi niya masisisi ang katawan niya sa nangyari. Mahirap i-proseso sa utak niya ang mga narinig. Ang mangyari nga ang stipulation sa kanya ay tiyak na mahihirapan siya. Eh ano pa ang kay Christien na masasabing kailangan siya? Imposible iyon. Naramdaman muli ni Emerald ang mga sakit. Hindi naman niya masisisi si Tita Judith na ginawa nito iyon. Gusto siya nito para kay Christien. Isa ito sa mga umaasa na maayos nila ang relasyon nila. Pero sana man lang ay maisip nito na may mga bagay na imposible ng mangyari. Pinigilan ni Emerald ang damdamin. Gusto man niyang makuha muli ang ancestral house, kung ganoon rin naman ang kondisyon ay hindi na lang siguro. Hindi na niya gustong pagdaanan muli ang dati. Tinignan ni Emerald ang buong kuwarto. Napansin niyang nakatingin na pala sa kanya ang ama na nakita niyang nag-iisa sa loob ng kuwarto. Nagsalita lang ito nang maagaw ang atensyon niya. “Anong pakiramdam mo, anak? Pinag-alala mo ako. Pagkatapos ng pinagdaanang hirap ng ama nang mawala ang negosyo ay naka-move on rin naman ito. Nang makatapos siya sa pag-aaral ay naging maayos na ito. Sa mga kinita niya at ibinigay sa ama ay nagtayo muli ito ng bagong negosyo---isang grocery store malapit sa bahay nila sa Marikina. Maliit lang iyon kung ipagkukumpara sa dati nilang negosyo ay nakikita naman niya na masaya ang ama tungkol roon. Sa ngayon ay maganda ang kita ng grocery store. “Maayos-ayos na naman po.” Tinignan niya ang paligid. “Naka-confine ba ako, Papa? Bakit kailangan pa iyon? “Pinilit ni Christien na i-confine ka pa rin sa kabila ng sabi ng Doctor na magiging maayos ka na rin naman kung iuuwi ka sa bahay. Pero okay lang iyon. Mas mabuti nga iyon. Mas maalagaan ka rito. Masyado mo akong pinag-alala. Kami. Tama lang na kahit papaano ay makapagpahinga ka. Makapagpahinga sa isang ospital? Hindi sa tingin ni Emerald. Pinapaaalala lang noon ang isang masakit na pangyayari. “Gusto ko na sanang umuwi, Papa... “Malalim na ang gabi, anak. Naging matagal ang pagkawala mo ng malay. Nakatulog ka. Mas maigi ng palipasin muna natin ang gabi bago ka umuwi... Wala ng naggawa si Emerald. May punto ang kanyang ama. Inanyayahan siya nitong kumain at pumayag siya. Halos subuan pa siya ng ama at hindi naman niya masisisi ito. Concern lang ito sa kanya at ayaw siyang mahirapan, lalo na sa lagay niya ngayon. Sinimulan ni Emerald ang pagtatanong nang ibang detalye tungkol sa nangyari sa kanya nang makatapos kumain. “Si Christien ang nagdala sa `yo rito sa ospital. Ayon sa kuwento niya ay hindi ka raw tumigil sa pagsisigaw pagkatapos basahin ang last will and testament ni Judith. Pagkatapos raw noon ay nawalan ka ng malay. “M-may iba pa bang sinabi sa inyo si Christien? Tumango ang ama. “Natural ay nagtanong ako kung ano ba ang nangyari at nangyari iyon sa `yo. Sinabi niya sa akin ang nilalaman ng last will at ang mga kondisyon na kalakip noon... “Balewala na iyon, Papa. Hindi ko na gustong makuha ang ibinigay niya sa akin kung iyon ang magiging kapalit... Nagulo ang mukha ng kanyang ama. “Kung ganoon ay hahayaan mo na lang na mawala ang ancestral house? “Nakaya natin na wala iyon sa atin sa loob ng anim na taon. Sa tingin ko ay makakaya rin naman natin na mawala iyon sa mga susunod na taon. Nalungkot ang mukha ng ama. “Pero matagal ko ng ninanais na maipabalik iyon sa atin, Emerald... Hindi nagustuhan ni Emerald ang nakita at narinig. