MONDEMAR CLAN SERIES 2completed
Badboy

MONDEMAR CLAN SERIES 2

by BETHANY SY

4.7(2955 reviews)
2.49K views
73 chapters
0 saved

1. THE UNEXPECTED LOVE Simple lang naman ang gusto ni Maricon sa buhay, ang magkaroon ng sarili niyang pamilya at makasama ang boyfriend niyang si Junie. Pero ang lahat ng iyon ay pinigilan ni Gabriel Mondemar. Dahil kay Gabriel kaya hindi natuloy ang kasal nila ni Junie. 2. THE LOVE OF MY LIFE Hindi fan ng salitang forever si Fabio. Naniniwala kasi siya na hindi naman lahat ng tao sa mundo ay may kakayahan na makahanap ng ka-forever. Kaya nakontento na lang siya sa one night stand at nangako sa sarili na hindi papasok sa seryosong relasyon. Pero nagbago ang paniniwala niya sa forever ng makilala niya si Vanessa. Sa lahat ng babaeng nakilala niya ay si Vanessa lang ang nagpahirap sa kaniya. Ang masaklap pa ay hindi niya ito madala sa kama dahil parang hindi naman ito apektado sa karisma niya. Ah, hindi siya papayag! Hindi pwedeng may isang babae ang tumanggi sa kaniya. Ginawa ni Fabio ang lahat para lang makuha si Vanessa. Nagawa pa niya itong ligawan kahit wala naman iyon bokabularyo niya. Noong una ay aminado siya na sex lang ang habol niya kay Vanessa. Pero nagbago ang isip niya nang makilala niya ang totoong ito. Hindi na lang pala ang katawan nito ang gusto niyang makuha dahil kahit siguro ang buhay niya ay itataya niya para lang ibigay nito sa kaniya ang puso nito. Pero mukhang mabibigo pa yata siya sa first love. Mauuwi pa yata ito sa first heartbreak dahil planado na pala ni Vanessa ang lahat. Balak pala nitong pahirapan siya at durugin ang puso niya. Sa unang pagkakataon ay nasaktan siya ng sobra. May second chance at forever pa nga ba para sa kanilang dalawa ni Vanessa? Pinaikot nito ang mga magulang niya at sigurado siya na tinakot din nito ang boyfriend niya kaya sa huli ay nagawa nitong makuha siya. Nagpakasal sila ni Gabriel kahit na ayaw niya. Nangako siya sa sarili na gagawin niyang impyerno ang buhay nito dahil sinira nito ang buhay niya. Pero paano niya gagawin iyon kung walang ibang ginawa si Gabriel kundi ang mahalin siya? Magagawa ba niyang saktan si Gabriel at huwag aminin sa sarili na mahal na pala niya ito? 3. BLOSSOM IN MY HEART Hindi makapaniwala si Blossom na tuluyan nang mauubos ang pasensiya sa kaniya ng lolo Calixto niya. Laking gulat niya nang sabihin nito na ikinuha daw siya nito ng bodyguard na siyang magbabantay sa kaniya, twenty four--seven. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang makilala na niya ang bodyguard niya. Ang lalaking may kulay berdeng mga mata na si Claud. Kulang ang salitang 'gwapo' kung ide-describe niya ito, aminado naman siya sa bagay na iyon. Pero mas tuod pa ito sa robot at ang mas nakakainis ay parang walang dating sa lalaki ang beauty niya! Pero sa kabila nang pagpapahirap niya ay parang wala naman iyon epekto kay Claud. Madalas pa nga ay pinagtatakpan siya nito sa lolo niya. Ang sabi ng iba ay hindi daw posible na magkagusto ang isang prinsesang katulad niya sa isang katulad ni Claud. Pero hindi naman niya mapigilan ang puso niya na mahalin ito. At kung may hero at heroine ay may kontrabida din. Ang akala ni Blossom ay ang lolo niya ang magiging malaking problema sa pagmamahalan nila ni Claud, hindi pala. Nakialam ang tadhana at sinubok ang tiwala nila sa isa't isa. Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita ni Claud. Dapat na ba niyang aminin dito ang buong katotohanan nang paglayo niya noon o hahayaan na lang ito lalo pa at alam niya na hindi na siya ang prinsesa na nababagay kay Claud?