Chapter 1
KAPAPASOK lang ni Beatrice sa entrance ng isang de-klaseng mall sa Makati kung saan kakatagpuin niya ang pinsang si Jeanette at kaibigang si Aleika upang pagplanuhan ang gagawin nilang assassination sa kanyang talipandas na boyfriend, nang may lumapit sa kanyang magandang babae, at her age, too.
“Hi Miss!” palakaibigang bati nito. “Working ka na ba?”
Matipid na tumango siya. Actually, sa edad na biente-singko ay nagnenegosyo at nag-aaral siya ng sabay. Nakatapos na siya ng Fine Arts. Nakapagtayo na din siya ng sariling souvenir shop sa tulong siyempre ng mga ulirang magulang. Sadya yata siyang mapalad dahil sa loob ng dalawang taon ay nabawi niya ang puhunan at naibalik iyon sa mga magulang. At habang patuloy na lumalago ang kanyang shop ay napag-isip-isip niyang kailangan niya ng formal lesson sa paghahawak ng negosyo kaya’t bumalik siya sa Unibersidad para kumuha ng business course. Ngayon nga ay nasa huling taon na siya sa kanyang pangalawang kurso at…
“Ahm, pasensiya ka na kung maaabala kita ng kaunting oras lang naman. Ahm, nagse-save ka ba sa bangko?” narinig niyang tanong muli ng babae.
Tumango na naman siya. Saka matipid na ngumiti rito. Hindi naman siya gaanong nagmamadali dahil sa totoo lang, malamang sa hindi, mauuna na naman siya sa meeting place nila ng mga kaibigan. Sa tuwing magkikita sila nina Aleika at Jeanette, parating siya ang nauuna sa mga ito. Masyado kasing maraming seremonya ang dalawa bago lumabas ng pinto ng sari-sariling tirahan ang mga ito.
“May dala ka bang ATM ngayon?”
Napakunot-noo siya sa tanong nitong iyon. Imposibleng kawatan ito dahil sa itsura at suot nito ay isa itong empleyado ng kung anumang tindahan sa loob ng de-klaseng mall na iyon. Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya at mabilis na inamyendahan ang katanungan.
“Don’t get me wrong, Miss. Hindi naman ako kawatan, at hindi rin ako mangungutang.” Binuntutan nito iyon ng mahinang tawa. “Bale, part of my job na maghanap ng mga tao na nagse-save sa bangko. I’m an insurance agent and today, we’re giving a help for someone who wants to save money for the future but of course with insurance. Do you have any receipt of your latest transaction? Confirmation lang po iyon na nag-iipon ka talaga.”
Tinatamad na kinalkal niya ang purse at kinuha ang wallet. Pasalamat ang babaeng ito at medyo kalma na siya. Magdamag ba naman siyang magbubusa sa mga kaibigan ng mga hinaing niya sa mundo at nakatulugan na ang galit at sama ng loob? Kung hindi niya siguro nagawang makahagilap ng shock absorber ay baka hanggang ngayon, iniimpyerno pa rin sa init ang kanyang ulo.
Kaka-withdraw lang niya sa kanyang debit card at natatandaan niyang isinuksok niya rin sa wallet ang resibo kasama ng pera.
Hindi siya interesado sa insurance dahil bukod sa may government credentials na siyang binabayadan ay masyado pa naman siyang bata para paghandaan ang kanyang kamatayan. O pagkakasakit, dahil sigurado siyang healthy siya. Hindi siya naninigarilyo o gumagamit ng bawal na gamot, occasionally naman kung uminom. In short, wala siyang bisyo na pwedeng pagkunan niya ng sakit at magpaikli ng kanyang buhay. Wala rin naman siyang masyadong kaaway na magdudulot ng death threat sa kanyang buhay. Kung meron mang hindi natutuwa sa existence niya sa mundo, iyon ay ang mga inggitera sa kanyang paligid na sadya yatang ipinanganak para maging kontrabida sa kanyang buhay.
“Here.” Iniabot niya ang kanyang resibo.
