Goodbye my love

Jul 1, 2026
NovelAI Studio - Explore our Top 10,000+ Free Novels
Magdadapit hapon na at naroon pa rin sina Carlo at Alexa sakanilang paboritong tagpuan, paborito rin nilang pag masdan ang pag lubog ng araw. "This will be our last day together for now, and i'm going to start my life in the US pero hindi ibig sabihin non matatapos na rin kung anong mayroon saatin" malungkot na wika ni Carlo sa nobyang si Alexa. Batid niya na mahirap para sakanila parehas ang mga susunod na mangyayari, ngunit kailangan nilang magtiis hanggang sa parehas silang magtapos sa pag aaral, iyon kasi ang kasunduan ni Carlo at ng Mommy niya, pagka graduate sa kolehiyo ay malaya na siya sa lahat ng gusto niyang gawin sa buhay. Isang taon pa lamang silang magkasintahan pero pakiramdam nila parehas ay matagal na sila. Sa amerika mag papatuloy ng pag aaral si Carlo, pero nag kasundo sila na kahit magkalayo sila ay hindi sila maghihiwalay, para sa pangarap. "Mangako ka babe, Araw araw tayong mag tatawagan or kahit busy ka, huwag mo akong kalilimutang i chat" pakiusap ni Alexa na higit na mas malungkot. "of course babe, alam mong hindi buo ang araw ko kapag hindi tayo nag uusap" malambing na saad ni Carlo, sabay marahang hinagkan si Alexa sa noo. Nang makauwi si Carlo sa kanilang bahay, sinalubong agad siya ng kanyang mommy. "Oh, Iho, ok naba ang lahat ng gamit mo? ang mga pang ginaw mo, 'wag mong kalilimutan, alam kong ginawin ka" wika ng kanyang mommy. "Yes, mom, don't worry about me, okay na ako" malamig na sagot ni Carlo na agad dumiretso sa kwarto, sobrang nalulungkot siya sa pansamantlang paglalayo nila ni Alexa. Noong una pa lamang ay batid niyang hindi na gusto ng mommy niya si Alexa, nirereto sakanya ng mommy niya ang anak ng kumare nitong si Charm, na matagal ng nasa amerika, at kababata rin niya, ramdam niya na gusto rin siya ni Charm, ngunit ni minsan hindi naman siya nakaramdam ng special para kay charm, para sakanya ay isang kaibigan at kababata lamang ang dalaga. Alam ni Alexa ang tungkol doon, maunawain si Alexa kay Carlo, alam ng dalaga ang estado sa buhay nina Carlo, pero kahit kaylan hindi naman nag damdam si Alexa, naging mabuting nobyo naman kasi si Carlo sakanya, 3rd year sila nung ipinakilala siya sa pamilya ni Carlo, 4th year nang maging mag nobyo sila, maayos naman siyang tinanggap ng pamilya lalo na ng bunsong kapatid ni Carlo na si Emily, ngunit ramdam niya na hindi ganoon kainit ang pagtanggap sakanya ng mommy at panganay na kapatid ni Carlo, pero laging sinasabi sakanya ni Carlo na ganoon lamang silasa ngayun, dahil siguro high school pa lang sila, at kapag Nakagraduate na sila ay nasisiguro niya na magugustuhan din siya ng buong pamilya, strikto kasi ang mommy niya palibhasa ay nag mula rin sa mga edukado at may kayang pamilya. Matalino si Alexa, maganda at desente kaya malaki ang tiwala ni Carlo na balang araw magiging mainit din ang pag tanggap ng pamilya niya kay Alexa. "Alexa, iha, bukas na ang flight ni Carlo, alam kong mahal mo siya, pero kung totoong mahal mo ang anak ko, sana pabayaan mo na siyang mamuhay ng tahimik sa amerika, marami pa siyang makikilala doon na kaparehas niya ng estado sa buhay" Pakiusap ni Amanda, ang mommy ni Carlo. Hindi alam ni Carlo na pinuntahan ni Amanda sa bahay nila si Alexa, gabi bago ang flight nilang mag-anak. Likas na mabuting tao sa Alexa, kaya agad niyang naunawaan ang ibig sabihin ng ina ni Carlo. Mahal na mahal niya si Carlo, Siguro nga tama ang mommy ni Carlo, kung mahal niya ang binata ay hahayaan niya ito, mahihirapan si Carlo sa magiging set up nila, madidistruct sa pag aaral, kaya tama nga ang mommy ni Carlo. "Sana maintindihan mo ako Babe, mahal na mahal kita at hindi kita makakalimutan" Lumuluhang sambit ni Alexa, habang nakasubsob sa kaniyang unan. "Anak, alam kong malalim na rin ang pinag samahan niyo ni Carlo, pero kailangan mo na siyang pakawalan, tama ang mommy niya, iba tayo, iba sila, makakahanap kapa ng mas hihigit kay Carlo." Naaawang payo sakanya ni Aling Eva ang kanyang nanay. Nagpalit ng sim card si Alexa, nag delete ng mga social media account, kinausap rin niya ang mga kapatid na. I-block na si Carlo sa lahat ng kanilang mga account. Pati ang kanilang mga kaibigan lalo na ang bestfriend niyang si Mara. "Best, sigurado kaba sa desisyon mong iyan? baka naman balang araw matanggap din kayo ng mommy niya, matalino ka, maganda, madiskarte alam ko naniniwala ako na may future ka best" "Hindi na best, ayoko na ring ipilit pa, ayokong maging masama ang tingin saakin ng mommy niya, baka nga isipin pa nila na pera lang ang habol ko kay Carlo kung ipipilit ko pa ang relasyon namin" "Pero unfair naman iyan kay Carlo best, wala siyang kamalay malay na binura mo na siya sa memory mo" "Mabuting tao si Carlo best, maiintindihan niya ako, wala rin akong balak na sabihin pa skanyang kinausa ako ni Tita Amanda, ayokong sila naman yung magkasamaan ng loob" "hay naku best, ikaw na talaga ang dakilang sawi ng taon!" Pabirong saad ni Mara sa kaibigan. Mag uumpisa nanaman ang pasukan, nag enroll si Alexa sa isang pampublikong unibersidad, mabilis naman siyang natanggap dahil sa angking talino, kumuha siya ng kursong Literature, gusto niyang mag focus sa pag aaral at patunayang hindi lang hanggang doon ang buhay nilang mga kagaya niya ng estado sa buhay. May mga oras na naaalala niya si Carlo, minsan nais niya itong kumustahin manlang, pero pinipigilan niya ang sarili, natatakot siya na baka sumbatan siya ni Carlo, natatakot siya sa anumang sasabihin ng binata, batid niya na masakit para kay Carlo ang kanyang ginawang pag talikod dito, pero ginawa niya lamang eto para sa ikatatahimik nila parehas, magiging masaya siya na makitang magtatagumpay si Carlo sa buhay ngunit hindi niya pa malaman kung kaya ba niyang makita na may iba na si Carlo. Alam niya sa sarili na hindi magbabago ang nararamdaman niya para kay Carlo. Walang sinayang na pagkakataon si Alexa, iginugol niya ang oras sa pag-aaral, May mga nag papalipad hangin sakanya ngunit ni minsan ay hindi niya ito binigyan ng pansin. Hanggang sa makapag tapos siya ng kolehiyo.