completedENCHANTED WORLD OF KROEN Dahil sa larawang iginuhit ni Quinn ay nagbukas ang lumang lagusan ng mga lambana patungo sa mundo ng mga mortal. Sinamantala ni Kroen na makatawid. Napakaraming taon ang hinintay niya para makatawid upang mahanap, makita, at makasama kahit saglit ang kanyang ama na nasa mundo ng mga tao. Pero sa kasamaang-palad ay saksakan ng sungit ang pintor na nagmamay-ari ng susi ng lagusan patungo sa kanyang mundo. Higit sa lahat, posible siya nitong ipahamak dahil hindi ito naniniwala sa mga tulad niya. Nagkasundo sila na hindi dadagdagan ni Quinn ng kahit anong detalye ang larawan. At patutunayan ni Kroen sa susunod na kabilugan ng buwan na isa siyang lambana at ang larawan ang lagusan sa pagitan ng dalawang mundo. Subalit matapos ang kanilang napagkasunduan ay nagpasya ang puso at isip ni Kroen na manatili sa tabi ng pintor. Pero kaunting panahon na lang ang nalalabi sa kanya sa mundong iyon. Ano ang uunahin ni Kroen: ang hanapin ang kanyang ama o lubos-lubusin ang maikling sandali na makakasama si Quinn, ang mortal na natutunan na niyang ibigin? Enchanted World Of Rosette Kinailangang tumawid ng lambanang si Rosette sa portal papunta sa mundo ng mga mortal para sunduin si Erastus—ang pinakamalakas na mandirigma sa Engkantasya. Ang problema, isa nang tao si Erastus at walang naaalala tungkol sa nakaraan nito. At nang kumbinsihin naman niya si Erastus na sumama sa kanya, inakala nitong nababaliw siya. Ginawa ni Rosette ang lahat para kumbinsihin si Erastus. Pero kung kalian naman nakumbinsi na niya ang lalaki, saka naman nangyari ang hindi inaasahan. Hinalikan siya ni Erastus. Ang kapalit ng halik ng isang mortal sa isang lambana ay buhay lambana kapag hindi ito minahal ng mortal. May paraan naman para hindi mamatay si Rosette. Mayroon pa siyang tatlumpung araw para paibigin si Erastus. Pero paano niya gagawin iyon kung alam niyang kaya isinuko ni Erastus ang pagiging engkantado ay para iligtas ang babaeng mahal nito. Enchanted World of Xeen Unlimited ang buhay ng lambanang si Xeen kaya hindi na siya natatakot mamatay. Nandiyan ang Gitbutay na sasaluhin siya hanggang sa dumating ang araw na iluwa uli siya ng mundo sa ibabaw ng bubot na bulaklak. Pero nagbago ang lahat nang mahalikan niya si Ezio—ang mortal na may matigas na kalooban. May sumpa ang halik sa isang mortal na ikamamatay ng lambana kung hindi niya ito mapapaibig. Napamahal na kay Xeen si Ezio at ayaw niyang mamatay na hindi napapaibig ang lalaki. Kaya hindi niya ito tinantanan. Kung kinakailangan niyang isuko ang pagiging imortal, pagkakasyahin niya ang sarili sa maiksing buhay ng mga tao, makasama lang si Ezio. Ang problema, habang tumatagal si Xeen sa mortal world, patuloy rin ang paglala ng disequilibrium sa kanilang mundo—ang Engkantasya. Maipapahamak niya ang mga kapwa lambana. Kaya kailangan na niyang umuwi, mahal man siya ni Ezio o hindi.
You May Also Like
Latest Series

Beast Taming: Bloodline Golden Hand

Abyssal Awakening

Smash All Pots and Pans To Go to School

Beast World: I Became the Little Villain's Mommy

The People's God: Sacrificing Trillions to Ascend

The CEO's Wife Is Super Charming
![Magus Reborn [Stubbing in Seven Weeks]](https://img.novellunar.com/magus-reborn-stubbing-in-seven-weeks.webp)
Magus Reborn [Stubbing in Seven Weeks]

Millennium Witch

Fate Weaver’s Legacy