Napangiti ito ng malapad at nagsimula nang mag-discuss ng mga bagay-bagay patungkol sa kompanya na pinagtatrabahuhan nito. She wasn’t interested with what she was discussing to her but she didn’t wanted to be rude in front of her. So, she forced herself to listen. Besides, wala namang mawawala sa kanya kung pagtyatyagaan niya itong pakinggan maliban sa kaunting oras na ilalaan niya rito. Sa huli, mapapagod lang ito sa pagdada dahil wala naman siyang balak na mag-purchase ng kung anumang insurance na ipiprisinta nito. Maliban nalang kung totoo nga ang sinasabi nito na ibibigay iyon sa kanya… ng libre!
“By the way Ma’am, I’m Caitlin from Life Savers.” Iniabot nito ang kamay sa kanya.
Nakipagkamay siya rito. Pamilyar sa kanya ang Life Savers dahil maraming beses na niyang narinig ang tungkol roon. Dangan at hindi naman siya interesado kaya’t hindi siya nagtatanong.
“Beatrice, Beatrice Velez.” Aniya.
And the rest happened was out of her control. Natagpuan nalang niya ang sarili na hinihila nito papunta sa opisina ng mga ito roon sa loob ng mall. Pagkapasok roon ay ipinakilala siya sa mga naroroong staffs and managers. Wala na siyang nagawa kundi ang ngumiti at makipagkamay ng may paghanga sa mga nakikipagkamay sa kanya. Paano ba naman? Requirement yata ng kompanya ang pagiging good looking. Every woman and man inside was all gorgeous. She wondered how was the owner would look though.
“Ma’am. Sandali lang po. Hintayin niyo po ako dito, tatawagin ko lang ‘yung isa naming staff para i-assist kayo sa ibibigay na insurance. Ganito po ang hitsura nu’n.” Ani Caitlin na iniabot sa kanya ang maliit na card.
Tumango lang naman siya at pinagmasdan ang mga nagpaparoo’t-parito na staffs ng kompanya. Ni hindi niya napansin ang pagpasok ni Caitlin sa loob ng marahil ay conference room. Hindi pa rin niya mapigilan ang mapanganga kapag gayong nagsusulputan at biglang mawawala sa kanyang mga paningin ang mga naggagwapuhang lalaking abala sa pag-assist sa mga client ng mga ito. No wonder, puro mga babae ang mga naroroong kliyente. Karamihan nga ay mga teenagers pa. Napailing at napapalatak nalang siya. Ang babata pa ng mga ito para bumili ng insurance pero dahil na-hook sa kagwapuhan ng mga nag-a-assist ay nakukuha sa sales talk.
‘I swear. Kahit pa gaano kagwapo ang mag-assist sa akin, hindi ako bibili ng insurance. Bukod sa magsasayang lang ako ng pera rito, katulad rin ang mga ito ng manlolokong si Kirk!’
Kirk was her boyfriend. ‘Was’ dahil nais na niya itong ilagay sa nakaraang chapter ng buhay niya. Binabalak niyang hulihin sa akto ang ahas na kasintahan bago makipaghiwalay roon. Matagal na naman niyang nararamdaman na hindi ito faithful sa kanya pero nagbulag-bulagan siya. Until one day ay nakita niya ito sa tapat ng isang restaurant at tila may hinihintay. Balak niyang sorpresahin at lapitan si Kirk ng hindi noon namamalayan.
‘Hi, babe! Where are you?” malapad ang ngiti at malambing na tanong niya ng sagutin nito ang cellphone habang malayang pinagmamasdan iyon mula sa malayo.
‘Dito lang sa office. I’m in a meeting. I’ll call you back later. Bye, I love you.’
At nawala na ito sa kabilang linya. Napalis ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi dahil sa narinig. Hindi lang iyon. Tuluyan nang nag-alsa-balutan ang nagtitimpi niyang dibdib nang makita ang isang magandang babae na lumapit at yumakap rito.
‘What is the meaning of all of this?’
Sinadya niyang hindi ungkatin kay Kirk ang nakita niya dahil alam niyang magagawan nito ng palusot ang bagay na iyon. Doon ito magaling, sa pagpapalusot!
