completedNicko loathed girls. He had never fallen in love with someone before. Nakita niya kung paano nasaktan ang kanyang ama at ang kapatid niya nang dahil sa mga babaeng nanloko at nang-iwan sa mga ito kaya hindi siya kailanman nangarap na pumasok sa isang relasyon o manligaw sa isang babae. For him, women were just trash and toys. He just needed them for his own satisfaction with no emotional attachment involved. Then Xanthia came along. Ito na yata ang pinakamakulit at pinakapursigidong babaeng nakilala niya. Pilit niyang kinokontrol ang sarili na huwag mapalapit dito, lalong-lalo na ang ma-in love dito. Pero sadya nga yatang mapaglaro ang tadhana. Or was it Cupid? He fell in love with Xanthia. Only to find out that she would just leave him in the end. Ngayon, may rason pa ba siya para magtiwala sa mga babae at sa pag-ibig kung naramdaman na rin niya ang sakit na dulot ng pagkabigo? --- Pangarap ni Yngrid na makita at makilala sa personal ang crush niyang disc jockey na si DJ Kyle. Hindi niya inaasahang diringgin ang kanyang hiling nang magkaroon ng pa-contest ang radio station na pinapasukan nito. Bukod sa perang mapapanalunan ay may pagkakataon din ang mananalo na maka- date si DJ Kyle. Hindi niya pinalagpas ang pagkakataon. Sumali siya at masuwerteng siya ang nanalo sa contest. Nakuha niya ang pera at naka-date pa niya si DJ Kyle. Ang akala niya ay doon na magtatapos ang lahat ngunit nagulat siya nang isang araw ay pumunta ito sa kanilang bahay at alukin siya ng trabaho bilang sekretarya ng kaibigan nito. Pumayag siya dahil bukod sa kailangan niya ng trabaho ay iyon ang tanging daan na alam niya para maging malapit sila sa isa’t isa. Ang hindi niya alam, magkaiba sila ng dahilan sa pagnanais na mapalapit sa isa’t isa… --- Inupahan si Caraleigh ni Don Alberto para bantayan ang mga anak nito na sina Cage, Nicko, at Kyle at i-report dito ang mga love life ng mga iyon. At sa ilang linggong pagsubaybay niya sa tatlo ay isa lang ang napansin niya—makukulit ang mga ito. Pero ang pinakamakulit sa tatlo ay si Cage. Palikero ito at kung sino-sinong babae ang nakaka-date nito gabi-gabi. At bukod sa pagiging makulit nito, napagdiskitahan pa siya nito nang makita siya nito sa bar. He flirted with her! But she had a dignity to uphold as a detective. Unang-una kasi sa rules sa agency nila ay hindi sila dapat magkaroon ng intimate contact sa mga subject nila. She could do that. Sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa agency at dahil sa mga naranasan niya ay nagawa na niyang kontrolin ang sarili. Iyon nga lang, hindi sa harap ni Cage na mukhang nagbago na dahil hindi na ito palikero. Siya na lang ang kinulit-kulit nito at sinabi nitong liligawan daw siya nito. Paano na `yan? Paano na ang dignidad niya gayong apektado siya hindi lang ng angking kaguwapuhan at ka-macho-han nito, kundi pati na rin ng sinseridad na nakikita niya sa mga mata nito tuwing sinasabi nitong mahal siya nito?
You May Also Like
Latest Series

Beast Taming: Bloodline Golden Hand

Abyssal Awakening

Smash All Pots and Pans To Go to School

Beast World: I Became the Little Villain's Mommy

The People's God: Sacrificing Trillions to Ascend

The CEO's Wife Is Super Charming
![Magus Reborn [Stubbing in Seven Weeks]](https://img.novellunar.com/magus-reborn-stubbing-in-seven-weeks.webp)
Magus Reborn [Stubbing in Seven Weeks]

Millennium Witch

Fate Weaver’s Legacy