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. “Pakiramdam ko ay binigo ko ang mga ninuno natin nang ibenta ko iyon. Naging mahirap para sa akin ang ibenta iyon. Galing pa iyon sa mga ninuno ko. Umaasa sila na mapapanatili iyon sa pamilya pero dahil sa akin ay nawala iyon. “Ngayon ay may pag-asa na muling maipabalik iyon sa pamilya natin. Masaya ako na nagkaroon. Pero ngayong hindi mo naman gusto ay---“ “Naiintindihan ko kayo, Papa. Kahit ako ay gusto rin naman na maipabalik sa atin ang ancestral house. Pero alam niyo ang nangyari sa pagsasama namin ni Christien. Hindi ko na gustong bumalik muli roon. “Minsan kayong nagsama ng masaya ni Christien. Hindi nagsalita si Emerald. May punto naman ang sinabi ng kanyang ama. Minahal niya si Christien. Iyon nga lamang, nasobrahan siya ng pagmamahal kaya sobra rin siyang nasaktan nang malaman niyang hindi naman nito kayang tuparin ang lahat ng mga ipinangako nito sa kanya. In sickness and in health, till death do us part. Minsan siyang naniwala sa mga katagang iyon. Sinabi rin iyon sa kanya ni Christien. Ipinangako. Pero nang dumating sila sa puntong iyon ay pinabayaan siya nito. “Mas mahaba po ang itinagal na hindi kami masaya kaysa sa sinasabi niyong masayang panahon. “Minahal mo siya. Naniniwala ako na magiging mabilis lamang kung susubukan mo na gawin muli iyon.” Katwiran pa ng ama. Iyon na nga ang problema. Minahal niya nang husto si Christien at iyon ang pinakamalaking pagkakamali niya sa kanyang buhay. Kaya nasaktan siya nang husto at mas lalo lamang siyang mahihirapan kung susubukan muli niya. “Hindi ko na po sana gustong pag-usapan ang tungkol rito. Matamang tinitigan si Emerald ng ama. Pero maya-maya ay bumuntong-hininga rin. “Mali ako na i-discuss sa `yo ang mga bagay na ito. Pagod ka pa. Nasa isang hindi mabuting lagay. Magpahinga ka na muna, anak. Tinantanan na si Emerald ng ama. Pero hindi niya maggawang magpahinga. Patuloy pa rin na pumapasok sa kanyang isip ang mga nangyari kanina. Iyon nga lamang ay hindi kagaya noong una ay tila tinatanggap na iyon ng sarili niya. Masyado lang siguro siyang nagulat kanina kaya nakapag-histerya siya. Isama pa na dahil na rin sa nangyari, malamang ay may tinurok rin sa kanya para maging maayos ang kalagayan. Hangga’t maaari ay ayaw niya ng pag-usapan ang relasyon nila ni Christien, lalo na ang pagkakaroon ng anak. Nasasaktan siya. Masakit pa rin sa kanya ang mga pangyayari. Pero sa kabila man ng pagputol ng pag-uusap tungkol sa pangyayari, ramdam ni Emerald na mas magiging malala pa ang sakit. May pakiramdam siya na hindi siya titigilan ng lahat hangga’t hindi siya pumapayag. MAY KINAILANGANG importanteng aasikasuhin ang ama ni Emerald kinabukasan kaya hindi na siya nito naantay na makalabas ng ospital. Nauna na ito pero hindi naman siya nito lubos na pinabayaan. O masasabi niyang hindi siya lubos na pinabayaan ng nagdala sa kanya roon. Nakiusap kasi ang ama kay Christien na sana ay ito na ang sumama sa kanya sa paglabas o sa kung sino man na maaari kung hindi nito gusto o hindi ito puwede. Hindi niya sana gustong pumayag kung hindi lamang sinabi ni Christien na ipapasundo na lang siya nito sa driver nito. Dahil hindi pa ganoon masasabi ni Emerald na kaya na niya ang sarili sa lagay niya, pumayag na rin siya. Pagkatapos ng lahat, kilala rin niya ang driver ni Christien. Matagal na itong driver ng lalaki at naging malapit rin sila sa isa’t isa noong nagsasama pa sila ni Christien. Ito ang madalas sumusundo sa kanya kung hindi iyon nagagawa ng lalaki. May tiwala si Emerald sa driver kaya naggawa niyang matulog sa sasakyan pauwi ng bahay. Hindi rin kasi siya lubos na