Kahapong kumakain sila sa isang restaurant at magpaalam ito saglit para magbanyo ay naiwan nito ang cellphone. Sinalisihan niya si Kirk at nagbulatlat roon. Sa planner nito sa cellphone ay nalaman niya ang next week schedule nito. May pupuntahan itong resort at may pangalan ng isang babae na malamang ay kasama nito sa nakatakdang-araw. Labis na nagpupuyos ang damdamin niya. Kung ayaw na pala nito sa kanya at may iba nang nagugustuhan, bakit hindi pa nakipaghiwalay na lamang at hindi iyong ginagawa siyang reserba? O baka hinihintay nito na siya ang gumawa ng unang hakbang para hindi ito magmukhang masama? Wala naman nga kasi siyang ipinakitang hindi maganda rito para hiwalayan siya nito. At syempre, kung malalaman ng mga mutual friends nila na ito ang nakipaghiwalay, ito ang lalabas na masama.
At kung ganoon nga na gusto na pala nitong kumawala, pwes, gagawan na niya ng paraan. That was her real agenda for the day. Pero tila mauudlot dahil sa kinaroroonan niya ngayon.
“Excuse me, Miss Velez.” Napabaling siyang bigla sa nakabalik na palang si Caitlin.
“Yes?”
“Nagmamadali po ba kayo? Can you still wait for… maybe, five minutes more. Wala pa lang pong available na underwriter.”
Kunway naiinip na sinipat ni Beatrice ang wrist watch at muling bumaling rito. “I’m sorry. I can’t stay for even another minute. May kakatagpuin din kasi akong mga kaibigan—”
“Wait, Ms. Velez! Sandali nalang po.” Tila humihingi ng tulong na sumulyap ito sa isang lalaki sa malapit na kung hindi siya nagkakamali ay unit sales director base sa name plate sa kaliwang dibdib nito. “We’ll giving you a free—”
“Sa ibang araw nalang.”
Tumayo na siya. Buo na ang desisyon niyang umalis roon at huwag hintayin ang kung anumang iaalok o ipakikipag-usap ng mga ito. Nase-sense niya na may hindi magandang mangyayari sa bulsa niya base na rin sa pagpigil sa kanya ni Caitlin.
And how the hell did she get herself into that situation?
Kung sana ay nagmatigas nalang siya na ayaw niyang sumama kay Caitlin. But she thought it’s too rude to decline from her very sweet invitation. Palagay naman niya ay harmless ito. Well physically harmless, pero hindi sa bulsa niya. Ayaw niyang makumbinsi na bumili ng bagay na hindi pa naman niya kailangan. One of so many things that her parents thought her is to be thrifty. Kaya nga siguro siya lumaking kuripot.
Lumapit sa kanya ang may ina-assist pang unit sales director na may pangalang Gelo Martinez sa nameplate nito.
“Ms. Velez, mas maganda kung ngayon mo na i-avail ang inio-offer namin. In a minute ay may mababakante nang staff na mag-a-assist sayo.” Kalmante at very friendly na saad ni Gelo.
“But I’m—”
Napahinto siya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang isang pinto na kasunod lang ng pinasukan kanina ni Caitlin. Iniluwa noon ang isang matangkad at… at…
Napanganga na naman siya. Kung kanina ay napapalibutan na siya ng mga Adonis at Diwata, ano pa ang dapat niyang itawag sa napakagwapong nilalang na ito?
She was dumbstruck the moment she saw the guy, with a piercing eyes and not so friendly look coming her way!
Pakiwari niya ay nasa eksena siya sa twilight kung saan haharap siya sa istriktong nakakataas, na kung hindi man kalaban ay hindi rin kakampi. Aristokratong-aristokrato ang kalibre ng aura nito na maski sino ay mangingilag. Napaka-invincible! Hindi niya alam kung wala lang ito sa mood o sadyang ganoon ang hilatsa ng pagmumukha nito. At kung ganoon nga? Paano ito makakahakot ng kliyente kung mukha itong parating nabubugnot? Anyway, bumabawi naman ang napakagwapong mukha nito sa malasibat na mga mata nito.
