completedteaser 1: Desperada na si Allyson dahil sa malaking problema ng kanyang pamilya kaya napilitan siyang humingi ng tulong sa pinsan slash half sister niyang si Demi. Pero may kapalit ang tulong. Magpanggap daw siyang si Demi at tumira sa mansiyon ng mga Mondemar para makasama ang fiancé nitong si Jaime. Naging madali ang misyon ni Allyson. Naging malapit sila ng triplets ni Jaime at unti-unti, nahulog na rin ang loob niya sa lalaki. Pakiramdam niya, siya na talaga ang tunay na mommy ng triplets at asawa ni Jaime. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili na tuluyang mapalapit sa mag-aama. Ngayon, hindi niya alam kung paano makakalabas sa pinasok na gulo. Lalo pa't nalaman na ni Jaime na isa siyang impostor... teaser 2: Galit na galit si Suzy nang malaman niya ang masamang plano ng dalawang kuya niya para tuluyan nang mapunta sa mga ito ang carnabal na pag aari ng may sakit nilang lolo. Masyadong tuso ang dalawa niyang kapatid kaya dapat lang na hindi siya magpatalo sa mga ito. Ang tanging paraan para maipamana sa kaniya ng lolo niya ang carnabal ay ang magbuntis siya at mabigyan na ito ng apo. Pero papaano niya gagawin iyon kung wala naman siyang boyfriend? Isang paraan lang ang naiisip niya, makikipagtalik siya sa lalaking hindi niya kilala at kapag nagdalangtao na siya ay tapos na ang problema niya. Si Miguel Mondemar ang katuparan ng plano niya. Hindi niya ito personal na kilala pero base na rin sa mga katangian nito ay gusto niya na ito ang maging ama ng magiging anak niya. Ginawa niya ang lahat ng strategy na alam niya para makuha ang atensiyon ni Miguel. Pero hindi niya magawang magtagumpay sa mga plano niya dahil palaging nakikialam ang kapatid nitong si Juancho Mondemar. Nagbanta pa ang lalaki na isusumbong siya kay Miguel dahil alam daw nito ang tungkol sa plano niya. Daig pa niya ang niyanig ng malakas na lindol dahil sa biglang pagsulpot ni Juancho. Sa tuwing sumusulpot ito sa harap niya para pigilan siya sa plano niya ay parang gusto nang magbago ng isip niya. Parang gusto niya na si Juancho na lang ang maging ama ng anak niya. Kahit palagi itong mukhang madungis dahil sa porma nito ay hindi niya mapigilan ang panlambutan ng mga tuhod kapag kaharap na ito. Pwede nga kaya na ito na lang ang maging daddy ng baby niya? Pero papaano naman niya gagawin iyon kung nabuking na siya nito?! teaser 3: Simula pagkabata ay nasanay na si Dorothea na kumilos at manamit na parang isang tunay na lalaki. Lumaki siya kasama ang ama at pitong kuya niya kaya hindi na nakapagtataka na naging kilos maton na rin siya. Hindi pa naman niya naranasan na magkagusto sa kapwa niya babae pero naniniwala siya na may tamang panahon para sa ganoong bagay. Pero biglang nagbago ang mundo niya nang makilala niya si Miguel Mondemar, ang napakagwapo at ubod ng supladong boss niya. Kahit anong tigas pala ng puso niya ay hindi naman niya mapigilan ang sarili na mahulog ang loob sa binata lalo na ng suyuin siya nito at sabihin nitong desidido ito na gawin siyang isang tunay na babae. Dahil kay Miguel ay nagawa niyang baguhin ang sarili niya. Pero panandalian lang pala ang sayang nararamdaman niya dahil bumalik ang best friend nito na matagal na pala nitong mahal. Papayag ba siya na tuluyang mawala sa kaniya si Miguel o babalik na lang siya sa dating siya bago niya ito nakilala?
You May Also Like
Latest Series

Beast Taming: Bloodline Golden Hand

Abyssal Awakening

Smash All Pots and Pans To Go to School

Beast World: I Became the Little Villain's Mommy

The People's God: Sacrificing Trillions to Ascend

The CEO's Wife Is Super Charming
![Magus Reborn [Stubbing in Seven Weeks]](https://img.novellunar.com/magus-reborn-stubbing-in-seven-weeks.webp)
Magus Reborn [Stubbing in Seven Weeks]

Millennium Witch

Fate Weaver’s Legacy



