nakapagpahinga sa ospital. Bumawi siya ng tulog. Naging masarap rin ang tulog niya. Maayos ang pakiramdam niya nang maggising siya hanggang sa makita niya ang lugar kung nasaan siya. Hindi kagaya noong naggising siya sa ospital ay nanghula pa siya kung maaaring saan iyon. Pero hindi ngayon. Pamilyar sa kanya ang lugar. Pamilyar na pamilyar... Sa pangalawang pagkakataon ay nararamdaman ni Emerald na may chance na maghisterya muli siya. Lalo na nang makita ang isang lalaking nakatunghay sa kanya. “Napakatagal ng tulog mo. Natakot ako kaya nagdesisyon ako na bantayan ka. Si Christien iyon. Siya at ito sa iisang kuwarto---sa nag-iisang kuwarto ng bahay nila. “P-paano akong nakapunta rito? Sinabi ko kay Manong Diego na sa Marikina! Hindi---“ Nilapitan siya ni Christien. Hinawakan pa nito ang balikat niya. “Una sa lahat, mag-relax ka muna. Magiging mahirap iyon. Una ay dahil sa nalaman. Pangalawa ay dahil sa hawak siya ni Christien. Bumabangon na naman ang mga maling damdamin. Pero sinubukan ni Emerald na kalmahin ang sarili. Natakot kasi siya na baka kapag pinangunahan na naman siya ng damdamin niya ay dalhin na naman siya sa ospital. Hindi na niya gustong tumuntong pa muli roon. Tama na ang pagtitiis niya kahapon. Isa pa, kapag kumalma siya ay tatanggalin na ni Christien ang pagkakahawak sa kanya. May isang bahagi ng sarili niya na nagsasabing gusto niyang manatili ang hawak dahil kahit nakakatakot ang mga damdamin ay nanatili pa rin na masarap iyon. Pero mas pinili niyang sundin ang utak dahil iyon ang nagsasabi na mali. Hindi dapat siya pangunahan ng kanyang puso. “I-I’m fine. Puwede ka ng lumayo,” nang maramdaman ni Emerald na kaya na niya ang sarili ay naggawa niyang masabi. Pero hindi iyon ginawa ni Christien. Sa halip, kumunot ang noo nito. “Sa sitwasyon ngayon ay dapat naisip mo na magiging mahirap iyon. “Hindi ako pumayag sa last will and testament na iyon. To hell with the properties. “At hahayaan mo na lamang na maging malungkot ang ama mo dahil lang sa hindi mo na ako gustong makasama? Napaawang ang mga labi ni Emerald. Sandaling nagtaka siya pero naalala nga pala niya na nakausap nito ang kanyang ama para malaman rin nito kung ano ang nilalaman ng testament. Malamang ay hindi lang sa kanya nagsabi ng hinaing ang kanyang ama. “Matagal na tayong tapos, Christien. Sinalubong ni Christen ang kanyang mga mata. Kung pagsasalitain man siya nito, ramdam niya na hindi na iyon magiging kasing tatag ng huli niyang sinabi. Nanghihina na naman siya sa tingin nito. Naglihis siya ng tingin. Tumayo na rin siya ng kama. “Uuwi na ako. Wala akong habol sa mana na iyon. Mas mahalaga sa akin ang respeto ko sa sarili ko. “A-alam mo na importante rin sa akin ang law firm, Emerald. Noon lang narinig ni Emerald na naging basag ang boses ni Christien. Palibhasa ay panganay sa limang magkakapatid, taglay ni Christien ang ugali ng isang magaling na leader. Iyon nga lamang sa paraan na intimidating ito. Nakuha naman nito iyon sa tingin niya sa pagiging abogado nito. Isa si Christien sa masasabi ni Emerald na pinakamatapang na lalaking nakilala niya. Noon. Pero hindi masisisi ni Emerald kung bakit nagkakaganoon si Christien. Nararamdaman niya ang hirap nito. Ang law firm ang ipinamana rito ng namayapang tiyahin. Kahit masasabi na malaki ang naging ambag ni Christien roon, ang tiyahin pa rin nito ang nagsimula noon bilang isang CPA lawyer. Mahalaga para kay Christien ang law firm. Doon ito nagsimula. Malaki rin ang isinakripisyo nito para sa law firm. Iyon