Saglit itong bumaling kay Gelo habang tila dinaanan ng isang batalyong anghel ang buong paligid dahil tahimik na tahimik ang lahat. “Ako na.” anito.
Napakunot-noo siya. Hindi kasi niya naunawaan ang ibig nitong sabihin sa director.
“Okay, Sir.” Magalang na tugon ni Gelo at bumalik sa ginagawa nito.
Napamaang si Beatrice. Unit sales director si Gelo. Sa abot ng kanyang kaalaman, kung ganoong branch lang ng Life Savers ang opisina sa mall na iyon, ang unit sales director na ang pinakamataas na naroroon.
So, sino pala ang wala yata sa mood na lalaking ito?
“Ms. Velez?” nakangiting untag sa kanya ni Gelo na napansin ang pagkamangha niya.
“Ha?” naitugon niya.
“Si Sir na daw ang bahala sayo, Ms. Velez.” Nakangiting saad ni Gelo.
“Ms. Velez?” baling sa kanya ng matangkad na lalaki. He looks dignified in his business suit and proclaimed authority to everyone.
‘Hindi kaya…’
Napatango siya ng tumikhim ito upang maputol ang kanyang pagmumuni-muni.
“Please follow me inside.” Pagkasabi noon ay tumalikod na ito at muling pumasok sa silid na pinanggalingan nito.
“Wala yata sa mood si Sir.” Siko ni Caitlin sa katabi.
“Paano, naabutan tayong aligaga rito. Baka ang senaryo natin ang makapagtaboy sa mga client.” Tugon ng katabi nitong babae.
“Sino ba ‘yun?” hindi niya napigilang itanong sa mga ito.
Sabay na napasinghap ang dalawa.
“Hindi niyo siya kilala, Ma’am?” namamanghang tanong ni Caitlin.
‘Kailangan ba na kilala ko ang lahat ng tao na makakasalubong o makikita ko?’
Inosenteng umiling siya.
“Ay! Saang lupalop ka ba nagkukuta, Ma’am? Bakit hindi niyo kilala si Sir eh sikat siya sa napakalaking population ng mga babae sa bansa? Siya ang acting President at CEO ng Life Saver Corp. at de Luna Savings Bank? Nai-feature na nga po siya sa ilang female magazine at nag-aagawan ang mga columnist ng schedule para ma-interview siya.” Malapad ang ngiting kwento ni Caitlin.
“Ang daldal mo talaga, Cait!”
Umirap si Caitlin sa katabi. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Besides, gusto ni Ma’am ng kaunting information tungkol sa big boss.”
‘Really? Bakit hindi ko nalaman ‘yun? Nagbabasa din naman ako minsan ng newspaper.’
‘At ano bang pakialam ko dun?’
“Caitlin, Nikka, bumalik na kayo sa pwesto niyo. Nakikita kayo ni Sir, huwag niyo nang dagdagan ang init ng ulo niya.” narinig nilang sita ni Gelo.
“Okay, Sir.” Sabay na tugon ng dalawa.
“Ms. Velez, ang swerte mo. Si Sir pa ang magbi-brief sayo.” Tila kinikilig na saad ni Caitlin.
Hindi niya alam kung ngingiti ba o sisimangot dahil sa sinabi nito. Malamang na crush nito ang big boss. At nasisigurado niyang hindi ito nag-iisa dahil sa animoy mga giraffe na panghahaba ng mga leeg ng mga babaeng staffs sa pagsilip sa silid na pinasukan ng boss.
‘Mga bwisit talaga ang mga lalaking gwapo! Hmp!’
“Pasok na po kayo sa executive office.” Suysoy sa kanya ni Caitlin.
Nang tumango siya ay lumabas na din ito ng opisina. Malamang na babalik na itong muli sa pwesto nito sa may entrance. Siya naman ay nagdesisyon nang pumasok sa loob ng opisina. Naramdaman pa niya sa kanyang likod si Gelo na ini-escort-an siya.
“Nag-round si Sir sa mga branches kaya ayan, mapipilitan siyang mag-assist ng client dahil puno kami ngayon.” Ani Gelo.
“Hands on din pala itong boss niyo, ano?” sabi naman niya.
“Oo nga eh. Ingat ka diyan, nangangagat ‘yan.” Biro pa ni Gelo na sinundan ng tawa. Nakitawa rin siya.
Bago tuluyang pumasok ay bumaling at ngumiti siya kay Gelo.
‘Nakikita kayo ni Sir, huwag niyo nang dagdagan ang init ng ulo niya.’
Ngayon ay nauunawaan na niya ang ibigsabihin ni Gelo. One way mirror kasi ang dingding ng opisina ng lalaki. Sa labas ay nagmimistula iyong salamin pero sa loob ng opisina ay kitang-kita nang nasa loob ang ginagawa ng mga nasa labas. Bakit kaya nilagyan pa ng opisina ng acting CEO gayong branch lang naman ang opisinang iyon ng Life Saver. Surely hindi iyon ang main branch. Pwera nalang kung nagbababad din ito sa branch na iyon.
“Please sit down.”
Kamuntik pang mapalundag sa kanyang kinatatayuan si Beatrice ng marinig ang buo at lalaking-lalaking tinig ng nasa likod ng swivel chair. Nang umikot ang kinauupuan nito paharap sa kanya ay nahigit niya ang sariling hininga. Umangat ang isang kilay nito at lumipad sa nasa unahang silya ang mga paningin. As if he was gesturing her to sit down. Naglakad siya palapit at naupo. Sa ibabaw ng mesa nito ay hinawi ang kung anu-anong bagay na nakalatag kabilang na ang nagtataglay ng pangalan nito.
‘Quelvin de Luna, President and CEO- Life Savers.’
Napakunot-noo na naman siya. Akala ba niya ay acting President and CEO lang ito? Hindi ito ang mismong presidente. Baka naman nga ito na rin ang magmamana ng posisyon at under observation pa.
Malamang na ganoon nga. Sa palagay niya, nasa late twenties na ito or maybe at his thirty of age. Posible ba na sa ganoong edad, magmamay-ari na ito ng malaking corporation at isa sa pinakamalalaki at pinakasikat na bangko sa buong bansa?
“Ms. Velez.” Untag ni Quelvin sa kanyang pananahimik. Napaangat ang mukha niya rito. “Okay, for formalities.” Inilahad nito ang kanang kamay sa harap niya. “I’m Quelvin of Life Savers.”
Magaang inabot niya ang kamay nito. At ng mga sandaling magtagop ang mga iyon, gusto niyang itanong kung sadya bang nanlalamig ang mga kamay niya o talagang mainit ang kamay nito.
The warmth of his hand crawled through her veins down to her heart. Iyon siguro ang dahilan kung bakit may kung anu-anong nagkakalampagan sa loob ng dibdib niya.
“Let’s starts with this.” Anito ng pakawalan ang kamay niya. Para bang walang anumang epekto rito ang pagtatagop ng mga kamay nila.
And what did you expect? He’ll feel the same feeling you felt? Duh! Hindi ka na nadala, Beatrice. Isa lang siya sa mga lalaking ginagamit ang charm para makuha ang kanilang gusto.’
‘Just like Kirk! ‘
Dahil roon ay ngali-ngali niyang tadyakan ang sarili. Kung anu-anong pumapasok sa utak niya. Kaya’t pati ang dapat na panuntunan niya sa buhay ay manganganib na namang mabago.
“Sa tuwing maririnig mo ang Life Savers, ano ang unang-una mong naiisip?”
Nagkibit-balikat siya. “I have no idea. Hindi naman kasi ako interesado.” Deretsahang tugon niya.
It was an honest, harmless and innocent answer. Pero mukhang na-misinterpret nito dahil saglit na dumaan ang insult sa mga mata nito. Mabilis din naman iyong nagkubli sa matalim nitong mga titig.