ang naging buhay nito. “Kung hindi ko kaya na tuparin ang provision sa akin, lalo naman na hindi ko kaya ang sa `yo, Christien. Sariwa pa rin sa akin ang lahat. Hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya. Hindi ko na siguro makakaya pang muli pagkatapos ng mga nangyari noon. I’m sorry. Inayos na ni Emerald ang sarili. Akmang palabas na siya ng pinto ng kuwarto nang magsalita muli si Christien. “Ayusin natin ang kasal na ito. “No. “Bakit hindi? Ni hindi man lang natin iyon binigyan ng second chance. Dahil kahit ni katiting ay wala akong senyales na nakuha mula sa `yo! Gustong isagot ni Emerald. Totoo naman iyon. Nag-antay siya na lumapit sa kanya si Christien at gawin nito ang mga tamang bagay pero wala siyang nakuha rito. Nag-antay rin siya na dahil sa mga ginawa ay annulment papers ang dumating sa kanya pero wala siyang nakuha rito. Hindi man sila nagsasama ay hindi rin naman sila annul. Pero kahit ganoon, hindi ibig sabihin noon ay puwede na niya itong bigyan ng second chance. Kaya lang naman niya hindi kinonsidera na opisyal na makipaghiwalay rito dahil nalaman niya na walang grounds para mangyari iyon. Isa pa, malaking pera rin ang kailangan para roon. Mayaman na siya kung maituturing pero sa tingin niya ay magiging kulang pa rin. Isama pa na magiging gulo rin ang lahat kapag nagkataon. “Dapat ay dati pa nating ginawa. You didn’t even care for me, Christien. Hindi sa nakalipas na taon. M-minsan nga ay ipinagtataka kung bakit hinayaan mo pa na manatili ang kasal natin ganoong wala na naman iyong kuwenta.” Sinubukang sabihin ni Emerald ganoong may hula na rin naman siya kung bakit. “How can I do that? Walang grounds para magkaroon tayo ng annulment. Isa pa, I care for you. Kung hindi kita pinahahalagahan, hindi ako mag-aaksaya ng panahon na dalhin ka pa sa ospital kahapon. “And what? Ang hayaan lang ako doon? Ni hindi ka nga nagpakita sa akin. “You’re hysterical. At alam ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit ako ganoon. Hindi makakatulong sa `yo kung magpapakita ako sa `yo sa mahinang sandali mo kaya nagdesisyon ako na hindi ka na lang bantayan. But I was there. Napakagat-labi si Emerald. “Fine, you were there. Pero malamang ay ginawa mo lang iyon dahil puwede ng magsimula ang provision. Tatlong taon na tayong hiwalay, Christien. Kung gusto mo lang na gawin ang mga ito dahil sa mana mo ay---“ Natigil sa pagsasalita si Emerald nang lumapit na naman sa kanya si Christien. Hinawakan pa nito ang kamay niya. “Kung ganoon ay gawin natin ito para sa provision mo. To hell with the law firm. Nanlaki ang mga mata ni Emerald. “Magagawa mo iyon? “The law firm is important to me. Pero mas naramdaman ko ang kahalagahan ng ancestral house niyo sa ama mo. “B-but that was very good of you to think of him, of me, instead of yourself. Kumunot ang noo ni Christien. “Sa pagkakatanda ko ay naging mabait ako sa `yo, Emerald. Kahit kailan ay hindi ko naisip na saktan ka. O kung naggawa ko man, hindi ko ginusto iyon. Hindi mo man ginusto pero naging napakalalim noon... wika ni Emerald sa isip-isip. Tama si Christien. Naging mabait naman ito sa kanya. Natatandaan niya pa noon na iniisip niyang isang perpektong relasyon ang mayroon sila ni Christien. Hindi sila nag-aaway. Lahat rin ng nais niya ay ibinibigay nito. Maganda ang pagsasama nila ni Christien noong una. Masaya sila, lalo na siya. Maayos ang lahat. Hanggang sa madiskubre nila na hindi pala sila matatag at magaling ni Christien sa paghawak ng problema at kalungkutan...