She wonders how he got a client with that glare. Natatakot lang ba rito ang mga kliyente nito kaya’t napapabili ng insurance? Aside from he’s very good looking, idagdag pang tila sumisigaw ang napakalakas nitong sex appeal ay wala na siyang makitang ibang plus factor para makahakot ito ng kliyente. He’s glare was unfriendly. Maging ang aura at pagiging pormal nito. Unlike he’s staffs and employee’s na very friendly ang dating.
‘Baka naman ang mga staffs at employees nito ang totoong bumubuhay at nagpapalago sa kompanya. Imposible namang makahakot ng kliyente ang suplado at istriktong aura nito.’
“Pero dahil nabanggit ng isa sa mga agents mo na magbibigay kayo ng free insurance so I presume, it’s an insurance based company.” Biglang bawi niya. Magmumukha siyang mang-mang sa harapan nito kung hindi niya aamyendahan ang naunang sinabi.
And to her surprise he smiled genuinely at her. A beautiful and perfect set of white teeth was exposed in front of her.
God! He was really gorgeous!
With that handsome smile that painted to his face, she couldn’t help but hold her breath! Hindi naman siya miminsang nakaharap sa gwapong nilalang. In fact, Kirk was definitely handsome. Pero ang isang ito ay kakaiba.
Ngiti pa lang nito, ulam na!
‘Binabawi ko na ang sinabi ko kanina.’
Now she knew how he got a client. Parang kahit na sinong naka-hindi na rito ay agad na mapapa-oo sa sandaling ngitian nito.
“I appreciate honest answers.” Anito na inabot ang isang ballpen at malinis na bond paper at iniharap sa kanya. “Life Savers is a trusted insurance company of more than half of the country’s population; government, non government, teachers, farmers...”
Habang nagdi-discuss ito ng kung anu-ano ay umu-oo lang siya sa mga tanong at sinasabi nito maski hindi niya gaanong nauunawaan. Gustuhin man i-absorb ng utak niya ang mga sinasabi ni Quelvin ay walang nangyayari. Patuloy na naglalakbay sa ibang mundo ang kanyang isip habang tinititigan at malayang sinusuri ang kabuuan ni Quelvin. Napakakinis at napakaputi ng balat nito na kung merong bampira sa panahon ngayon ay mapapagkamalan niya ito. Nais niyang mahiyang idaiti ang sariling balat sa malasutlang kulay ng braso nito na nakapatong lang din sa mesa nito. Flawless at maputi din naman siya pero hindi tulad nito na para bang tinakasan ng dugo sa katawan.
He has a perfect shape of face, arrogant nose and a pair of black piercing eyes. Mga matang tila nanunuot kapag tumititig. Na kung sa una ay intimidating ang dating, nagiging kaakit-akit iyon habang tumatagal.
Gusto niyang mapatawa sa sariling naisip. Kailan pa naging kaakit-akit ang mga matatalim na mga mata?
“What package do you prefer?”
Napapitlig siya nang iharap nito sa kanya ang listahan ng mga packages. Gusto niyang mahilo sa dami ng digits na nakikita niya sa computation ng bawat packages. Itinuro nalang niya ang pinakamababang halaga. Obviously, umaandar pa din ang kakuriputan niya maski parang nawawala na yata siya sa sariling katinuan.
“May consequences ang package na napili mo. Have you read the note?” nakakunot-noong tanong nito.
‘Parang gusto mo pa yatang kumuha ako ng mas mahal na package ah?’
“Okay na ‘yan. Agree na ako.” Aniya at matamis na ngumiti rito.
“So, it’s settled then. Let’s sign the contract.” He ended.
Isang iglap lang ay may kontrata nang nakaharap sa kanya. Pinirmahan niya iyon at ganoon din ito. Humingi ito ng dalawang Id niya at pirma sa pina-photocopy na mga Id’s sa staff na tinawag nito. Matapos iyon…
“How do you want to pay your annual deposit?”
Napamaang siya. “Ha?”
“Cash, credit card or debit card?”
‘Magbabayad na agad?’
‘Anyare?’

